Chapter 8

120K 2.1K 464
                                    



Chpater 8
Party

"Oh tapos? Feeling mo naman may gusto na sayo si Luke? Bes kahit sinong lalaki naman ang makakita nung ginawa sayo ni Jace manununtok talaga. Feeling mo naman special ka na agad" pambabasag ni Peachy sa kaibigan.

"Grabe ka Peachy. Kung bitter ang buhay mo wag mo akong idamay ah. Wala ka kasing pag asa sa kambal" pag aasar niya din sa kaibigang nag kukulot ng buhok niya.

"Eh kung sunugin ko kaya tong buhog mo" mahina niya tinulak ang ulo ng kaibigan na nakapag patawa kay Jessy.

"Hmmp humanda siya. Nag hahanp lang talaga ako ng tyempo bes, magagapang ko din yan" ani niya habang nakaharap sa salamin. Kinuha niya ang isang red lipstick at iyon ang ginamit.

"Edi lasingin mo" suhestyon ni Peachy sa kaibigan.

Napangiti naman si Jessy sa sarili. Oo nga noh. Sakto at siguradong madaming alak mamaya sa party.

Naimbitahan kasi sila sa anniversary ng companya ng isa sa kaibigan ni Luke. Pumunta si Peachy sa condo ni Jessy para tulungan sa pag aayos.

"Oh pak, pwede ng rumampa" inayos ayos pa ni Peachy ang buhok ng kaibigan.

"Thank bes. Basta babalitaan kita bukas pag nagawa ko"

"Goodluck nalang sayo. Hay nako ako'y mauuna na may gagawin pa ako" kinuha niya ang bag na dala.

"Thank you bes, ingat" bineso niya ito at hinatid hanggang sa pintuan.

Tinapos niya ang pag aayos niya dahil saktong alas otso ay dadaanan daw siya ni Luke.

Simpleng white dress ang isinuot niya. Nang tanungin niya kasi si Luke kung anong dapat suotin ang sabi nito ay simpleng kulay puti daw ang suotin niya.

Napanaling sa cellphone niyang nakapatong sa kama ang paningin niya ng tumunog iyon.


From: My Luke

It's 7:59 where are you?


Kahit text message lang iyon ramdam niya ang malamig na boses nito kaya naman dali dali niya kinuha ang gamit at timakbo papunta elevator.

Medjo naika-ika pa siya sa suot niya heels pero kinaya naman. Binuksan niya ang camera ng telepono para tignan ang itusura.

"Gorgeous" ani niya sa sarili at tsaka inayos ang tayo.

Pag bukas ng elevator sa parking lot na ang labas niya. Hinanap niya sa kulay itim na ferrari dahil iyon ang kotse ni Luke.

Nakita niya iyon tatlong kotse ang layo mula sa elevtor na nilabasan niya. Kahit hirap ay tinakbo niya iyon dahil baka mamaya'y mainip nanaman ang boss niya.

Tinted ang kotse nito kaya naman hindi mo makikita ang tao sa loob. Excited niyang binuksan ang passenger seat pero nawala iyon ng may makitang naka upo doon.

"You're late miss secretary. Napakabagal boss pa ang pinag aantay" nakadikwatro at mataray na ani ni Valentina.

She's wearing a sparkly red dress na sobrang haba ng slit. Kulang nalang makita na ang panty niya.

"Get in. Faster" ani ni Luke kaya wala siyang nagawa.

Pabaldag niyang isinara ang pintuan ng passenger seat dahilan para mapasigaw sa gulat si Valentina. Inis siyang pumasok sa back seat at padabog na umupo.

"Oh god please, Careful Jessy. Sisirain mo ang kotse ni Luke" maarte nitong sabi at nakahawak pa sa dibdib dahil sa gulat.

"Wala akong pake, Ibili pa kita ng sampu" malakas nuyang hinatak ang seat belt at bwiset na isinuot yon.

My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon