Chapter 28

97.1K 2K 380
                                    




Chapter 28
Regalo

"Here. Kumain ka pa" naka ngiting ani ni Jessy kay Haze at inabutan ito ng ulam. Ang lalaki ay hindi maipinta ang mukha sa ilang at kaba.

"Love, Sit down" hinawakan ni Luke ang braso ng kasintahan para hilahin papaupo.

Mula ng dumating si Haze nawala na sa kaniya ang atensyon ni Jessy. Tayo ito ng tayo para alukin at lagyan ng pag kain ang pinggan ng lalaki. Mamayang kanina, mamayang ulam, mamayang inumin.

Isinabay din nilang kumain si Manang Rina na walang ibang ginawa kung hindi pag tawanan si Luke tuwing nalulukot ang mukha sa pinag gagawa ni Jessy.

Si Manang ang katabi ni Luke at si Jessy at Haze ang nasa harapan nila. Kulang nalang ay umusok na ang tenga at ilong ni Luke sa inis at selos.

"Hijo kumalma ka. Hayaan mo na si Jessy. Pinag lilihian niya lang iyan" si Manang at sumubo ng kanin.

Nilingon siya ni Luke.

"Ganyan ba talaga mag lihi manang? I thought pag kain lang ang pinag lilihian"

Mahinang natawa ang matandang babae at nag punas ng labi bago sagutin si Luke.

"Minsan ay may ganyan din Hijo. Hayaan mo na at walang malisya iyan. Talagang pinag lilihian niya lang ang ilong ni Haze"

Malalim na napa buga ng hininga si Luke at napa iling iling nalang sa kasintahang pinag sasalin ng juice si Haze.

"Wait mag c-cr lang ako" paalam ni Jessy at tsaka umalis.

"Teka at kukunin ko lang yung dessert" paalam din ni Manang Rina kaya naiwan ang dalawang lalaki sa lamesa.

Pareho silang tahimik. Walang kibong pinag patuloy ni Haze ang pag kain at si Luke ay mag ka krus ang brasong pinapanood ito.

"What?" tanong ni Haze ng nasa pingan padin ang paningin pero ramdam na ramdam niya ang pag titig ni Luke.

"Tsk. Wag kang umasa sa mga pinapakita ni Jessy ngayon. She's pregnant at pinag lilihian ka lang niya."

Natigil sa pag kain si Haze at inangat ng tingin si Luke. Nginuya niya ang pag kaing nasa bibig bago nag punas ng labi.

"She's pregnant?" seryoso niyang tanong.

"Yeah. Kaya wag kang umas-"

"I know. Congrats by the way" kinuha niya muli ang kubyertos at mabilis na inubos ang natitirang pag kain sa pingan.

Maya maya sabay na bumalik si Manang Rina at Jessy. Dala dala ni Manang ang leche flan at buko salad nitong ginawa. Tuwang tuwa si Jessy dahil gusto niya ng matamis.

"Eto tikman mo pa" alok ni Jessy sa kaibigan.

"Ahh..Ano ok na Jes. Busog na ako" kinuha nito ang lalagyanan ng buko salad at ibinalik sa lamesa. Si Jessy ay napanguso at kinain nalamang ang nasa pingan.

"I have to go. Thank you for inviting me. Nabusog ako" tumayo si Haze sabay ng pag papaalam.

Man napanguso ang buntis na babae dahil ayaw niya pang paalisin si Haze.

"Ha? Aalis ka na? Mamaya na" pigil niya

"I'm sorry Jes, I really have to go. Congrats sa baby niyo"

"Haze mamay-" naputol ang sasabihin niya ng sumingit si Luke.

"Love hayaan mo na. Maybe he needs to do something important"

My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon