Part 7

60 5 0
                                    

" Anong gamot po maam?" nakangiting   tanong nitong nurse sakin agad ko namang sinabi kung anong gamot ito '

" May reseta po ba kayo? maam? kailangan  po kasi ng reseta sa gamot na yan galing sa doctor" sagot nito napa iling nalang ako sabay  sabi na wala ako nung hinahanap nito'  iisang gamot lang kasi ang iniinom ko sa tuwing nag kakasakit ako dahil  minsan di kinakaya ng katawan ko ang ibang klaseng gamot .Nandito ako ngayon sa isang malaking hospital  ito ang huling hospital  na bibilhan ko sana ng gamot pero tulad din ng ibang binilhan  ko ganon rin ang sinabi sakin . Medyo na kakaramdam na rin ako ng hilo dahil sa sobrang sama ng pakiramdam   naalala ko baka dahil ito sa  ulan kahapon nung pinuntahan ko si moji at na tuyuan na rin ako ng basang damit sa katawan  kaya siguro  nung pag gising ko kaninang umaga mas lalong sumama ang pakiramdam  ko ' pakiramdam  ko ano mang oras mahihimatay nako dahil nararamdaman kong nanglalambot ang buong katawan ko .

Maya maya pa ay may lumapit saking nurse  at ' tinanong ako kung okay lang ako' nginitian ko naman  ito sabay sagot  dito na okay lang ako.

" nako po maam Sobrang  taas na po  ng lagnat niyo kailangan  niyo po mag pa tingin sa doctor " nag aalalang sabi nito  umiling naman  ako sa sinabi nito  lagnat lang ito at mawawala lang din ito  kailangan  ko pang pumasok dahil may trabaho  pako .

" Nako okay lang ako konting lagnat lang to" sagot ko dito  pero pinipilit pa rin ako nito na pumunta sa doctor para ma tingnan  ako ' maya maya pa ay may lumapit saming lalaki may hawak itong Clip board  at tila may sinusulat ito  naka white gown ito tulad sa suot ng isang doctor.

" Anong nangyayari dito Nurse Lee?"biglang tanong ng lalaki' sabay tingin  samin

" Sam??"  hmmmmmpp? takang tiningnan  ko naman ito

"Ako to si Madrid " sagot nito sabay alis ng mask nito '  lumapit  naman ito sakin  at tila sinusuri ako.

" oh?? ikaw pala" nakangiting  sagot ko dito  nagulat naman ako ng hawakan  nito ang noo ko.

"Ang taas ng lagnat mo" seryoso  sabi nito pag katapos hawakan  ang noo ko umiling naman ako dito at nginitian  sabay sagot dito na okay lang ako.

" hindi ka okay sam sobrang taas ng lagnat  halika sumama ka sakin " pag aalok nito di na rin ako pumalag  dito dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko sa tuwing nag sasalita ako. Inalalayan naman ako nitong mag lakad habang  naka pulupot ang  braso  nito sakin' dahan dahan naman ako nitong pinapasok sa isang  silid na tila office  nito  dahil may lamesa at iilang gamit na rin ang nan dito  '  Agad naman nitong binuksan ang isang puting  kurtina sa tabi nito  may isang  maliit na lamesa at maliit na kama na tila higaan ng mga pasyente  nito ' inalalayan naman ako nitong pina upo dito.

" pansamantala dito ka muna mag pahinga' kailangan  mo rin mag pa admit sam sobrang  taas ng lagnat  " pag papaliwanag nito habang inaayos ang unan sa tapat ko.

"konting lagnat lang ito at may trabaho  pako kaya mawawala lan----

" Wag matigas ang ulo sam' kailangan  mong mag pahinga" seryosong  sagot nito di nako nakipag talo dito dahil mas lalo pa sumasama pakiramdam  ko . Tinulugan  naman ako nitong alisin ang sapatos  ko at dahan dahan naman akong inalalayan  pahiga sa kama maya maya pa ay may kinuha ito at tila alam ko na kung anong susunod  na mangyayari.

"Kailangan ba talaga niyan Madrid " mahinang  sagot ko dito habang nakatingin  sa hawak nito.

"Kailangan  mo to sam para bumaba ang lagnat  mo relax  mabilis  lang ito" napapikit naman ako ng  matusok na nito ang karayom sa kamay ko ' mukhang tatagal ata ako dito ng ilang araw  napangiwi  naman ako ng maramdaman ko ang karayom habang nakatusok sa kamay ko.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now