Chapter 21

97.7K 1.9K 700
                                    




Chapter 21
Who?

"Luke! Tama na" matamlay nitong pag papatigil kay Luke na walang tigil sa pag halik sa leeg niya.

"Last round?"

"Kanina mo pa sina sabi yan, Inumaga na nga tayo oh. May pasok pa"

Natawa si Luke at tsaka lumayo ng bahagya sa kasintahan. Alas otso na ng unaga at late na sila sa opisina pero ayaw padin siyang tantanan ni Luke.

"Ayokong pumasok" malabing na yumakap si Luke mula sa likod at isiniksik ang mukha sa leeg ng babae.

"Hindi pwede. May meeting ka ngayon. kay Mr. Ostera diba?"

"Pero monthsary natin" parang bata nitong sumbong.

"Pwede naman mamayang hapon tayo mag celebrate" matamlay padin nitong ani kaya napaangat ang ulo ni Luke at tinignan siya.

"Are you ok? Bakit matamlay ka?" pinatong niya ang baba niya sa balikat nito.

"HmmHmm, Medjo nahihilo ako tsaka tinatamad akong tumayo"

Nag aalalang hinarap ni Luke ang kasintahan.

"What? Bakit hindi mo sinabi agad? Dito ka nalang wag ka ng pumasok. Maaga nalang akong uuwi ha?"

"HmmHmm okay" gumanti siya sa yakap ni Luke na hinalikan naman siya sa sintido.

Tumagal ng limang minuto ang yakapan ng dalawa bago tuluyang tumayo si Luke para mag handa papasok. Si Jessy ay nanatili sa kama at bumalik sa pag kakahiga.




"Manang sigurado ba kayo?"

"Nako oo hija. Ayos lang, ano ka ba"

"Hindi naman ho ako aalis. Pa drive na ho kayo"

"Hindi na. Malapit lang naman. Mabilis lang ako ha"

Bumuntong hininga si Jessy at tsaka tumango tango sa matandang babae. Si Manang Rina ay matagal ng katulong nila Luke. Nasa edad 60 na siya pero malakas padin. Ang kwento pa nga ni Luke ay si Manang ang nag aalaga sa kaniya mula noong bata pa siya.

Pag labas ng matandang babae nilapitan ni Jessy ang dinning table at inayos ang mga pingan doon. Tumingin siya sa orasang nasa may kusina. 11:30 Sakto, 12 ang uwi ni Luke.

Gusto niyang i surprise si Luke ngayong monthsary nila dahil lagi nalang siya ang sinusurpresa nito. Nag patulong siya kay Manang Rina mag luto at mag ayos ng lamesa. Nilagyan nila iyon ng sapin, mga bulaklak at kandila para mag mukang nasa isang romantic date sila.

Ang sabi kasi sa kaniya ni Luke kanina ay maaga ang uwi nito para makapag celebrate sila.

"Perfect" napangiti siya ng makitang tapos na at naihain na lahat ng niluto nila ni Manang.

"Maam teka ho, Hindi ko kayo pwedeng basta basta pumasok. Maam!"

Napalingon si Jessy sa front door ng bumukas iyon. Nakita niya si Omar, ang driver ni Luke na may hinahabol na babae. Matangkad, makinis, maputi at mukang may lahi ang itsura nito. Sa tingin niya din ay nasa mga trentahan palang ito.

"Sino ka?" kunot noo niyang tanong at tsaka nilapitan ang babae.

"Maam pasensya na ho, hindi ko ho napigilan" singit ng driver pero hindi siya pinansin ng dalawang babaeng nag tititigan.

"So totoo nga. Kaya naman pala hindi na bumalik na switzerland si Luke dahil may kinakasamang babae" pinag krus nito ang braso.

"Excuse me? Sino ka ba? Bakit ka bigla biglang namanasok? Trespassing ka alam mo ba yon?" pag tataray ni Jessy.

My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon