Part 9

59 4 0
                                    

"Moji dahan dahan lang sa pag takbo baby baka madapa ka" pag sasaway ko kay moji andito kami ngayon sa VIP room at nandito rin sina Harriot,Harrison,Collins,at Harry kinunan na rin  ako ng mga ito ng sariling kwarto dahil na rin sa baka di ako komportable  dun sa office ni Madrid  gawa ng maraming ibang doctor at nurse  ang bigla bigla nalang pumapasok.Isa itong malaking  kwarto at kung di ako nag kakamali mga mayayaman lang ang kayang  kumuha nitong kwarto  at nalaman ko ring pag mamayari pala nila Madrid  ang hospital  nato.

"Moji habulin mo si daddy  haha" Tiningnan  ko naman ng masama  si Collins  ng pinag tritripan  nito si moji.Nung una nag tatalo pa kami ng mga ito dahil gusto akong dalawin ng mga ito at sinabi ko na rin sa kanila na kung pupunta sila dito wag na muna nila dadalhin si moji dahil baka mahawa ito sa sakit ko or di kaya baka kung ano-anong sakit pa ang makukuha nito dito sa hospital  pero gawa ng makulit itong si moji at gustong  gusto na rin ako makita at makasama nito wala na rin ako nagawa ang  mga daddy's nito  kaya't  sinama na rin ng mga ito ang bata.

"Tama na nga yan Collins' halika ka moji kakain tayo" pag sasaway  nitong si Harry  kay Collins  sabay buhat kay moji'

" tara mag sna-snacks tayo mojiii "  nakangiting  alok nito sa bata.Halos pag kain at bulaklak  ang nandito sa kwarto  iwan ko sa mga ito nag mumukhang lamay itong kwarto  sa dami ng bulaklak  na dala  ng mga ito may mga prutas  at kung ano ano pang pagkain. Maya maya pa ay dumating  na si Madrid  lumapit naman ito sakin  at tila sinusuri ang naka kabit sa kamay ko maya maya pa ay may kung anong sinusulat ito sa clip board  na hawak nito.

" mukhang bumababa na ang lagnat  mo sam konting pahinga at gamot nalang  makakalabas kana " nakangiting  sabi nito.

" Hoy Madrid  tama na yang pag giging doctor  kwak mo ' ito sam mag meryenda  ka muna" pag bibiro  ni Harriot  dito kay Madrid  sabay abot sakin ng pag kain.

" tsk  Doctor  ka rin naman ahh palibhasa  puro bahay kasi inaatupag mo" pag bibiro nitong si Madrid  kay Harriot napailang nalang ako sapag tatalo ng mga ito ' Doctor  din pala itong si Harriot  pero mas gugustuhin  pa nitong maging architect  '

" Moji halika kay mommy " kinawayan ko naman ito  na lumapit sakin agad naman itong binuhat  ni Harry at pina  upo sa tabi ko.

"busog na ba ang baby, kain ka ng marami para di ka mag kasakit tulad kay mommy  okay?" pag lalambing ko dito sabay haplos sa buhok nito napangiti naman ako ng hinalikan ako nito sa pisngi. Aliw na aliw naman itong nag lalaro sa tabi ko kasama ang mga cute na cute na mga teddy bear  nito.

" Nga pala  sam kamusta  pakiramdam?" nag aalalang tanong sakin ni Harry   nginitian  ko naman ito sabay sabi na okay lang ako. Maya maya pa ay may kinuha  itong mga  paper  bag sabay lapag sa mesa na nasa tabi ko.

"Binilhan  na rin kita ng iilang mga personal  na gamit mo' sabihan mo lang ako kung may kailangan  kapa" nakangiting  sagot nito '

" nako okay lang ako' wala na rin akong ibang  kailangan  at isa pa magaling  na rin  ako at anytime  pwede na rin ako lumbas dito" nakangiting  sagot ko dito '

"kahit na magaling  kana kailangan  mo pa rin  mag pahinga  dito sa hospital  para di ka mabinat Sam " nakangiting  sagot  nito sakin na tila pinag sasabihan ako.

"nako okay lang yun haha konting lagnat lng ito at saka  may trabaho din ako na  dapat ko pang gawin" nakangiting  sagot  ko dito ' nagulat naman ako ng biglang bumulaga sa harap ko si Collins  na may hawak hawak na pizza  sa kamay

" nako kahit wag kana pumasok  sam  tuloy  pa rin ang sahod  mo and remember  ako ang boss mo kaya sakin ka susunod" Sagot nito sabay  kain  sa pizza  na hawak nito sasagot na sana ako ng  pigilan ako nitong si Harry '

"Kahit  ilang araw ka lang muna mag pahinga  sam at pwede kana ulit bumalik  sa trabaho mo " sagot nitong si Harry ' napa  iling nalang ako sa mga ito at di na nakipag talo dahil alam kong wala akong laban sa mga ito.

Nag kwentohan  lang kami hanggang  sa di na namin namalayan  ang oras at gabi na din pala nag paalam  na rin  sila Harriot at Harrison  na mauuna silang umalis dahil may mga aasikasuhin  pa ang mga ito  ' 
Napatingin naman  ako kay moji na ngayon naka higa at nakayakap sakin at himbing  na himbing  sa pag kakatulog nito.

" Hayaan na lang muna natin siya matulog  mukhang napagod ata kakalaro sa iyo kanina" bulong ko kay Collins  ng akmang gigisingin nito ang bata.

" kailangan  na namin umalis sam" sagot nito sabay tingin  kay moji na nag aalangan pang gisingin or hindi.

"Pabayaan muna natin mag pahinga  si moji ' ikaw muna bahala sa kanya sam tatawagan ko nalang  si Harris  siya nang bahala sumundo kay moji mamaya pag gising  na ito" sagot ni Harry  sabay kumot kay moji.

"Wag kayong  mag alaala  ako ng bahala kay moji " nakangiting  sagot ko sa mga ito  di nag tagal nag paalam  na rin  ang mga ito na aalis na  at ngayon  ako at si moji nalang  ang narito sa kwarto   napangiti naman akong nakatingin  kay moji ang cute  cute  nitong matulog  at tila di alintana nito ang lamig sa kwarto ' inayos ko naman  ang pag kakahiga nito , Medyo malaki rin kasi ang kama na hinihigaan ko kung kaya't  kasya  ang dalawa dito.

Mukhang napapalapit na ang loob ko sa batang ito ' nakakalungkot lang isipin dahil  ilang linggo nalang  kukunin na ulit siya ng lolo  niya at pupunta  na ulit  sa ibang  bansa pag katapos ng business  tour   nito.

Maya maya pa ay' nakaramdam na rin ako ng antok '  alas otso na rin pala ng gabi kung kayat  inaantok na rin ako gawa na rin ng gamot  na iniinom ko na mas lalo pang nag pa antok sakin ' Nahiga na rin ako at niyakap ang cute na cute  na batang ito at nakangiting  hinalikan ito sa noo.

" Goodnight moji"

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now