Part 23

46 1 0
                                    

"Sam!!!!!" rinig ko na sigaw nila Collins  sa amin ni Thurner  nakita naman namin agad ang mga ito sa di kalayuan nasa Yachty na ang mga ito.

"Ayun sila" nakangiting  kumaway naman  ako sa mga ito  nag lakad na rin kami ni Thurner  papunta sa Yachty  kung nasaan ang mga ito.

" kanina pa namin kayo inaantay " nakangiting  sigaw sa amin ni Harriot  sa baba.

" tulungan na kita Sam halika " hinawakan naman ni Thurner  ang kamay ko at dahan dahan  na rin kaming umakyat sa Yachty  medyo maalon din kung kaya't  di namin maiwasan na di mabasa ng tubig dagat ' naka akyat na rin kami at tuwang tuwa naman kaming sinalubong ng mga ito nagulat naman ako ng lumapit  sa amin si Anna sabay hawi sa kamay  ko na nakahawak sa kamay ni Thurner  nakalimutan  mag kahawak pa pala kami ng kamay  nito.

" Kanina pa kita hinihintay babe" malungot na bulong  nito kay Thurner   sabay hila nito papalayo

" Kanina  pa ba kayo?" nakangiting  tanong ko dito  kanila madrid.

" Kanikanina  pa  ' uhmm baka gusto mo Sam"  sabay alok nito ng alak  agad ko naman itong tinanggap mukhang  kanina pa  ata umiinom ang mga ito dahil namumula na ang mga mukha ng mga ito   nakakailang lang tumingin  sa mga ito dahil ngayon ko lang nakita ganito ang mga suot ng mga ito naka swimming  trunk  at  kita ang mga magagandang hubog ng katawan ng mga ito kaya't  ang daming babae ang nakatingin  sa amin ngayon  dito sa Yachty . Nasa labing lima kaming lahat na nandito  kasama na rin namin sila Anna, Athena  at Endrea pati na rin ang  capitan na mag mamaneho nitong Yachty  at iilang crew  din na nandito. Malaki itong yachty  at may tatlong kwarto  at malawak  na sundeck kung saan nandito kami ngayon naka pwesto at kitang kita ang buong view. Nag simula na rin kaming umalis medyo  malapit lang naman  yung isla na tinutukoy ni Thurner  kanina  kayat na isipan ng mga ito na mag ikot  ikot muna sa buong beach .

" Mag enjoy tayo cheers "  sigaw ni Collins  sabay taas ng alak nito .

" cheers!!" Sigaw naming lahat  sabay inom  napatingin  naman ako sa harap ko kung nasaan naka upo si Harris  at seryoso  lang na umiinom ng alak nito' tila kanina pa ata umiinom ito dahil namumula na ito, nag sasayawan naman sila Collins, Hailey ,Madrid at Harriot  nag kakantahan naman  sina Athena , Endrea  at Anna kasama si Thurner  pansin ko lang di gaanong nakikipag halubilo ang mga ito sa kanilang tatlo maliban kay Thurner.

" Sam halika'sayaw tayo" hinila naman ako nila Collins  papunta sa kinaroroonan  ng mga ito '

" Harry, Harris , Harrison hey guys c'mon  " pag aalok  ni Hailey  sa mga ito  sumabay na rin sa amin si Harry  at naiwan  naman sina Harris at Harrison na nagyon  nag iinom  at nanonood lang sa amin.

"party !!! party !! party!! party!!" Sabay sabay na sigaw namin habang nag tatalon sabay inom maya maya pa ayy nakaramdam din kami ng pagod at na upo na rin kami sa tabi ng mga ito.

" here Sam  " Sabay abot sakin  ng Tubig ni Harry.

" Salamat " nakangiting sagot ko dito agad ko naman ininom ito. 

" Bat di kaya  tayo maligo?" pag aalok ni Hailey  sa amin  sumang ayon naman ang iba .

" 0o nga  maligo tayo" sagot ni Madrid 

"Maliligo din ba kayo Anna?" tanong ni Collins  sa mga ito sumangayon naman ang mga ito ' maya maya pa ay sinabihan ni  Thurner  ang Capitan  na mag Anchorage  muna  para  makaligo kami  .

" Sakto maganda ang view dito"nakangiting sagot ni Harriot  sabay tampisaw ng paa nito sa dagat .

Maya maya pa ay tumalon na rin sa dagat sina  Collins at Madrid  sumunod na rin ang iba , nag hubad na rin ng damit sina Anna  at ngayon  naka bikini  na ang mga ito nakita ko namang tinaasan ako ng kilay nito bago tumalon ng dagat .

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now