v. dwarf's snow white

1.8K 60 29
                                    

Jimin's P.O.V

" Yah appa! Nandito sila Hoseok-appa. " sigaw ni Heejung nung nakita na niya kami sa labas ng bahay nila.

Kumaripas naman ng takbo si Jungkook palabas ng bahay, " Surprise! " sabay-sabay naming sigaw nung nakita na niya kami.

" Anong ginagawa niyo dito mga hyung? " tanong niya, tas hinihingal pa siya. Hahahaha.

" Naisipan naming bumisita, kasi nami-miss na namin si Hee. " sabi ni Taehyung

" Akala ko ako na-miss niyo eh. " sabi ni Jungkook tas pinagbuksan kami ng gate. " Pasok kayo. "

" How are you, nose? " tanong ko sakanya tas inakbayan siya, tinaasan niya lang ako ng kilay tas ang sungit ng tingin.

" Nose pa. Tsaka, parang nung isang araw lang tayo mag-kasama ah? " sabi niya habang papasok na kami sa loob ng bahay nila.

Ah, bahay pala ni Choonhee to. 'Yung lumang bahay nila. Sila na tumira, sayang naman kung hindi titirahan diba. Haha. Sino kausap ko.

" Wala lang, gusto ko lang itanong. " sabi ko tas umupo na sa may sofa pagka-pasok. Nakita naman naming bumaba si Choon.

" Hi Choon! Ganda mo parin. Hahaha. " sabi ni Taehyung habang nakaway kay Choon. Tumawa na lang si Choon.

" Hi, musta kayo? Tagal nating di nagkita ah. " sabi niya tas umupo sa may single sofa.

" Ayos lang naman. " sagot ko, " Pogi parin gaya nung dati. " dagdag ko tas nag fake laugh na lang siya. Di siya sangayon don huh.

" So, may mga lovelife na ba kayo? Haha, sorry epal. " sabi niya sabay peace sign.

" Di okay lang 'yun, Choon. Meron na kami ni Jimin, si Hoseok-hyung, malapit na ata. Hahaha. " sabi ni Taehyung, nag-thumbs up na lang ako.

" Ahh, hahahaha. Nice nice. Pakilala niyo naman sa'kin, para madagdagan mga kaibigan ko. Hahaha. " sabi niya sabay tawa. Alam niyo, sayang talaga eh. Aariba na sana ako dati kung hindi lang sila ni Jungkook non. Hahaha, na-attract ako pucha. Pero, past is past. May babe na ko.

" Sige, Choon! Pag may time. Haha. " sabi ni Taehyung. Si Taehyung din. Hahaha, nag-open up siya sa'kin tas na-mention niya sa'kin 'yon so, kinimkim ko 'yung akin. Haha. Sshhh.

" Sige. " sabi niya sabay ngiti, pumasok naman si Jungkook na may dalang pagkain, " Para samin ba 'yan Jungkook? " tanong ni Hoseok-hyung.

" Ha? Oo, mabait akong maknae kaya ayan. " sabi niya sabay lapag ng tray. Bait ah.

" May dala kaming ano eh, ay. Sainyo na lang 'to, pang-merienda niyo bukas. Thanks, Kookie~ " sabi ni Taehyung tas inabot kay Jungkook 'yung paper bag na dala namin.

" Si Hee? Di ko na nakita ah. " tanong ko, di na siya nagpakita pagkapasok namin.

" Nasa taas siya eh, nandito kaklase niya. " sabi ni Choon

" Ay, siya pa naman 'yung pinunta namin dito. Pwede ba kaming umakyat? Hehe. " sabi ni Taehyung, hanggang ngayon isip bata parin 'tong alien na 'to.

" Uh, sige. Jungkook, samahan mo na lang sila sa taas. Magluluto lang ako ng dinner. " sabi ni Choon at pumuntang kusina. Sinamahan nga kami ni Jungkook sa taas.

Wow. Ganda pala ng bahay. " Ni-renovate niyo ba 'to, Kook? " tanong ko habang nililibot 'yung tingin ko dito.

" Slight lang, konting ano. " sabi niya. Tas kumatok sa pintuan ni Heejung. Bumukas naman 'to at bumungad ang nag-dalagang Heejung.

Bangtan Daddies 2Where stories live. Discover now