Part 12

47 4 0
                                    

"Nandito na tayo"nakangiting sagot ni Harrison sabay tingin sakin' takang tiningnan ko naman ito sabay sulyap sa labas ng sasakyan,may napansin naman akong isang malaking Private plane kung di ako nag kakamali, maya maya pa ay niyaya nako ni Harrison lumabas ng sasakyan'di na rin ako nag dalawang isip at lumabas na rin.

"teka anong ginagawa natin dito Harrison?" takang tanong ko dito habang nakasunod lang sa likod nito habang nag lalakad.

" Look?"sagot nito sabay turo sa di kalayuan.

"Moji?" takang sagot ko dito '

" Mommy!!!! mommmy!!!mommy!!" Sigaw nito habang patakbo sa kinaroroonan namin ni Harrison'tuwang tuwa naman itong tumakbo sabay yakap sakin .

" moji"naiiyak na bulong ko dito habang yakap yakap ito di ako makapaniwala na makikita ko pa ulit ito' maya maya pa ay may lumapit sa aming lalaki at'napansin ko ring katabi nito Si Harris at Harry .

" Hi Sam" nakangiting bati sakin ni Harry nginitian ko naman ito. Lumapit naman si Harrison sa lalaking katabi nila Harry at nakipag kamay dito

" nga pala Dad this is Sam siya yung kinuwento ko sayo and Sam ito naman ang Daddy namin at Lolo ni Moji" pag papakilala sakin ni Harry. Nagulat naman ako sa sinabi nito teka Daddy? nila? tiningnan ko naman ito at tila di nasagi sa isip ko na daddy pala nila ito dahil ang bata pa nitong tingnan at kung titingnan mo, halos di mo makakaila na parang lolo na ito dahil ang bata pa mukha nito. nakipag kamay naman ako dito.

" Nice to meet you Sam"nakangiting bati sakin nang Lolo ni Moji

" Hello po Sir"nahihiyang sagot ko dito.

" Thank you for being a good mom for moji kahit papaano na ranasan nitong may tinuring siyang mommy" sagot nito sabay tingin kay moji.

" Nako wala po yun masaya po ako na nakilala ko si moji mabait na bata si moji at napamahal na rin siya sakin" nakangiting sagot ko dito.

" Sabihin mo kahit anong gusto mo ibibigay ko para masuklian ko lang kabaitan at pag mamahal mo para sa apo ko?"

" Na-ko wala po okay na po sakin na makita ko si Moji bago lang po ito umalis" nahihiyang sagot ko 'ngumiti naman ito at tila di makapaniwala sa sinabi, may kinuha naman ito sa bulsa nito sabay abot sakin.

"here kunin mo' bilang pasasalamat ko' maliit lang na bagay ito pero makakatulong to sayo ano mang oras " nakangiting sagot nito sabay abot sa kamay ko.Takang tiningnan ko naman ito 
Isa itong Business card pero di basta bastang business card ang binigay nito sakin isa itong Golden Card na may naka ukit sa harap na "Huffin Smith Corp...."  ginagamit ito ng mga mayayaman at ma impluwensyang tao at swerte mo pag nag ka roon ka nito.

"Tanggapin mo na iha' bilang pasasalamat ko"nakangiting sagot nito di na rin ako tumanggi dito at nag pasalamat na rin '

Maya maya pa ayy lumapit na sa amin si Harry at sinabi na nito na oras na para umalis na sila Moji'Nag paalam na rin ang mga ito sa bata at pinipigilan ko lang ang maiyak dahil aalis na si moji' niyakap ko na rin ito'

"Pakabait ka moji okay?mamimiss ka ni mommy"bulong ko dito sabay halik sa noo nito' niyakap na rin nito ni harris at tila kinakausap nito ang bata, nag paalam na rin ang mga ito sa daddy nila at tuluyan na ring pumasok ang mga ito sa loob ng Private plane '

" Bye moji"bulong ko dito sabay kaway sa kawalan ng maka alis na ang mga ito.
Mamimiss ko ang kakulitan nito .

"Wag kanang malungkot sam nandito pa naman kami"nakangiting  bulong ni Harry sabay kaway din dito' napatingin  naman ako dito at tila nagulat sa sinabi nito.

0o nga pano na ako ngayon wala na si moji at balik normal ulit ang buhay ko baka ito na ang huling araw na makakasama ko ang mga ito, bigla naman ako nalungkot ng maalala na wala nang naguugnay saamin dahil si moji lang ang daan kung bakit kasama ko ang mga ito'

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now