Part 11

57 4 0
                                    

" Te-ka kailangan pa ba toh?"

"ofcourse for moji " seryosong sagot nito

" teka Harris ..." sabay pigil dito tiningnan naman ako nito ng masama sabay iling at higa nito. Napailing nalang ako sabay tingin kay moji habang yakap yakap ang daddy nito.Kanina pa kami nag tatalo nitong si Harris dahil na rin sa ayaw itong tantanan ni moji ay gusto rin ng bata na katabi rin nitong matulog si Harris kaya naisipan nitong matulog sa tabi namin ni moji. Malaki itong kama at kasya kaming tatlo nasa gitna namin si moji at ngayon yakap yakap ang daddy nito.

" Harris " bulong ko dito sumenyas naman ako na umurong ng kaonti dahil nasa dulo nako nitong kama' Tiningnan lang ako nito sabay pikit habang yakap si moji wala na rin akong nagawa at tahimik nalang na nahiga sa tabi nito. Di na bago sakin ang ganito dahil may iilan din akong pinsan na nakakasama ko matulog . Sa aming pamilya ako lang babae at  mga lalaki ang mga pinsan at Uncle ko na kapatid ng mama at papa ko kaya't sanay na rin akong lumaki na puro lalaki mga nasa tabi ko.

Umusog naman ako papalapit dito pero bago pa ako makausog dito ng biglang gumalaw si moji at aksidenteng na natulak ako nito'

"AHHHHHH---" napasigaw naman ako
nang bigla akong nalalag a kama'

" Sh*t you okay?" rinig ko na bulong ni Harris habang naka salip sakin tiningnan ko naman ito ng masama.

" mukha ba akong okay ? ahh-hh" napahawak naman ako sa bandang beywang ko ng bigla itong sumakit' napalakas ata ang laglag ko' napansin ko namang papalapit sakin si Harris.

" Halika" seryosong sabi nito sabay abot ng kamay nito ,inabot ko naman ito at akmang tatayo ng bigla ulit akong napa daing sa sakit ng beywang ko.

" wait may masakit ba sayo?" takang tanong nito sabay upo sa harap ko .

" may masakit lang napalakas ata ng laglag ko " sagot ko dito ' agad ko naman itong tiningnan ng masama ng may maalala ako.

"Ikaw may kasalanan nito" inis na sagot ko dito?

" Me? Wala akong ginawa sayo " takang sagot nito .

"Wala??" inis na sagot ko dito ' kung umurong lang kasi ito di sana nakahiga ako ng maayos at di ako malalaglag dito' napailing nalang ito at tinulungan akong tumayo ' dahan dahan naman akong nahiga ulit at' ngayon medyo maluwag ng gaano ang hinihigaan ko' binuhat naman nito si moji papalapit sa kanya' kung kaya't medyo lumuwag sa tabi ko.

Napansin ko namang nilalamig si moji' at tila di ata nito pansin.Inayos ko naman ang kumot na nakapatong sa mga ito .

" Goodnight moji" bulong ko dito sabay halik sa noo nito napatingin naman ako kay Harris na natutulog sa tabi nito na tila pagod na pagod ito'

Di mo makakaila na magandang lalaki at makisig na lalaki itong si Harris dahil na rin sa laki at ganda ng hubog ng katawan nito' matangos ang ilong at mahahaba ang pilik mata nito napatingin naman ako sa mapupulang labi nito na tila mas lalong nag pa amo sa maamong mukha nito. Kaya't di mo makakaila na maraming babae ang nag kakandarapa dito.

Haayss Napailing nalang ako sa kung anong sumasagi sa isip ko ' inayos ko nalang ulit ang kumot nito at nahiga na rin mukhang kailangan ko na rin ata mag pahinga kung ano -ano nalang
naiisip ko.

................

Nagising nalang ako na wala na sila moji at Harris sa tabi ko ' maaga raw silang umalis sabi ni Madrid dahil ngayong araw darating ang Lolo ni moji at gusto na agad nitong makita ang bata.

" Wag kanang malungkot sam mag kikita pa rin kayo ni moji " nakangiting sabi ni Madrid.

"Hindi nako nakapag paalam kay moji" naiiyak na sagot ko dito niyakap naman ako nito sabay patahan sakin. Kahit iilang buwan ko palang ito nakakasama napalapit na ang loob ko kay moji kaya nakakalungkot lang na aalis ito at diko alam kung kailan ulit kami mag kikita.

"wag kang mag alala sam mabait na bata si moji at masaya na rin ito dahil kasama ka nito bago pa ito umalis" nakangiting sagot nito ' tiningnan ko naman ito.

"anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko dito ' umiling naman ito na tila may gustong sabihin '

"Sorry Sam dahil di agad namin sinabi sayo' tumawag ang Lolo ni moji na babalik na sila ng England kahapon ngunit sinabi ni Harris na dito muna si moji ng isang gabi bago ito umalis kung kaya't naisipan na rin namin na mag sama muna kayo ni moji bago ito umalis ' di na rin nag abala pa si Harris na gisingin ka kanina dahil baka mas lalong di makaalis si moji sa tabi" nahihiyang paliwanag nito'

Nakakalungkot lang dahil ngayong araw ang labas ko ng Hospital at balak ko sanang ipasyal si moji pag labas ko dito pero mukhang di na ata mangyayari iyon.
Tinulungan na rin ako nitong mag ayos ng iilang gamit ko 'dahil maya maya susunduin ako ni Harrison para ihatid sa appartment.

" okay kana ba sam? wala na bang masakit sayo?" tanong ni Madrid sakin nginitian ko naman ito at sinabing okay na ako maya maya pa ayy dumating na si Harrison at naka jacket at jeans lang ito na tila wala atang trabaho.

" Hello Sam kamusta kana ? " nakangiting bati nito sakin nginitian ko naman ito

" ito magaling nako " nakangiting sagot ko dito.

"Buti naman akin na ako nang mag dadala nito" sagot nito sabay abot ng bag na hawak ' maya maya pa ay lumabas na rin kami ng kwarto at Sinamahan na rin kami ni Madrid pa labas ng hospital ' nakakatuwa lang kasi nandito rin ang iilang doctor at nurse nag aabang sa amin sa labas nag pasalamat naman ako sa mga ito dahil sa pag aasikaso sakin nung mga panahon na nandito pa ako sa hospital.

"Mag iingat kayo Sam" nakangiting sabi ni Madrid sabay yakap sakin' niyakap ko na rin ito at nag pasalamat sa lahat ng ginawa at pag aalaga nito sakin ' nag paalam na rin kami sa mga ito na aalis na ' pumasok na rin kami ng sasakyan ni Harrison at umalis.

Patuloy lang sa pag mamaneho itong si Harrison ng may mapansin ako

"Hindi ata dito ang daan papuntang appartment ko Harrison" takang sagot ko dito ' tumingin naman ito sakin sabay ngiti.

"May importante lang muna tayong dadaanan Sam" nakangiting sagot nito'
Nag patuloy lang ito sa pag mamaneho ' at tila ibang daan na ang tinutungo nito kung di ako nag kakamali papuntang airport ang daan nato ' maya maya pa dumiretso lang ito papasok ng airport ' takang tiningnan ko naman'ngunit nginitian lang ulit ako nito.

San ba talaga kami pupunta.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now