Part 41

40 2 0
                                    

HARRIS P.O.V

Napahawak naman ako sa noo ko ng makaramdam ako ng kirot dito tila bigla bigla na lamang kumikirot ito , napatingin naman ako sa tabi ko ng may maramdaman akong tila gumalaw at agad naman akong napatayo ng makita.

" F*ck Samantha " wala sa sariling sigaw ko dito takang tiningnan ko naman ito at nakangiti itong nakatingin sakin wala itong saplot at tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan nito napatingin naman ako sa sarili ko at ngayon ko lang din napansin na wala din akong saplot agad ko namang kinuha ang mga damit ko at agad na ring pumasok ng banyo. Wala sa sariling napamura ako dito sabay suntok sa salamin nito ' Ano ba tong pinasok ko di rin ako nag dalawang isip at nag bihis na rin sabay labas . Nakita ko naman ito na naka upo lang sa kama at nakangiting tumingin sakin, nilapitan ko naman agad ito sabay hawak sa braso nito.

"Anong ginawa mo sakin?!!" Seryosong tanong ko dito napa mura naman ako ng makitang nakangiti lang ito na nakatingin sakin.

"Baka ang ibig mong sabihin Harris anong ginawa natin kagabi??" nakangiting sagot nito agad ko naman itong binitawan at wala sa sariling napahilamos nalang ako sabay tingin dito. Wala akong matandaan kung anong nangyari sa amin kagabi tanging pag uusap lang namin ang huling natatandaan ko.Tumayo naman ito sabay lapit sakin.

"Thank you sa romantic night Harris diko akalain ganon ka pala ka aggressive sa kama"

" sh*t Samantha anong ginawa mo sakin!!!" wala sa sariling hinawakan sa leeg ito.

" haar-isss bi-tawan moko--" nauutal na sagot nito pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pag kakahawak ko sa leeg nito.

" Sa susunod na may gagawin kapa sakin or sa mag ina ko di lang yan aabutin mo sakin!!!" Galit na sagot ko dito sabay bitaw dito hingal na hingal naman itong napaupo sa sahig dali dali naman akong nag lakad palabas ng kwarto at palabas nitong Hotel at pumasok na rin ng sasakyan at agad naman akong napatingin sa relo at tanghali na napailing nalang ako dahil buong gabi akong nandito sa hotel at halos wala akong matandaan sa nangyari dali dali naman akong nag maneho pauwi ng bahay sigurado ako kahapon pa ako hinihintay ng mag ina ko.




Samaria P.O.V

"Sam anak' kumain kana kailangan mong kumain at para din sa mga anak mo" pag pipilit sakin kumain ni Nanay flora tumanggi naman akong kumain dito wala akong ganang kumain at tila wala din akong ganang makipag usap ngayon ' hanggang ngayon di pa rin umuuwi si Harris at wala pa rin akong balita dito kahapon pa rin nandito sila Collins at ang iba at sinasamahan ako hanggang sa dumating si Harris, pero tila wala itong balak umuwi.

"gusto ko ma pag isa nanay flor iwan niyo po muna ako" sagot ko dito gusto kong mapag isa' dahil diko alam kung anong gagawin ko' tila kung ano ano ng pumapasok sa isip ko pero imposible gawin iyon ni Harris.

" Iwan ko nalang ang pagkain dito anak pag nagutom ka nandito lang ito" sagot ni nanay flor at lumabas na rin ito ' di na rin ako nag abala pang tingnan ito.

" Harris nasaan kana ba?" naiiyak na bulong ko sabay tingin sa labas narinig ko namang tumunog ang pinto kaya't mas lalo akong nainis dahil gusto kung mapag isa.

"SABI KO GUSTO KONG MAPAG ISA!!!--- har-ris?" inis na sigaw ko sabay harap sa pinto nagulat naman ako ng makita si Harris na tila pagod na pagod at nakatayong nakatingin sakin ' naluluhang tiningnan ko naman ito. Nag lakad naman ito papunta sakin sabay yakap nito,

"I'm sorry Sam " rinig ko na bulong nito agad naman humiwalay ito sa pag kakayakap sakin sabay hawak sa kamay ko sabay halik nito.

"San ka galing??" naiiyak na tanong ko dito pero nakatingin lang ito sakin habang hawak hawak ang kamay ko , agad ko namang nilayo ang kamay ko at tiningnan ito.

"Alam mo bang anong araw kahapon Harris?? buong araw at gabi kitang hinintay " naiiyak na tanong ko dito.

