xxxiv. bond

816 27 1
                                    

RONA:

It feels so good to be back! Nakakaiyak, kumpleto na ulit yung squad! Hahaha, squad pa more. Hays. Since isa ako sa mga stylist ng BTS dati, heto ako ngayon. Nasa backstage ng Music Bank, isang ganap ng stylist ng mga alien.

Kakatapos lang ng announcement of winners, and yes! Nanalo sila. Swerte talaga pag nandito ako. Hays. Joke, syempre gawa ng ARMYs yan! Idol ko yung mga ARMYs eh. Sipag mag-vote.

" Yay, magpapakain si Sihyuk-nim. " sabi ni Jena habang pumapalakpak. Mahinang nagsigawan yung mga co-stylists dito. Inays, pakain pa Sihyuk-nim! " Oy palaka. " Napatingin ako kay Jena.

" Oh? " Tanong ko, " Ikaw naman pala mag-pakain ngayon. Tutal, nandito ka na rin naman. " sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Tinawanan ko siya and turned serious. From crazy to serious real quick.

" In your dreams. " sabi ko, tumawa siya at umiling. Hindi porket nandito ako, ako na magpapakain! Aba, di pwede 'yon! Not fair. Sideline ko na nga ngayon yung pagiging stylist ng Bangtan eh.

Pagkabalik nang Bangtan, nag-iingay sila sa kwarto. Mga bunganga niyo mga ano. As usual, selca muna bago ayos. Magte-thank you muna sa fans. " Rona! At dahil nandito ka, ilibre mo kami ng kape! " sigaw ni Taehyung.

" Sa Café de Ilong. " sabi ko, sinamaan naman ako ng tingin ni Jungkook. Nginitian ko siya, pero nang-irap lang siya. Sass game strong. " Joke lang, Ilong. "

Pagkatapos namin mag-linis dito dumerecho na kami sa van. Habang naglalakad sila, sabay ingay nila. Yes, ang daming fans dito sa labas. Mostly mga nasa medyo, adult-stage na. Yung iba dito, yung mga nakikita ko dati.

" Omo? Isn't that Rona? "

" Omo! She's back?! "

" Is she their stylist again? Omo! "

Naririnig kong mga bulong nila. Hindi ko mapigilang mapangiti, nakikilala pa nila ako. Wow. Nalaman ng fans na nagde-date kami ni Namjoon, and thankfully majority of them was okay with it.

" Won't Namjoon and Rona be awkward? Since, you know. "

" Maybe they're dating again! "

" Is NamRon back?! "

Hahahahahahaha. No. Sorry, girls. But NamRon is forever gone. You can keep on deluding yourselves with that, I won't stop you.

BIGLANG GANON RO? NAKARINIG KA LANG NG TUNGKOL SA NAMRON NAGDA-DRAMA KA NA NAMAN SA ISIPAN MO. JUSKO.

" Psht, NamRon daw. " bulong ni Taehyung sa'kin, tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay. Tumawa siya, umiling ako at tinulak siya nang mahina. Whatever, Tae.

" Yieee! " sigaw niya, I shot him a glare and he started running to Namjoon. Tinignan siya ni Joon, nakangiti lang si Taehyung na nakakaloko. Seriously? Baliw talaga to. Hahahaha.

" Ano Rona. NamRon pa kasi. " narinig kong bulong ni Jungkook nung nilagpasan niya ko. Tinignan niya ako at sinamaan siya ng tingin. He showed me a peace sign and started laughing. Akala ko ba- hays.

x

" Kumusta naman ang Japan? " tanong ni Jimin. Nasa café de ilong kami ngayon. Chill-chill muna since pinayagan naman kami ni Sihyuk-nim.

" Okay lang naman ang Japan. Mababait 'yung mga tao. Nakahanap ako ng mga kauri ko! " sabi ko, may matching taas kamay pa 'yan ha! Nakangiti lang sila habang tumatango-tango.

" Ka-uri? Mga palaka? " tanong ni Taehyung, tinitigan ko siya saglit. Jusko, hindi 'yon. " Hindi naman palaka, I mean. Mga sabog na tulad ko. May mga Korean din akong nakilala doon eh. " sabi ko. Tumango lang sila.

Bangtan Daddies 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon