xi. budots to the rescue

1.3K 61 18
                                    

JIN:

" Ha? Ah, okay sige. Isasama ko na rin si Yoongi at Jimin since kami lang ang wala diyan. Okay? " sagot ko kay Taehyung. Tinawagan niya ako kung kailangan nagmoment kami ni Scarlet dito eh.

[" Okay lang ba sa'yo hyung? Di ba kita naiistorbo? "]

" Naistorbo mo kami ni Scarlet. Pero, wala na siya sa mood. Kaya pupunta na lang ako. "

[" AHHHH! SORRY HYUNG. Bibigyan niyo ba ng kasunod si Felicity? "] hala gago. Iba ibig kong sabihin sa nagmo-moment kami.

" Gago hindi. Naglalaro kami ng video games dito. Muntikan na niya akong natalo tapos bigla kang tumawag. Pero okay lang. "

[" Ah, hehehe. Akala ko gumagawa kayo ng kasunod. Anyways, punta ka na lang sa café ni Jungkook~ See ya hyung! "]

" Baliw. Sige sige. Pupunta na kami diyan. " sabi ko, nag-bye na siya at binaba na 'yung tawag. Nagbihis naman ako tapos pinuntahan si Scarlet sa kusina.

" Scar~ Jagi~ Aalis muna ako. " sabi ko sabay backhug kay Scarlet. Gusto niya 'yan eh. Hahaha, kinikilig 'yan kapag ginagawa ko 'yon.

" S-saan ka pupunta? "

" Sa café lang nila Jungkook. Gustong makipag-kita ng mga bata eh. " sabi ko, gets niya na 'yung mga bata. 'Yung anim na isip-batang ka-members ko. Napatango na lang siya. " Oh sige. Ingat ka. "

Hinalikan ko naman siya sa pisngi tas ngumisi ako, " Babay~ " sabi ko tas umalis na. Kinikilig na naman 'yang si Scarlet eh. Hahaha. Ang cute cute niya kapag kinikilig.

Dadaanan ko pa pala sila Yoongi at Jimin. Tatawagan ko na lang sila. Si Jimin muna.

Calling Pandak Jimin..

[" Hyung? "]

" Bata. Pumunta ka sa café nila maknae. Gusto nilang makipag-kita. "

[" Bakit daw? "]

" Basta daw. Dadaanan kita diyan. Tawagan mo na din si Suga. "

[" Okay okay. Ako na lang ang tatawag. Bye hyung. "]

" Sige sige. " binaba na niya 'yung tawag at binilisan ko ang pahd-drive papunta kina Jimin. Bakit nga ba nagpapa-gathering kuno sila Taehyung? Ano kalokohan na naman ba 'yon?

Pumarada na ako sa tapat ng bahay na kung saan nakatira si Jimin. Nakita ko naman siyang palabas ng gate nila, nandoon din si Jiyoon habang palabas si Jimin.

Ano nangyari kay Jiyoon? Mukha siyang stress na stress. Kakaawa tignan eh. Ano ba ginagawa ni Jimin kay Jiyoon. " Bye Yoon~ Aalis na ako! "

" Ingat kayo! Bye! " sigaw naman pabalik ni Jiyoon. Pumasok na si Jimin tas umalis na kami. Tinitignan-tignan ko si Jimin habang nagd-drive ako, mukhang ang saya-saya ng pandak na 'to.

" Ba't ang saya mo? Tapos bakit ganon itsura ni Jiyoon kanina? " tanong ko sakanya. Napa-ubo naman siya tapos tumingin sa labas. May tinatago 'to. " Spill it out. "

" Wala 'yung hyung! Hahaha. "

" Psh, meron eh. Hulaan ko ha? Buntis si Jiyoon. " sabi ko tapos hindi siya nakapagsalita saglit. Tapos maya-maya tumawa siya.

" Hahahahahahahahahahahaha. " ang haba ng tawa niya. Okay, buntis nga si Jiyoon. I shook my head slowly. " Umaariba na 'yang abs mo eh. "

" HYUUUUUNG! ANONG GAGAWIN KO? "

" Firstly, since buntis na si Jiyoon, magpakasal na kayo. Tapos bahala ka na sa sunod. Kailangan niyo munang mag-pakasal. " sabi ko. True, mahirap kapag hindi sila nag-pakasal. Tapos malalaman ng public, hindi pa kasal 'yung dalawa.

Bangtan Daddies 2Where stories live. Discover now