xxxii.

756 25 6
                                    

TAEHYUNG:

" AHHH!! BABY JOONYOUNG! HII!! " bati ko kay baby Joonyoung, nandito sila ngayon sa practice room namin. Nag-comeback na kasi kami diba? Hehe. Pero, di kami masyadonh nagfo-focus sa current comeback since hindi naman siya yung mismong comeback namin. Bale, digital single lang siya.

" Uncle Taehyung, annyeong! " sabi ni Stella habang kinakaway yung kamay ni Joonyoung. I made faces para mapatawa ko si Baby Joonyoung. And it worked! Oh diba. Mahal ako ng mga bata. I'm one with them.

" Hi Joonyoungie~ " bati ni Hoseok-hyung, nakangiti si Joonyoungie~ Ano bang nickname ni Joonyoung? Ang haba ng pangalan eh. " Anong nickname ni Joonyoung? "

" Jae. " sabi ni hyung, napatingin naman kami sakanya. " Saan mo nakuha 'yon? " tanong ni Stella-noona.

" First letter ng name niya, 'J'. " sabi niya, ahh. Okay. Yun pala 'yon. Napatango na lang kami dito. Binalik ko na lang yung atensiyon ko kay baby Jae. Hehez. Ang cute niya. Ang ganda ng combination ng isang badjao at dyosa. Dyosa si Stella wag kayo.

" Pwede ko ba siyang buhatin? " tanong ko, tumango naman si noona at pinabuhat na sakin si Jae. Yesss. Nakahawak na naman ako ng baby. Wooh. Close na kami ni Jae. Hehe.

Pumunta naman si noona kay hyung, mag-uusap siguro sila. Anyways, pampatanggal stress talaga ang mga baby. Para sa'kin, ewan ko lang sa iba. Kay Jimin, Jungkook at Joon siguro.

Sakit na daw sa ulo si Yoonjae eh. Teka. Parehas pala ng nickname si Yoonjae at Joonyoung. Ibahin ang nickname! " Hyung! " Tinignan naman nila ako tinaasan ako ng kilay.

" Jun na lang! " sabi ko, " Ang alin? " tanong ni hyung. " Yung nickname ni Joonyoung. " Napatango siya, binigyan niya ako ng thumbs up. Yes! Baby Jun! Ehehez.

" Jun na itatawag namin sa'yo ah! Yiee. Hawig mo si Namjoon-hyung sa mata mo. Tas si noona sa shape ng mukha. " sabi ko habang hinahawakan yung pisngi niya. Hindi ko pinipisil ha? Sapakin pa ako ni hyung dito eh.

" Ganda ng kinalabasan. " sabi ko, " Aba syempre. " sabi ni hyung. Tinawanan lang namin siya ni Hoseok-hyung at ni Jimin. Wala sila Jungkook dito, nasa may recording room si Yoongi-hyung. Ewan ko lang kung saan pumunta yung eldest at yung maknae.

Anyways, gusto kong mag-selca kami ni Jun. " Jimin! Picturan mo nga kami ni Jun. " sabi ko habang inaabot yung cellphone ko, at dahil good mood si Jimin, pumayag siya. Usually, hindi eh. Susungitan niya muna ako.

" Yay, thanks bff. " sabi ko sabay kindat, ang sama ng tingin niya sakin. Biglang nandiri. Ay. Bestie why you do this. Nag-pose na kami ni Jun, para matapos na yung mini-photoshoot namin. " Oh. "

" Salamat bestie! " sabi ko, sinamaan niya na naman ako ng tingin oh. Ginawa na niya ulit yung ginagawa niya kanina, yung mag-colorfy. Si Hoseok-hyung naman tinatawanan kami dito.

x

" Goodbyeeee~ Goodbyeeee ah-ayy~ Losin' my mind, goodbaaiiiii~ " kanta ni Jimin pagkapasok ng practice room. Tinignan ko lang siya habang kumakanta. Anong kanta 'yan?

" Anong kanta yan? " tanong ko, tumigil siya sa pagkanta, " Goodbye. "

" Saan ka pupunta? " tanong ko, he furrowed his brows, " Yun yung title ng kanta. " sabi niya. Oh. Hehez. Sorry naman. Akala ko nagpapaalam siya eh.

" Singer? "

" Who Is Fancy. " sagot ni Jimin, " Yun yung kanta ni Iggy Azalea diba? " tanong ko, inirapan niya ako at umupo sa may tabi ng salamin. Nainis. Hahaha.

" Sorry na, Min. " sabi ko, tumango na lang siya pero sa cellphone niya parin siya nakatingin. Okay. Nainis sa mga jokes ko. Sorry na, hirap magpatawa. Magte-tweet na lang ako.

@BTS_twt

아미 어떻게 지내세요? ovo

May kasamang selca 'yan. Hehez. Gwapo ko talaga. Hays. Pumasok naman si Heejung, ay si Heejung! " HEE! " sigaw ko. Tumakbo ako palapit sakanya para yakapin siya.

" Appa annyeong~ " bati niya habang niyayakap ako pabalik. Umiikot-ikot kami ngayon habang nagyayakapan. " Hi~ "

" Jimin-appa hi~ " bati ni Hee kay Jimin, tumayo si Jimin para yakapin din si Heejung. Memories though. Yung tipong nagaagawan pa kami kay Heejung noon. " How are you? "

" Okay lang po. Ehehe. " sabi ni Hee, nginitian namin siya. Grabe, hindi ko matanggap na malaki na si Hee. Pero ang cute niya parin hanggang ngayon. Puberty hit her like a wrecking ball.

" Ano, nililigawan ka parin ba nung Chan ba 'yon? " tanong ni Jimin. Natahimik si Hee at biglang nanlaki yung mga mata niya. Hindi niya siguro alam na alam ni Jimin. Di ko nga rin alam eh. Sino ba yung Chan? Yun ba yung parte ng katawan natin?

" Appa- "

" Close kami ni Yerim. " sabi ni Jimin, sinong Yerim? OP ako yey. Heejung shows shock faced. Oh diba galing ko mag-English. Diba diba.

" Weh. " sabi ni Hee. Tumango naman si Jimin. Sarap ng feeling na ma-OP! Yes. Sanay na ako. Okay lang guys.

" Ano? Nililigawan ka pa ba? Alam ba ni Kook? " tanong ko, para hindi OP. Tumawa si Heejung at ngumiti lang. Ano ibig sabihin nan. May meaning yan eh. Ano ba.

" Alam ni daddy. Pero, pinatigil sa panliligaw. Pero, " Aba, wag ganyan Heejung. Ano? MU na ata sila eh. Feeling ko, MU na sila. Hahaha. Feeling ko lang.

" Hanggang MU na lang daw muna. " sabi niya tas namula yung pisngi niya. Ay, iba ka na Hee. May gusto na siya kay Chan. Nako. Sino ba si Chan.

" So MU nga kayo? Jusko. Hee, dalaga ka na. " sabi ni Jimin sabay pisil sa pisngi niya. Ayie guys. Tama nga yung feeling ko. Hahahaha.

" Naks, may crush na siya. Hahahaha. " sabi ni Jimin. Naka-poker face lang si Heejung tas umubo ng papeke. HAHAHA ANG CUTE NIYA.

" Jung. " Sabi ni Jungkook habang nilulusot niya yung ulo niya sa pintuan, " Yes? "

" Uwi na tayo. " sabi ni Kookie. Nag-pout si Heejung tapos tumayo na rin. Tinignan niya kami and she gave us a flying kiss. " Bye appas! "

" Bye mga Jeon! " sigaw ko, kumaway na sila tas umalis na. Tahimik lang kami ni Jimin dito.

Nagta-tap lang ako dito sa sahig. Wala eh. Ang tahimik namin. Hays. Tumingin ako sa salamin at nagpapa-cute. " Yuck. Taehyung. Tumigil ka nga. "

" Maka-yuck ka naman. Di na kita mahal. Pwe. " sabi ko at nang-irap. Tumango lang siya. " Okay. I never loved you anyways. "

I gasped and looked bad to him. Oh, diba english! Yes mga babies. " You not! "

" Mamahalin na kita kapag marunong ka na talagang mag-English. " sabi niya sabay tawa. Tinignan ko lang siya tas tumawa na rin. Nakakatawa yung tawa niya eh. Hays.

" Oy mga pwet. " sabi ni Hoseok-hyung pagkapasok sa kwarto. Tinignan namin siya habang naglalakad na parang kabayo. " Pwet ka rin. "

" Magandang pwet. " sabi niya sabay flip ng bangs. I looked at him disgusted, si Jimin nang-irap lang.

" Pwet ka ng kabayo, wag ka. " sabi ni Jimin. Nag-apir kami tas nang-irap lang si hyung.

" Walang pwet si Jin no. " sabi ni Hobie-hyung. " Tsaka si Namjoon. At si Yoongi. Nasa mukha yung pwet. " sabi ni Hobie hyung. Nagkatinginan kami ni Jimin. Anong nangyayari sa hyung na to. Bakit puro pwet.

" Puro ka na lang pwet. " sabi ko, he sighed and made higa-higa on the floor. Pagod lang yan hyung. Pero mukha ka ring pwet.

+

this chapter is so lame loool
chanhee is now having their mutual understanding stage okay what

Bangtan Daddies 2Where stories live. Discover now