Chapter 20

106K 1.7K 122
                                    




Chapter 20
Party


"The red one para naman pasabog ka
ganon. Lalo na nandon yung mga asawa mo, para mapanganga sila sa kagandahan mo" sabi ni Jessy na naka dikwatrong naka upo sa kama at si Peachy ay naka tayo sa harap ng salamin.

"Ewan ko sayo Jes" inirapan siya nito at
tsaka hinarap ang sarili sa salamin.

One week had passed laging binibisita ni Jessy ang kaibigan para samahan. Alam niyang sobrang nasaktan ito sa ginawa ng mga asawa niya. Hindi na muna siya pumasok sa companya ng nobyo pero kahit ganon hindi naman siya nawawalan ng oras kay Luke. Pag uwi nito sa gabi galing opisina ay sabay sila kakain at mag kukulitan hanggang makatulog.

Today pupunta sila sa isang party. 30th anniversary kasi ng companya nila Peachy at imbitado sila. Susunduin siya ni Luke ng 7pm sa condo ni Peachy.

"Sasabay ka ba samin ni Luke?" tanong
niya.

"No, Susunduin ako ni Alerick, Siya ang
date ko sa party" sagot ni Peachy habang nag hahanap ng mai-teternong bag.

"Alerick? Alerick Del Faroja? Your
husbands cousin?" taka niyang tanong.

"Yeah. Siya nga"

"Wait, Wait, at bakit ka niya susunduin?" nilapitan niya ito para usisain.

"Well kahapon nag kita kami sa grocery,
Niyaya niya akong kumain ng lunch.
We're friends kaya pumayag ako pero
noong nandon na kami umamin siyang
may gusto daw siya sakin" she explained.

"What?" nanlalaking matang tuluyan
niyang nilapit anf kaibigan.

"Gash...alam ba niya ng nangyari sa inyo
ng kambal?"

"Yeah, He said hindi naman daw niya
ako minamadali at gusto lang niya
iparamdam sa akin ang nararamdaman
niya."

"Grabe hanga na talaga ako sa haba ng
buhok mo" umaakto pa siyang
sinusuklay ang mahabang buhok.

"Gaga"




"Ayan na sila!" excited siyang tumayo sa kama ng marinig ang busina ng kotse ni Luke.

Bumaba na sila at pag bukas ng front door nakita nilang nakatayo sina Alerick at Luke sa labas. Pareho itong gwapong gwapo sa suot na black suit.

"Baby" tawag ni Lukeat lumapit. Hinalikan pa siya ng marahan nito sa sintido.

Para makaganti tumingkayad din ng kaunti si Jessy at humalik sa pisnge nito bago lingunin ang kaibigan.

"Bes, mauna na kami. I'll see you there" paalam niya.

Tinanguan siya nito at tsaka kumapit sa braso ni Luke para hindi matapilok, May kataasan din ang suot niyang heels pero mas matangkad padin talaga ang lalaki.

"You're so pretty Love" puri ni Luke ng makapasok sila sa kotse.

"HmmHmm bolero"

"No it's true love" nakangiti nitong sabi na nakapag papula sa pisnge ni Jessy.

"Tara na, Tara na" aya nito ng hindi na makatingin kay Luke dahil itinatago ang mukha.

Tatawa tawang sinumalang mag drive ni Luke. Kinuha niya ang kamay ng kasintahan at hinawakan iyon sa buong byahe nila. Nilalaro laro ang daliri at minsan ay hinahalikan ang likod ng palad.

Medjo na traffic pa silang dalawa kaya inabot sila ng halos kalahating oras bago makarating sa venue. Pag baba palang ay karami na ang mga media na kaniya kaniyang kuha ng litrato. Nahagip din ng mata ni Jessy ang kotseng gamit ni Peachy kaya't sigurado siyang kanina pa nandon ang mga yon.

My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon