Part 29

45 2 0
                                    

" Hello Mr. Grey kamusta ?" nakangiting  bati ko kay mr grey 

" Hello Miss kamusta ?" nakangiting  sinalubong naman ako nito, inabot ko naman ang pasalubong  ko dito bago kami umalis ng resort pinuntahan ko ulit  yung shop  na binilhan ko ng damit at binilhan  ko na rin  ng bagong labas na relo si Mr Grey  regalo na rin dahil sa pag aasikaso nito sa kompanya  nung wala ako.

" Thank  you sa regalo mo Miss " nakangiting  pasasalamat nito '  nginitian ko naman  ito .

" Sya nga pala Mr. Grey kamusta na ang kompanya?" takang tanong ko dito.

"Okay naman Miss tulad ng pinag uutos niyo lahat ho ng may mga bad record  sa kumpanya  natagal na ' yung ibang may minor offence  at nasa mataas na position  nilipat ko na sa pinaka mababang position at lahat ho ng mga matatagal na nah empleyado  na nasa pinaka mababang posisyon ay nilipat ko na sa pinaka mataas na position " nakangiting sagot nito  napangiti naman ako sa sinabi nito. Bago kasi ako umalis pinag bilinan ko ito na alisin lahat na pasaway na empleyado  at may mga iilang empleyado  rin ang grandma  ko na hanggang ngayon di pa rin na propromote dahil na rin sa mga  pasaway rin na mga manager na ayaw bigyan ng pag  kakataon na umangat ang ibang employedo kaya naisipan kong ipag palit ang mga ito  ' di na rin mahirap turuan ang iba dahil mga matatagal na ang mga ito dito sa kumpanya  at alam na ng mga ito ang mga dapat gawin.

" Mabuti naman Mr Grey " nakangiting  sagot ko dito.

"Nga pala Miss ngayong  lingo gaganapin ang launch ng mga bagong barko natin at lahat ng mga investor  ay pupunta,  sa France  gaganapin ang event dahil yun na rin ang gusto ng Lola niyo" pag papaliwanag nito.

"Anong araw?" takang tanong  ko dito 

" Ngayong sabado " sagot nito  napailing  naman ako dahil huwebes ngayon at dalawang araw nalang  at dapat  makarating ako dun bago mag sabado.

"Nga pala Mr Grey  napadalhan na ba lahat ng investors ng imbitasyon?? "

" Yes miss" sagot nito

" Padalhan niyo ng imbitasyon ang Laurel Corp. At Warren Corp. " sagot ko dito hinanap ko naman ang project  proposal  ng mga ito. At agad ko namang  pinirmahan ito.

" Okay Miss, sya nga pala Miss ito ang passport  mo at Ticket  pinadala ng lola niyo  mamayang hapon ang flight  niyo papuntang Germany " sabay abot nito ng passport  sakin.

"kailan  lang pinadala  ni grandma  ito?" takang tanong ko dito.

" kaninang  umaga  lang Miss" sagot ni mr Grey  napailing  nalang  ako  inaakala ko isang private jet ang ipapadala nito sakin pero passport??Ngayon lang nangyari ito tsk ibig sabihin lang nito kailangan  kong pumunta  agad ng airport.

"Wala bang private jet ang susundo sakin para mapabilis ang dating ko ng France??" takang tanong  ko kay mr grey umiling  naman ito sabay  sabing wala.

" tsk okay mukhang kailangan  ko ng pumunta  agad ng airport  ngayon,Mr Grey  ikaw ng bahala dito sa kumpanya   tawagan mo nalang ako pag may problema or kailangan ka aalis nako" pag papaalam  ko dito.

" Yes Miss mag iingat ka" nakangiting  sagot nito lumabas  na rin ako ng  office .

Kailangan  ko mahabol ang flight ko ngayon may apat na oras pako bago ang flight ko.  Pumara na rin ako ng taxi at nag pahatid na rin pa puntang Condo , hanggang  ngayon nag ta-taxi pa rin ako dahil hindi ako sanay mag maneho ng sasakyan lalot na ako lang mag isa.

Buti nalang  at di gaanong  traffic  at mabilis  kaming nakarating ng Condominium  agad naman akong nag bayad at pumasok  na rin.  Nag lakad na rin ako papuntang elevator at pumasok na rin pinindot ko na rin ang floor kung nasaan ang unit  ko . Maya maya pa ayy nakarating na rin ako sa unit, Kinuha ko na rin ang maleta ko at inayos na rin ang iilang gamit na dadalhin ko ,  tiningnan  ko naman ang relo ko at may oras pa naman ako kaya't na isipan ko na ring maligo ulit. Hinanda ko na rin ang damit na susuutin ko at pumasok na rin ng banyo ' agad na rin ako naligo at binilisan ko nalang  ito naligo na rin ako kanina bago ako pumunta  ng kumpanya  kayat  okay lang kahit mabilisang ligo ang gagawin  ko ' sinimulan ko na rin ang routine  ko sa pag liligo hanggang sa matapos ako ' nag bihis na rin ako at naisipan ko namang mag suot ng black jeans at white fitted  shirt at black boots, isang beses ko palang na susuot ito kaya't  naisipan  kong suutin ulit. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko at naisipan ko nalang  kulutin ang dulo nito kahit  medyo kulot na rin ito nag lagay na rin ako ng kaunting make up para kahit papaano ee mag mumukhang babae rin ako . Di ko naman maiwasan  mapangiti  ang ganda ko",  Napatingin  naman ako sa relo at mukhang napahaba ata ang oras ko sa pag aayos kayat dali dali ko naman inayos ang mga gamit ko at lumabas na rin ng unit . Ngayon isang  Sling bag at  maleta lang ang dala ko bumaba na rin ako  at  nag para  na rin ng taxi.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now