Part 30

33 1 0
                                    

"Hello Ma'am welcome aboard" nakangiting  bati sakin ng isang flight attendant  sabay abot sakin ng juice nito.

" Salamat" nakangiting pasasalamat ko dito.Nandito ako ngayon sa first class nitong eroplano at nasa bandang unahan ako naka upo malapit sa bridge  nitong eroplano  diko alam bat dito ako pina upo ni Harris  nakaka inis lang dahil nasa tabi ko lang ang iilang mga crew nitong eroplano. Nakakailang  lang din dahil panay tingin ang mga ito sakin  at pinag uusapan ako. Ilang minuto nalang  ay lilipad na kami  medyo kinakabahan  ako dahil  ako lang mag isang nakaupo dito sa first  class,

" okay lang po kayo ma'am?? mukhang  namumutla po kayo??" takang tanong sakin ng isang flight  attendant  sabay lapit nito sakin.

"nako' okay lang ako di lang ako sanay bumyahe  mag isa"sagot ko dito mukhang  na intindihan naman nito, umalis na rin agad ito at pumunta na rin sa kinaroroonan ng mga kasama nito.Napatingin naman ako sa pinto ng bridge ng biglang bumukas ito nakita ko naman si Harris  na lumabas at nag lakad papunta sa direksyon ko.

"You okay??" seryosong  tanong nito' umiling  naman ako sabay sagot dito na okay lang ako  pero di pa rin ito umaalis sa tabi ko, sumenyas naman ito sa isang flight attendant  at tila may binulong ito at umalis na rin agad ang flight  attendant  palabas ng eroplano.

" Hindi pa ba tayo  aalis??" takang tanong ko dito .

"Not yet" seryosong  sagot nito sabay upo sa harap ko

" bakit?? " takang tanong ko ulit dito.

" Wala pang piloto" walang ganang sagot nito , kunot noong tiningnan ko naman ito

"Aba?? diba ikaw ang piloto ?" inis na sagot ko dito,

"Who said? " taas kilay na tanong nito sabay tingin  sakin.

"Ikaw??"

"At kailan ko sinabi  yun ?" sagot nito, inis ko namang  tiningnan  ito.

"ohh Harris  ano?? di pa ba----

" Capt. nandito na po si Capt. Simon " diko  natuloy ang sasabihin ko ng biglang lumapit sa amin yung kaninang flight  attendant  at may kasama itong bagong Piloto , tumayo na rin si Harris  at sinamahan  itong pumasok  ng bridge   maya maya pa ayy lumabas ulit  ito at umupo ulit sa harap ko.

"teka?? yun ba yung Piloto ??"takang  tanong ko dito'  sabay turo sa bridge   umiling  naman  ito na 0o '  maya maya pa ayy naramdaman ko ng papaalis na ang eroplano  umayos naman ako ng upo.

"okay ka lang? " takang tanong ni Harris sabay tingin nito sakin at napansin  naman  nitong namumutla ako.

"Ang totoo niyan natatakot ako" nahihiyang sagot ko dito , tumayo naman ito sabay upo sa tabi ko '

" Tekaa anong ginagawa  mo??" takang tanong ko dito  na ngayon naka upo na ito sa tabi ko sabay kabit ng seatbelt nito .

"tinatabihan ka??" pag babara na sagot nito .

" per--o bak-it???" nauutal na tanong  ko dito, tiningnan  lang ako nito sabay hawak sa kamay ko

"close your eyes " bulong nito habang hawak hawak ang kamay ko , napapikit naman ako sabay hawak din ng mahigpit  sa kamay nito ng naramdamang palipad na kami' tumagal din ng ilang minuto  bago mawala yung kaba ko at dahan dahan ko namang binuksan  ang mata ko nanlaki naman ang mata ko ng makitang nakatingin  ito sakin  agad ko namang inalis  ang kamay ko sa pag kakahawak  nito.

" uhmm  okay nako!"  sagot ko dito.

" Okay" rinig ko na bulong nito tumayo na rin ito at umalis na rin agad ito. Takang tiningnan  ko naman ito ng  dire -diretso lang itong nag lakad papalayo sa kinaroroonan ko.

The Unknown  Billionaire Onde as histórias ganham vida. Descobre agora