Part 17

46 3 0
                                    

"So?? dito kana talaga  nakatira Sam?"

"ahm 0o?hihi" nahihiyang sagot ko sa mga ito  nandito kami ngayon sa unit ni Harris at ngayon nandito pa rin silang lahat parang  lalamunin ako ng hiya ng makita ko ulit ang mga ito. Kanina pa kasi  kumakatok sa unit ko ang mga ito at gusto akong  makausap  kaya ngayon halos iilang tanong na ang tinatanong sakin at ako naman sagot lang ng sagot sa  mga ito  nakakailang lang dahil nasa harap ko si Harris  at ngayon seryoso lang na nakikinig sa amin naalala ko yung nangyari kagabi diko alam kung panaginip ko lang ba iyon or totoong nangyari  pero tila sa reaksyon nitong si Harris mukhang normal naman  ang lahat.

" Nga pala sam may gagawin kaba ngayong weekend  baka gusto mong sumama samin" nakangiting  tanong sakin ni Madrid

" 0o nga Sam  pupunta kami ngayon sa resort  nila Thurner  bagong bukas ito kaya naisipan  na rin naming mag bakasyon muna dun" sagot agad ni Harry dito' napaisip naman ako kung may gagawin ba ako nitong susunod  na araw pero mukhang wala naman gaanong pag kakaabalahan sa kumpanya  ' 

" Mukhang masaya yun sige sasama ako" nakangiting  sagot ko dito '

" yun ohh marami na tayo " nakangiting  sagot ni Collins  ' napangiti naman ako sa mga ito ' nag patuloy lang kami sa pag kwekwento  at panonood ng iilang video  ' panay namang order sila Collins  ng pagkain.

Naalala ko si Moji kamusta  na kaya siya ' namimis ko na ito 'mas masaya siguro pag nandito rin ito' ilang buwan na rin nung umalis ito.

Napatingin  naman  ako ky Harriot ng nag salita ito.

" Umiinom kaba sam?" takang tanong nito

" 0o pero di ako malakas uminom " nakangiting  sagot ko dito '  may nilabas naman itong mga bote ng wine .

" Sakto may mga dala kaming wine galing  ibang bansa " nakangiting  sagot nito sabay bukas ng wine nag salin naman ito sa baso sabay abot sakin'

"Medyo matapang yan Sam pero masarap yan" nakangiting  sagot nito '

" So cheers??" sigaw ni Madrid  sabay taas ng baso nito '

" Cheers!!" sabay sabay na sigaw namin ' agad ko na rin itong ininom at masarap nga ito matamis at may kaunting pakla pero masarap '  nag salin ulit  ako sa baso ko at ininom ulit  ito.

" Dahan dahan lang Sam  Haha  nasa dulo ang tama niyan" natatawang  bulong sakin ni Harriot ' nginitian  ko naman  ito na okay lang . Napatingin  naman  ako sa mga ito at tila nag e-enjoy ang mga itong uminom ' napatingin  naman ako kay Harry  na ngayon nakatingin  sakin  nginitian  ko naman ito sabay senyas  ng cheers at  inom dito'  binaling ko naman  ang tingin  ko sa tabi nito ng biglang  nag kasalubong ang tingin namin ' nakatingin  lang ito  ng seryoso  sakin  at tila may ibig itong sabihin ' dahan dahan namang bumaba ang tingin ko patungo sa labi nito' Sana panaginip lang kung ano mang nangyari kagabi ' tila nakakalimutan ko kasi ang mga nangyayari pag napaparami at nalalasing ako' nagulat  naman ako ng mapansing nakatingin pa rin ito sakin agad  naman akong umiwas ng tingin sabay lagok ng alak ' napailing  nalang ako dahil nilagok ko lahat ' medyo nalalasahan ko na ang pait nito at medyo nararamdaman ko na ang tapang nito.
Nakakailang bote na rin kami at tila may tama na rin ang ibang kasama namin di rin pala sanay ang mga ito na uminom ' nakita ko naman si Harrison  na nakatulog na sa tabi' Sila Collins  naman at Madrid nag kakantahan  may iilan ding nag sasayawan ' patuloy lang kami sa pag inom  at kwentohan .

"kaya mo pa ba Sam? " tanong sakin ni Harry sabay upo sa tabi ko

" okay lang ako medyo nahihilo lang ng kaonti" nakangiting  sagot ko dito '

" pwede  kang sumandal sakin pag di mo na kaya" nakangiting  sagot nito sabay tapik sa balikat nito  ' Nag pasalamat naman ako dito pero di pa naman ako gaanong nalasing at kaya pa naman '

" Sam try mo to masarap din to" nakangiting  sinalinan naman ako ng alak  ni  Harriot sa baso at  mukhang  ibang alak ulit ito ' inamoy ko naman ito at tila matapang ang amoy nito' agad ko naman  ininom ito at masarap at matamis tamis din siya' di tulad sa unang alak na ininom ko' .Medyo nakakaramdam  na rin ako ng pag kahilo at pag  ka antok' kaya't  sinandal ko na rin ang ulo ko sa balikat ni Harry' naramdaman  ko namang lumapit ito ng bahagya sakin.

"Wag kanang uminom Sam mukhang lasing  kana" rinig ko na bulong nito ' napapikit naman ako dahil nararamdaman ko ng umiikot na ang paningin  ko mukhang naparami nanaman ang nainom ko '  Medyo inaantok  na rin ako at ano mang oras e makakatulog nako naramdaman  ko naman ang kamay nitong  nakahawak sa kabilang braso ko' na tila nakabantay sa likod  ko sakaling makatulog or mawalan ako ng balanse' maya maya pa ay nilaman nako ng antok.

........

ahmm ang lamig ' napahawak naman ako sa kumot na nakapatong sakin ' dahan dahan ko namang  minulat ang mata ko Nakahiga ako ngayon sa Sofa at may kumot na nakapatong sakin inikot ko naman ang tingin  ko at natawa naman ako sa nakita  ko ' nasa sahig ang mga ito at himbing na himbing sa pag kakatulog tanging kumot lang ang sapin ng mga ito natawa naman  ako kanila Collins at Madrid  na ngayon mag kayakap' sila Turner  at Harry naman mag katalikod si Harrison  naman na yakap yakap ang sarili at nasa kabilang sofa naman sila Harris at Harriot na nakaupong natutulog. Dahan dahan naman akong tumayo at kinuha ang kumot  ' dahan dahan ko namang  kinumutan ang mga ito ' lumabas na rin ako at pumasok  na rin sa unit ko ' mag aalas otso na rin ng umaga ' naisipan ko namang mag luto para pag gising ng mga ito e makakain na rin agad . Nag hilamos muna ako at nag bihis' sinuot ko na rin ang apron  ko at nag umpisa na ring mag luto naisipan ko namang mag luto ng sopas at iilang pang breakfast  para kahit papaano ee mawala ang hang over ng mga ito. Simula nung tumira ako mag isa natoto nakong mag luto   kahit nung una nahirapan ako dahil wala akong alam sa mga gawaing bahay pero nag aral at natoto akong mamuhay  mag isa. Simula nun ako ng nag luluto sa sarili ko at kung ano ano ng ' mga bagong bagay ang natutunan ko.

Tinikman ko na rin ang sopas na niluto ' sakto nasa tamang timpla lang ito ' inayos ko na rin ang iilang lagayan nito at hinanda na rin ito  ' Gumawa na rin ako ng iilang sandwich  at ' pancake  para sa mga ito.

" Charaann tapos na" nakangiting  niligpit  ko naman ang iilang gamit na nagamit ko   hinubad ko na rin ang apron at  kinuha ang bag kung saan nakalagay ang mga pag  kain lumabas  na rin  ako ng unit at ' dahan dahang binuksan  ang unit ni Harris nasa tapat lang ng pinto ko ito 'sakto kagigising  lang ng mga ito at tila  may hang over pa ang mga ito .

"Gising na pala kayo nag luto  ako ng almusal "nakangiting sagot ko sa mga ito 

" Sakto kanina pa ako nagugutom"sagot ni Collins  sabay lapit sakin

" Ako nang bahala dito sam" nakangiting  sagot  nito sabay kuha sa bag na hawak ko'
pumunta na rin ako sa direksyon nila Harry at umupo na rin dito  kumuha naman ng mga plato at iba pang  gamit sila Madrid

"wow marunong ka rin palang mag luto sam?" manghang sabi ni Collins  sabay subo ng pagkain  nito. Natawa naman ako sa sinabi nito.

" 0o naman' natotoo akong mag luto simula nung tumira ako mag isa" nakangiting  sagot ko dito '

" Thank  you sa pag kain Sam  " nakangiting  pasasalamat  ng mga ito

" nako wala yun  kumain na tayo" nakangiting sagot ko sa mga ito.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now