Part 43

45 1 0
                                    

HARRIS P.O.V

"Tingnan mo mag kayakap sila Calleb at Conan ang cute ng mga apo ko" nakangiting sagot ng mommy ni sam,

" nako ang gwa- gwapo at gaganda ng mga apo ko may pinag manahan sa mga lolo" nakangiting sagot ni dad sabay tingin sa mga apo nito .

" nako mana rin po sa mga gwapong Uncle nito yun si Connel diba kahawig ko?? sakin ata pinag lihi ni Sam ito ee kulang nalang isumpa nako nun sa tuwing nakikita ako nun " natatawang sagot ni Collins dito. Diko naman maiwasan di mapangiti habang nakatingin sa mga angel namin mag aapat na buwan na ang mga ito at nasa incubator pa rin at hanggang ngayon hindi pa namin pwedeng hawakan ang mga ito at hanggang tingin lang kami sa mga ito dito sa labas dahil bawal pa hawakan ang mga ito medyo maselan pa rin ito. Nag papasalamat ako dahil binigyan kami ng apat na malulusog na mga angel Sina Conan, Connell, Caleb at ang nag iisang munting princesa namin Cassandra ' binigay namin ang pangalan nito sa dating pangalan ni Sam kung saan Cassandra ang totoong pangalan nito bago pa makalimutan nito dahil sa aksidente, Kamukhang kamukha din nito ang mommy nito kaya't di mo makakaila na angel ito sa mga mata ko.

"Isang buwan nalang at mahahawakan na natin sila di nako makapag hintay" nakangiting sabi ng mommy ni Sam pag katapos ng limang buwan na nandito sa incubator ang mga ito pwede na namin itong mahawakan at maalagaan.

"Pupuntahan ko lang si Sam dad" pag papaalam ko sa mga ito nag lakad na rin ako papunta sa kinaroroonan ni Sam nakangiting umupo naman ako sa tabi nito at hinawakan ang kamay nito.

"Gumising kana mahal ko' hinihintay kana namin ng mga anak mo ang lalaki na nila at hindi ko kayang alagaan ang mga ito na mag isa lang " naiiyak na bulong ko dito sabay halik sa kamay nito .

" miss na miss na kita Sam" bulong ko dito hindi pa rin ito nagigising simula matapos ang operation nito bumalik ulit ito sa pag cocomatose nito pero di pa rin ako nawawalan ng pag asa na magigising ito, narinig ko namang bumukas ang pinto kaya't agad ko namang pinunasan ang mga luha ko .

"Okay ka lang Harris " nakangiting tanong sakin ng kambal, sabay lapit nito sakin umiling naman ako dito sabay sabi na okay lang ako.

" Matapang na tao si Sam alam kong magigising ito kinaya nito ang ilang operasyon at makakaya din nitong magising at hindi niya pababayaan ang mga anak niyo" nakangiting sagot ng kambal ko.

"Nag papasalamat ako dahil buhay ang mag ina ko' at biniyayaan ako ng mga malulusog na anak Thank you Sam dahil lumaban ka" nakangiting bulong ko dito sabay hawak ng mahigpit sa kamay nito.

"Ang ganda pa rin ni sam kahit tulog ito" rinig ko na bulong ng kambal ko tiningnan ko naman ito ng masama.

" haha relax Harris nag sasabi lang ako ng totoo haha " natatawang sagot nito.

Maya maya pa ayy pumasok na din sila Collins at iilang kasama namin bumati rin ang mga ito kay sam na tila kinakamusta ng mga ito ganito parati ang ginagawa namin parati naming kinakausap ito nag babakasakaling na baka magising ito.

"Di nakakasawang tingnan si Sam mas lalo pa itong gumaganda kahit natutulog lang ito" rinig ko na sagot ni Collins dito.

" shut up!!!" sigaw ko dito narinig ko namang tumawa ang mga ito ' tsk sinasadya ba ng mga ito na ipa rinig sakin na pinag nanasaan ng mga nito ang ang babaeng mahal ko.

" See Harris?? hindi lang ako nag sabi niyan pati na rin si Collins kaya't wag ka lang sakin magalit haha " natatawang sagot ng kambal ko sakin.

"Naalala ko unang beses ko nakita si sam sa Shop kahit ako nagulat din sa ganda nito kung di ko lang talaga anak si Moji mapag kakamalan kong anak ni Sam si moji dahil sobrang close ng mga ito at halos mag kamukha na rin ang mga ito" natatawang sagot ni Collins sabay tingin nito sakin na tila di madaan sa isang tingin hinayaan ko nalang ang mga ito na mag kwento.

"I Admit na naging Crush ko si Sam dati sobrang bait kasi nito at halos walang arte kaya mabilis nalang mahuhulog ang loob mo dito" nakangiting kwento ni Madrid tiningnan ko naman ito.

" baka nakakalimutan niyo nandito lang ako " Seryosong sagot ko sa mga ito nag tawanan lang ang mga ito at nag patuloy lang din sa pag kwento.

"Relax Harris di sa pinag nanasaan namin si Sam syempre nagagandahan din kami sa kanya pero di ibig sabihin nun na aagawin namin siya sayo' nako baka mabugbug pa kami nila Calleb , Conan at Connell hahaha " natatawang sagot ni Hailey dito napailing nalang ako sa mga sinasabi ng mga ito.

"Diko ma iwasan malito sa kanilang tatlo halos mag kakamukha din ang mga ito ' parang kayo rin Harry at Harris sobrang mag kamukha maliban sa buhok ' kung di lang babae si Baby Cassandra baka mapagkamalan din itong lalaki dahil mag kamukha din silang apat " di maka paniwalang sagot ni Harriot dito. Kahit ako na sariling ama ng mga ito diko makakaila na mag kamukhang mag kamuha nga ang mga ito tulad sa amin ng kambal ko halos kasing laki at kasing bigat lang din ang mga ito.Hindi nako makapag antay na makitang lumaki ang mga ito at gusto kong kasama ang babaeng mahal ko na masilayan naming dalawa ang pag laki at maalagaan ang mga ito .

Hinalikan ko naman ang kamay nito, Please Sam gumising kana sobrang miss na miss na kita namimiss ko nang pag silbihan ka at alagaan ka kasama ng mga anak natin . Gusto ko kasama ka sa pag papalaki sa kanila at hanggang sa pag tanda natin Sam gusto kong mag kasama tayo, alam kung marami akong pag kakamaling nagawa sayo at gusto kong itama ang lahat ng ito at pinapangako ko na hindi na ulit mangyayari ang mga bagay na yun, gumising ka lang mahal ko please, Sabay hawak ng mahigpit sa kamay nito.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now