xxix. new found friend

846 31 22
                                    

HEEJUNG:

" Daddy! Daddy! " sigaw ko, pumasok ako sa kusina at naabutan ko siyang naghuhugas ng pinggan. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay. " Malapit na birthday ni mommy. " bulong ko.

Tinignan niya yung kalendaryo sa may gilid, " Oo nga no. " sabi niya. Nagpatuloy lang siya sa paghuhugas ng pinggan. " Mamaya Hee, tapusin ko lang 'to. "

Nakalabas na si mommy sa hospital, okay na siya. Nagpapahinga na lang siya ngayon, di na siya masyadong nagpapagod. She's currently upstairs I think. Kakauwi ko lang galing school eh.

Binuksan ko yung stereo at nagpatugtog ng mga paborito kong kanta. Gaya ng 'Return' ni Wendy at Yuk Jidam. OST yan diba? Haha. Pinapatugtog kasi ni granny 'yan dati. O naririnig ko habang nanonood siya? Ewan. Basta. Ahahaha.

" I believe, I believe~ " kanta ko habang umuupo sa sofa. With matching head bang pa yan ah. Ang ganda ng boses ni Wendy-unnie eh. Hays. " Huy, wag ka maingay. " suway ni daddy. Nginitian niya lang ako at tumabi sakin.

" Anong gagawin natin para kay mommy mo? " tanong ni daddy. Natahimik kami saglit at nagisip ng pwedeng gawin para kay mommy. Gusto kong pumunta sa amusement park, kaso baka 'di ma-enjoy ni mommy.

" Gusto ko amusement park, kaso baka di niya ma-enjoy. " sabi ko, tumango si daddy. " Tsaka baka dumugin lang tayo doon. Kilala ka naman ng ibang netizens. " sabi ni daddy. Oo nga no. Kilala lang naman ako bilang "muse" ng bangtan. Basta kilala nila ako. Hahaha.

" Since 'nanay' ng Bangtan si mommy, invited sila diba? " sabi ko, tumango siya. " Kaso gusto ko family bonding lang. "

" Hindi ba sila family? " tanong ko, " Family. Hahaha. Yung mismong family talaga. " tawa ni papa. Tumawa na lang din ako. Natahimik na kami ulit, tumugtog yung 'Miss Right' nila daddy.

" Anong magandang surprise? " tanong ko and I sighed. Naalala ko naman agad yung cellphone na promise ni daddy. Tinignan ko siya saglit, tas nahuli niya ako tas umiwas ako ng tingin.

" Bakit? " tanong ni daddy, I shook my head. He pinched my cheek, " Ano? " tanong niya, I pouted and pulled away. " Yung cellphone ko po? "

" Sa Christmas na. " sabi ni daddy, aruy. Tumango na lang ako, I sighed. Ayos lang 'yan, mag-aaral na lang muna ako. Hahahaha hays. Ano ng surprise.

" Sa cafe na lang kaya, magsusurprise party na lang tayo. " sabi ni daddy sabay tayo. Sinundan ko na lang siya ng tingin. I sighed. Makikinig na lang ako dito ng kanta. Ay, magsasagot pa pala ako ng assignment.

xx

Next time ko na lang poproblemahin yung surprise namin kay mommy. " Daddy! Aalis na po ako. " sigaw ko habang pababa ng hagdan. Tinignan ko siya sa kusina.

" Sige sige. Ingat ka Hee! " sigaw ni daddy pabalik. Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa may bus stop. I patiently waited for it to arrive.

x

Late ako. Nakakainis. Na-traffic ba naman. Bihira mangyari 'to ah. I sighed. Kumatok ako sa classroom and I opened the door. The teacher looked at me, " Ms. Jeon, why are you late? "

" Traffic po. " sabi ko, " Mag-admission ka mamaya, okay? " she said. I nodded and went to my seat.Tinignan ako ni Hyunnie and he gave me a pittiful face. Actually, maraming na-late. Di lang ako. Ang dami kong kasabay kanina papasok. Hahahaha.

xx

" Na-late si Heejung. First time. " sabi ni Anna habang nakasandal sa may railings. Nasa may balcony kami ng school, break time naman kasi eh. As always, kasama ko si Anna.

Bangtan Daddies 2Where stories live. Discover now