xxiv. jin's surprise

1.1K 44 6
                                    

JIN:

Oh my gosh, oh my gosh. Guess what? Isa na ako sa mga Superman Family! Hahahahah! Hindi nila pinili si Yoongi. Ako ang pinili. HAHAHAHA.

Tumatawag nga si Yoongi ngayon eh, nabalitaan na niya siguro 'yung pagiging cast namin sa The Return of Superman. Sinagot ko na yung tawag kasi pag di ko sagutin baka sugurin pa ako dito.

" Bakit Yoongi? "

[" Hyung! Bakit ikaw yung napili?! Ang daya naman! "]

" Hindi ko rin alam, baka siguro mas gwapo at mas matanda ako sa'yo? "

[" Hindi counted ang looks dito hyung, ano ba. Basta kapag nag-airing na kayo, invite mo ako tapos maglalaro sila Felicity at Yoonjae. "]

" Makapag-demanda 'to ah. "

[" Sige na hyung! Ang tagal ko ng gustong ma-casting sa The Return of Superman eh! "]

" Hahaha oo na, sige na. Pagbibigyan na kita. "

[" Yes! Thank you hyung! Hahahaha. Narinig mo yun Jae? Bibisita tayo kay uncle Jin mo sa The Return of Superman! Yes naman. "]

" Oh sige na Yoongi. Ibababa ko na 'to. Bye. " sabi ko at binaba na 'yung tawag. Mukhang nage-enjoy pa kasi siya sa pag-payag ko na pumunta siya sa mga episodes ko.

Pero syempre, malimit lang 'yung pag-feature niya diba? Ako bida dito eh. Kami pala ni Felicity. Speaking of, asaan si Felicity?

" Felicity? Ahyoung? Asaan ka? " tawag ko sakanya habang naglalakad palabas ng kusina. Parang di ko siya marinig na nag-iingay ngayon ah. " Ahyoung-ah. " tawag ko ulit.

Pumunta na ako sa sala kaso wala siya. Asaan na 'yung batang 'yon? Bumalik ulit ako sa kusina para ibaba 'yung bitbit ko na bowl, gagawa kasi ako ng brownies. Paborito ni Scarlet 'yon, I'm bakinh them since it's her birthday today.

" Ahyoung! " pasigaw kong tawag, lumabas na ulit ako at nilibot 'yung buong bahay namin. Pumasok na ako sa kwarto namin, sa kwarto niya, sa playroom niya, sa may mini-library or storage room namin wala siya. Sa CR wala rin. Asaan na ba 'yun?

" Yah! Felicity! Asaan ka na? Lumabas ka na! " sigaw ko habang mabilis na naglalakad papunta sa kusina. Hindi ko mahanap 'yung batang 'yun, asaan ba siya? Aish.

Ay, wait lang. Anong araw nga ba ngayon? Ay. Tanga ka pala Jin eh! Sino kinakausap mo? Thursday ngayon, alas-dose palang, nasa school pa 'yung anak mo. Ano ba naman 'yan Jin! Kalimutin ka na. Aigoo.

2 o'clock pa awasan niya eh. Wala pa naman sigurong one hour yung pagbabake nito diba? Gagawin ko na 'to para susunduin ko na lang si Felicity.

I started whisking the ingredients in the bowl and started preparing everything. Pagkatapos kong mag-prepare, nilagay ko na sa oven 'yung almost-baked brownies. Now, I'll wait for 36 minutes.

Habang naghihintay ako, naglinis na lang ako ng bahay para malinis. Maaga uwi ni Scarlet ngayon kaya maglilinis na ako ahead of time para hindi magalit sa'kin asawa ko. Bibili nga pala kami ng cake at ng mga birthday decorations, may simpleng birthday surprise kami ni Felicity. Planado na 'to lahat.

Pagtapos kong maglinis, I checked the brownies kung okay-okay naman sila sa oven. Mukhang okay naman, kaya okay. Nagligpit-ligpit na lang ako para may magawa ako. Pagtapos ko, umupo na lang ako sa may kusina, may parang bar counter kami dito kaya may upuan na matataas. Yung parang nasa bar or something? Okay gets niyo na 'yon.

Dito na lang ako pumwesto so I can keep an eye on the brownies. Nag-cellphone na lang ako at nag-twitter. Kahit na may individual accounts na kami, 'yung main at group account parin gagamitin ko. Inaamag na eh.

Bangtan Daddies 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon