Special Chapter 4

59.1K 1.3K 429
                                    



Special Chapter 4
Birthday Dinner

"Ang bagal mo. Bugbog sarado na si Kuya Harvey sa baba. Di na makakita yung isang mata." Sabi ni Logan kay Layla na kakabukas lamang ng pintuan ng kwarto. Napairap siya dito dahil alam niyang kahit maiinit ang dugo ng daddy nila kay Harvey ay hinding hindi iyon gagawin. Lalo na't nandyan ang Mama nila.

"Sabi ko sayo bantayan mo si Dad sa baba diba?" inayos nito ang suot ang puting dress at kinuha ang bag sa vanity table bago tuluyang lumabas.

It's their lola's birthday at inimbitahan sila na doon mag hapunan. Nalaman ng lolo't lola nila ang tungkol sa boyfriend ni Layla at gusto nilang makasama ito kahit kilala naman na nila si Harvey na napakabait na bata.

"Bakit? Ano bang magagawa ko pag sinuntok ni Dad si Kuya Harvey? Madamay pa ko noh."

"Edi madamay ka. Kala mo kung makapag salita hindi araw araw nakikipag bugbugan sa ekswela. Tignan mo yan oh." hinawakan ng mariin ni Layla ang pasang nasa noo ng kapatid.

"Ah! Aray ate!" hinamapas niya ang kamay ng kapatid at napahawak sa noo. "Hindi yan sa eskwela. Yan yung tulak mo sakin sa kotse noong isang araw!"

Natawa si Layla sa itsura ng kapatid na nakahawak sa noo.

"Halika na nga." tinulak niya ang likod nito para sumabay sa kaniya sa pagbaba ng hagdanan. Nasa pangatlong baitang palang ng hagdan ay dinig na nila ang pag babangayan ng magulang nila.

"Tsk. Umayos ka nga! Harvey anong gusto mo? Juice? Soda? Water?"

"No need po, Tita. Ayos lang po. Salamat."

Napangiti ng malaki si Layla ng makita ang nobyo na nakaupo sa sofa ng salas nila. Nasa sofang kaharap naman nito ang magulang niyang mag katabi. Kinakausap usap ni Jessy si Harvey na tahimik at si Luke ay masama ang tingin dito.

"Oh, Ayan na sila." napalingon lahat sa mag kapatid ng mapansin sila ni Jessy.

Nag mamadaling bumaba si Layla at lumapit kay Harvey. Tumayo ang lalaki at sinalubong ng yakap ang nobya.

"Layla." may pag babantang tawag ni Luke na ikinahiwalay nila.

"Tsk." inis na kinurot ni Jessy ang tagiliran ng asawa na nanahimik naman.

"Dad naman..." si Layla. Hindi nag bago ang nananakot na tingin ni Luke.

"Hay nako. Halika na. Nag aantay na ang Lolo't lola niyo." kinuha ni Jessy ang bag niya na nasa sofa at nilapitan ang anak na lalaki bago sila naunang mag lakad.

"Luke!" habol na tawag ni Jessy kahit nasa may pintuan na sila. Si Luke na walang magawa ay kinuha ang susi ng kotse at sumunod papalabas.

Natatawang hinarap ni Layla ang nobyo ng maiwan silang dalawa sa salas. Pumulupot ang kamay ni Harvey sa bewang nito para hapitin siya ng mas malapit.

"You ok? Anong ginawa ni Dad?" umangat ang kamay niya sa pisnge ng lalaki at hinalpos ito.

"I'm fine, Babe." hinalikan niya ang kamay ni Layla na humahaplos sa pisnge bago dumukwang papalapit at humalik sa labi.

Napaiwas tingin si Layla ng mag init ang pisnge niya

"Halika na nga." nakangiti niyang aya. Natatawang lumayo sa yakap si Harvey bago hawakan ang ang kamay ng nobya at nag lakad papalabas.






"Happy birthday, Ma." masayang bati ni Jessy sa nanay niya ng makarating sila sa bahay nito.

"Thank you anak. Nasan ang mga apo k- Logan!" napanguso si Jessy ng lagpasan siya ng nanay niya at lapitan si Logan.

My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon