xxv. moving-on

1K 48 17
                                    

HOSEOK:

" Tsk. " sabi ko, napatingin naman sa'kin si Taehyung. Tinaasan ko siya ng kilay, " Ang sungit na naman ng tingin mo hyung. " sabi niya habang inaayos 'yung buhok niya.

Di ko na langs siya pinansin at tinignan na lang ulit yung screen ng cellphone ko, bakit kasi ayaw niya sagutin? Di naman busy 'yon ngayon. " Hindi niya ba sinasagot? "

" Hindi. " matipid kong sagot, naiinis ako. Kung pwede lang talagang puntahan siya sa kanila eh. Kaso, people will surely recognize me. Baka sundan pa ako ng mga sasaeng o kaya mga media na epal sa buhay. Tapos kakalat yung news na 'to derecho office ni Sihyuk-nim.

" That's girls for you. " sabi niya. I eyed him and he just shrugged. Tinignan ko lang siya. Anong ibig sabihin niya? Bakit si Hyonmin? Hindi snob, nagrereply siya kaagad kapag hindi niya nasagot agad. May rason siya kung ba't di siya nakasagot agad.

" Oh, exception si Hyonmin diyan ha. " sabi niya. Tss. I groaned, hinilamos ko 'yung mukha ko with my hands. Hayst, kung ganito rin naman pala siya sa huli edi da't di ko na lang siya niligawan.

" Akala ko pa naman, magiging kayo ni Leen. " sabi niya. Akala ko rin. Kaso hindi eh, I tried everything pero, wala talaga. Akala ko advantage na yung pagiging bias niya ako.

May mga tao talagang hindi mo makukuha agad-agad no? Kailantan talagang paghirapan, kaso kahit sobrang pinaghirapan mo na, wala talaga.

Nade-depress ako, bakit ganon? Nagsimula lang naman 'to sa simpleng crush, tapos bigla na lang na-develop nung binigay ni Jiyoon 'yung number ni Leen.

Da't pala di ko na lang tinanggap, kaso tanga pa ako noon eh. May pa-fall pa akong nalalaman. Hays. I turned my phone off at tinignan si Taehyung. Napansin naman niya ako at tinaasan ng kilay, " Tinititigan mo na naman ako hyung, "

Hindi pa ako nakakaimik nagsalita na naman siya, " Crush mo na naman ako eh. " sabi niya habang nasa dibdib niya 'yung kamay niya, parang akala mo nafa-flatter siya. Jusko. I showed him my disgusted face and looked away.

" Ay joke lang hyung. " sabi niya, tinignan ko siya at nagbibigay ng message thru eye contact, ano raw. " Punta tayo sa café ni Jungkook. " yaya ko.

" Nakakayamot dito eh, wala naman si Joon. " sabi ko sabay tayo. Tumango siya at tumakbo sa kwarto niya at nagbihis siguro. Pagkatapos ng ilang minuto lumabas na siya tas may malapad na ngiti.

" Lapad ng ngiti mo ah. " sabi ko, tumawa lang siya at nag-kibit balikat. " Tara na hyung. Pa-reserve tayo kay Choonie o kay Kookie. " sabi niya. Tumango na lang ako.

Since mabait si Taehyung, siya daw magda-drive. Pumayag naman ako, kaya eto ako ngayon, nage-emote habang nagbibiyahe kami papunta sa café nila Jungkook.

" Music tayo! " sabi ni Taehyung, walang gana akong tumango. Siya na bahala, wala naman ako sa mood makipag-away kung anong kanta ipapatugtog eh.

Naka-connect sa cellphone niya kaya puro kanta niya talaga. Hays. Shinuffle niya ata eh, okay. Lapakels. Bigla namang tumugtog 'yung 'Someone Like You' ni Adele.

Wow. Parang nakakarelate ako sa message ah, kaso hindi pa naging kami. Hanggang ligaw lang naman ako eh, di niya talaga ako sinasagot. Hays.

Nakatulala lang ako dito sa may bintana, why do I feel so hopeless? Parang feeling ko walang nagmamahal sa'kin, kahit sa totoo naman, I have people who love me from all over the world where they know us. Diba? Why should I feel sad over a girl who can't even love me back? There alot more girls or people out there who can love me back.

Bangtan Daddies 2Where stories live. Discover now