Part 1

182 7 0
                                    

Samaria POV:

Time check 04:50 am na ng umaga at kakatapos ko lng sa trabaho, isa akong night shift sa isang Cafe'shop dito sa lugar at madalas nag o-oncall din ako bilang housekeeping sa ibat-ibang hotel, kaya minsan wala na din akong oras sa sarili ko para mag relax at mag saya, mas kailangan ko mag ipon ngayon dalawang buwan nakong di nakaka bayad ng apartment ko kailangan ko munang mag kayud kalabaw kaya kahit anong trabaho nalang pinapasukan ko' pero di naman tulad ng inisip niyo di naman lahat yung marangal at disenteng trabaho naman ung kinukuha ko.

Pababa nako ng bus at tanaw ko na sa di kalayuan ang isang magara at malaking hotel na pag tratrabahoan ko, halos wala pa akong tulog dahil na rin sa night shift ako at ito ako ngayon kayod kalabaw.Baka wala na rin ulit akong day off dahil baka tuloy tuloy ulit ung trabaho ko sa Cafe shop diko alam kung part timer pa ba ako or regular na basta ang alam ko malaki raw ang bayad ngayon, kasi merong malaking event dito sa hotel kaya pumatol nako sayang din yung tip na minsan binibigay sakin malaking tulong na din un para pambayad ng renta ng apartmen ko. Nandito nako ngayon sa Entrance nitong hotel pinakita ko na rin yung I.D na meron ako' kahit part timer ka lang dito sa hotel may mga sarili rin kayong I.D parang regular lang din pero pa minsan minsan lang din kami kung tatawagan para sa trabaho ganito ka higpit dito sa hotel na to ang alam ko isa ito sa magara at malaking hotel dito sa lugar kaya kung tutuusin malulula ka talaga sa laki at ganda ng hotel na to lahat ng guest na nag che-check in dito ay puro VIP guest kaya di niyo na rin tatanungin bat dito ako nag tratrabaho kasi maayos at maganda ang pamamalakad dito.

"Sam andito kana pala heto bagong uniform kakabigay lang satin mukhang malaking event nga magaganap ngayon excited nako"sabay abot sakin ng paper bag

" Thank you Alli kanina kapa ba?"tanong ko dito siya si Allisa Comer A.K.A(Alli) isa siya sa matalik ko na kaibigan simula tumira ako dito sa lugar kasama ko rin siya dati sa hotel na pinag tratrabahoan ko at sabay din kaming umalis dahil na rin sa mababa ang sahod at di na rin maayos na pamamalakad doon kaya nag pasya kami na mag hanap ulit ng bagong trabaho isa siya sa regular employee dito sa hotel isa sang waitress ako naman ay housekeeping kahit iba kami ng department parati naman kami mag kasama.Dati ko rin siyang kasama sa appartment pero nung nag kasakit ang nanay nito e napag pasyahan na rin nitong umuwi sa kanila at mabantayan ang nanay nito.

"Hindi kararating ko lang din'sige mag palit kana at mag uumpisa na ang event sya nga pala kinuwento ko sa manager namin na isa kang waitress kaya napag pasyahan ng manager namin na kunin ka pan samantala bilang waitress ngayong araw kaya mag kasama na tayo ngayon sa isang area"nakangiting sabi nito sabay tulak sakin palabas .

" huh??sira kaba malaki makukuha ko sa pag h-housekeeping ko ano kaba?wala namang tip mabibigay sakin sa pagiging waitress ee wala namang dalang pera mga tao jan halos naka gown at tuxedo naman suot niyan walang pera yang mga yan" nakabusangot na sagot ko dito' totoo naman kasi gipit ako ngayon at kailangan ko ng magandang rocket para kumita mas mabuti pang housekeeping kasi kahit walang pera yang mga yan ee pag labas ng kwarto niyan may maiiwang namang cheke pag uwi niyan pano naman dito mag aabot ka nga ng inumin aabutan kaba ng cheke niyan bilang tip? hassle na sa kanila yang ganyang gawain.

" Mag tiwala ka sakin Sam bigtime to " sabay tulak sakin palabas'

" sana nga bigtime"bulong na sagot ko dito agad naman akong pumunta ng restroom at nag palit ng masusuot napangiti naman ako sabay tingin sa salamin .

Ang ganda ng bagong uniform isang black coat and white long sleeve at black skirt may gold scarf din na nilalagay sa leeg at may gold name plate na may nakaukit na pangalan ko at may black heels na rin na nasa two inches ang taas at may naka ukit na kulay ginto sa bandang baba nito logo at pangalan ng hotel (Clayton Hotel and Cassino)may mga hair net at kung ano anong accessories na rin ang nakalagay sa kahon grabe ang yaman naman ng may ari nito kung tutuusin lahat ng kailan ng empleyado e binibigay na nila.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now