"Sorry Sam may ---

" Mas importante pa pala yang trabaho mo kesa sa amin ng mga anak mo'tsk kung alam ko lang " iyak na tanong ko dito .

"No Sam mas importante kayo sakin" sagot nito sabay yakap sakin pilit ko namang nilalayo ito sa pag kakayakap sakin .

" Ano ba Harris" buong lakas ko naman itong tinulak at nag kataon nahila ko ang damit nito dahilan para maalis ang botenes nito' Napatingin naman ako sa bandang leeg nito ng may mapasin ako,agad ko naman nilapitan ito at' laking gulat ko sa nakita ko.

" huh!! god!! Harris ---- hindi !! pano?? pano mo nagawa sakin to!!!" Napahagulhol nalang ako ng iyak na makitang may bakat ng mga lipstick sa leeg nito na tila mga halik ng babae ito.

"No Sammm mali ka ng iniisip hindi ko magagawa sayo yun" sagot nito sabay lapit sakin.

" Wag kang lumapit sakin!! " sigaw ko dito sabay layo dito.

"Wag -mo akong lapitan!! bakit??? Harris??? bakit mo nagawa sakin to!!" naiiyak na sagot ko dito ' patakbo naman akong lumabas ng kwarto at bumaba na rin ng hagdan diko alintana ang laki ng tiyan ko sa bilis ng pag lakad ko dali dali naman akong hinabol nito.

" wag!!! mo akong hawakan!!!!!! LUMAYO KA SAKIN!!!!!! hindi ko alam kung bakit mo nagawa sakin to' Harris" iyak na sigaw ko dito.

" sam!!"

" Wag niyo akong lalapitan!!!!! " Sigaw ko kanila Collins ng takangin ng mga ito na lumapit sakin.

" Relax Sam anong nangyari??? Harris anong ginawa mo?" takang tanong ni Madrid kay Harris.

"Wag na kayong mag panggap!!!!! alam kong alam niyo lahat ng ito!!! pina mukha niyo akong tanga! huhu " iyak na sigaw ko sa mga ito ,

" Sam wala kaming alam sa sinasabi mo??"

Pero diko naman pinansin ito' halos di ko matingnan si Harris dahil diko alam kung anong iisipin ko dito 'buong gabi akong nag antay sa kanya tapos malalaman kong may kasamang ibang babae pala ito. Napa kapa naman ako sa bulsa ko ng bigla tumunog ang cellphone ko agad ko namang kinuha ito' napatingin naman ako dito.

"huhh?? hindi!!!" napahagulhol nalang ako ng iyak sa nakita ko' isang video ang senend Sakin at kitang kita sa video na nandun si Harris kasama ang ex girlfriend nitong si Samantha na tila may ginagawang kakaiba sa kama makikita sa video kung pano halik halikan ni Samantha si Harris habang naka patong si Harris dito' diko naman namalayan na nabitawan ko ang Cellphone ko at naiiyak na tumingin kay Harris agad naman itong kinuha ni Harrison at nagulat din ito sa nakita nito.

Wala sa sariling tumakbo ako palabas ng bahay nakita ko naman ang sasakyan nito na bukas at nakaparada sa labas agad naman akong pumasok dito at sinimulan ng mag maneho ' diko naman pinansin mga itong patakbong pinipigilan ako '

"Bakit Harris ?? bakit mo nagawa sakin to wala akong ginawa sayo kundi mahalin ka higit pa sa sarili ko" iyak na bulong ko ' nakita ko naman sa salamin ang mga sasakyan nito na nakasunod sakin at bumubusina sakin para patigilin ako pero mas lalo kong binilisan ang takbo ko ' iyak lang ako ng iyak dahil sa diko matanggap ang ginawa nito sakin ' maya maya pa ayy nasa likod ko na ang sasakyan ng mga ito at nakasunod na sakin ' mas lalo ko pang binilisan ang takbo ko at tila nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa kakaiyak ko maya maya pa ayy may narinig akong malakas na busina agad naman akong napatingin dito .

" diyos ko!" wala sa sariling bulong ko ng makita ang isang malaking truck ang papunta sakin hanggang sa di nako nakalayo dito at mabilis namang binundol nito ang sasakyan ko ' naramdaman ko namang tila lumipad ang sasakyan ko haggang sa bumagsak na ito ng malakas , tila dumilim naman ang paningin ko at nakita ko sa di kalayuan sila Harris na tumatakbo papunta sakin napahawak naman ako sa tiyan ko ng bigla itong sumakit.

"Ang mga anak ko" wala sa sariling bulong ko hanggang sa dumilim na ang paningin ko.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now