xxvi. plans

892 40 10
                                    

JIMIN:

Nasa BigHit ako ngayon since may nagre-recruit sa'kin para sa isang drama or show ata. Hindi ko sure, kaya paguusapan muna namin 'to.

Nasa may mini-conference room kami ni Sihyuk-nim. Hindi 'yung mismong office niya, ayaw niya eh. Kaya dito abot namin.

" Okay, Jimin. " panimula ni Sihyuk-nim habang nakatingin sa may papel na hawak niya. " Ano na po, PD-nim? "

" Kinukuha ka ni Director Kang para sa new drama niya. " sabi ni Sihyuk-nim. Ay, yes naman. May trabaho na ako. Pa-chill chill lang kasi kami this time eh. Walang schedule since wala pang balak na mag-comeback.

Inuuna muna nila 'yung KNIGHT at CUPID. Pahinga muna kami. Ang tagal naming nagtrabaho eh. Okay. Tama na Jimin.

" Anong role ba Sihyuk? " tanong ko, he paused for a minute while scanning the paper he's holding. " First male lead ka, Jimin. "

" Ang role mo ay, bestfriend ng female lead. Mukhang may pagka-cliché 'yung drama. May gusto ka sa female lead tapos magkakaroon ka ng kaagaw. " sabi niya. Ay, as always naman. Wala na bang bago? Hayaan. Okay na 'yan, atleast may kikitain na ako habang walang Idol-schedules.

" Okay lang ba sa'yo Jimin? " tanong ni PD-nim. Tumango naman ako agad, basta may maisasahod! Okay na 'yon. " Basta trabaho, game ako. "

Tumango si PD-nim at ngumiti, " Para 'yan sa magiging asawa't anak mo kaya magtrabaho ka. " sabi ni PD-nim. Teka alam ni Sihyuk-nim?

" Updated ka, Sihyuk-nim? " tanong ko, he combed his hair back and nodded while wearing a smug smile on his face. " Ako pa. "

" Ay, Sihyuk-nim. Di mo sinasabi na updated ka pala ha. " sabi ko, tumawa lang siya ng mahina. Nakangiti na lang ako since, hindi naman ako natatawa.

" So, okay na Jimin? " tanong ni Sihyuk-nim pagtapos tumawa. Tumango ako, " May meeting kayo sa Friday. Then doon mo na malalaman ang iba mong schedules. "

" Okay po, thank you Sihyuk-nim. " sabi ko sabay ngiti, he nodded. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa may resting room or tambayan ng mga stylist at iba pang staff.

" Hi Jimin. " bati ni Jena pagkapasok ko sa kwarto nila, I slowly waved at her and sat beside her. " So? "

" Tinanggap ko 'yung role. May meeting daw kami sa Friday. " sabi ko, she nodded and smiled.

" Good luck sa drama mo! Pagbutihin mo 'yan, manonood si Jiyoon nan panigurado. " sabi ni noona. I nodded and smiled. I gave her a thumbs up.

" Para kay Jiyoon! " sabi ko. " Ay, noona, totoo bang pupunta ng Japan si Roro? " tanong ko. Tinigil niya 'yung pagmimix ng mga eyeshadow sa kamay niya at tinignan ako na magkasalubong 'yung kilay niya.

" Rona? Japan? Ha? " nagtatakang tanong ni Jena. I nodded, she looked at me with a confused look. " Anong pinagsasabi mo? "

" Si Rona, pupunta daw'ng Japan. " sabi ko, napasapo naman ako sa noo ko at umiling-iling. " Jusko, bestfriend ka pa man din! Tas iisa lang ang tinitirahan niyo. Di mo alam? "

" Wala siyang binabanggit sa'kin. As in, wala. Ang alam ko lang, sila na ulit nung unang boyfriend niya. " sabi niya " Oh diba may forever. " sabi niya while smiling, pero biglang nag-iba 'yung expression niya ulit.

" Pero grabe! Hindi niya manlang in-open sa'kin 'yon! " sigaw niya habang dahan-dahan niyang binaba yung iniinom niya. Tinitigan niya ako ng masama.

Bangtan Daddies 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora