Special Chapter 2

71.2K 1.8K 652
                                    



Special chapter 2
Logan

"D-Dadaaa!!! Huhuhu"

"Shhh, Shhh anak tahan na"

Hindi malaman ni Jessy kung paano aaluhin ang anak na pilit umaalis sa pag kakaupo sa hita niya.

"Ayaw na Mama. Huhuhu sakit na Mama" malakas na pumalahaw ng iyak si Layla sa Nanay.

"Shhh tahan na. I'm sorry anak. I'm sorry" hinahilik halikan niya ang pisnge ni Layla na pulang pula mula sa kakukurot niya.

"Huhuhu"

"Hey, What happening huh? Why are you crying my princess?" nag mamadaling lumapit si Luke sa mag ina niyang naka upo sa kama.

Kinuha niya si Layla sa hita ni Jessy at inililat sa kaniya. Awang awa siya ng makita ang pulang pula nitong pisnge.

Jessy!

Alam na agad ni Luke kung bakit iyak ng iyak ang bata at bakit namumula ang pisnge nito.

Pisnge naman ni Layla ang pinag lilihian ng babae.

Hindi maintindihan ni Luke kung bakit hindi siya ang mapaglihiaan ng asawa. Noong una si Haze. Ngayon naman ang anak nila.

"Love naman" parang nanunuway niyang tinignan kay Jessy.

Agad napanguso ang babae sa paninita sa kaniya. She just can't help it. Hindi siya mapakali pag hindi niya na kukurot ang pisnge ng anak nila.

Tumayo si Luke habang kalong kalong ang anak at hinele iyon. Wala pang limang minuto narinig niyang natigil na ito sa pag iyak. Dahan dahan niya sinilip ito at nang makitang tulog na ay lumabas ng kwarto para dalhin sa sarili niyang kwarto.

Maingat niya itong ibinaba doon. Inayos ng higa at tsaka kinumutan para hindi lamigin. Pinatakan niya rin ng marahang halik ang noo nito.

Pag tapos binuksan niya ang maliit na lampshade sa side table at pinatay ang ilaw bago lumabas.

Pag balik niya sa kwarto nilang mag asawa natagpuan niya si Jessy na nakabusangot ang mukha habang nanonood.

"Love" tawag niya at umupo sa tabi nito.

Agad namula ang ilong ni Jessy at nangilid ang mga luha.

"I-I'm sorry" basag ang boses at humihikbing sabi.

"Shhh don't cry" ipinulupot niya ang kamay sa bewang nito at pinasandal sa balikat niya.

Hinaplos ng kamay niya ang siyam na buwang tyan ng asawa.

Yup. Nine months. And it's a boy! Tuwang tuwa ang lahat lalong lalo na si Layla ng malaman niyang lalaki ang magiging kapatid niya.

Ang bata din ang nag isip ng ipapangalan dito. Logan. Yun daw ang gusto niya.

Kahit anong oras ay pupwede ng manganak si Jessy kaya mas lalo na siyang hindi pinagalaw ni Luke. Buong araw nanaman siyang nakahilata sa kama.

"Eh kasi naman eh. Ang tambok ng pisnge ni Layla." nag susumbong nitong sabi at tsaka yumakap din kay Luke.

Tamo to, sinisi pa ang anak namin.

"I know pero Love nasasaktan na yung bata. Bakit hindi nalang ako ang panggigilan mo hmm?"

Agad nag angat ng tingin si Jessy sa kaniya.

"Ayoko nga. Ang pangit mo"

Hindi nakagalaw si Luke at naiwang naka awang ang mga labi. Hindi niya malaman kung mabingin ba siya at tama ang narinig niya. Siya? Pangit?

My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon