Special Chapter 3

60.6K 1.5K 375
                                    



Special Chapter 3
Logan and Layla

"Aray, Ate!" daing ni Logan ng dagukan siya ni Layla habang nasa byahe sila papauwi.

"Tarantado ka talaga. Sinabi ng huwag makikipag away. Pang ilang beses mo na to sa guidance ngayong linggong to? 3? 4?" nasa daan ang tingin ni Layla pero kunot na kunot ang noo nito.

Siya lagi ang sumusundo sa guidance office sa labing tatlong taong gulang niyang kapatid. Tuwing napaaway ito siya lagi ang tinatawagan dahil alam ni Logan na makakatikim siya sa magulang nila.

"Bakit ako? Siya kaya nauna. Tawagin ba naman akong bobo? Papayag ba ko non?!" hihimas himas sa batok nitong nananakit dahil sa dagok ng nakakatandang kapatid.

"He! Kahit na noh. Dapat hindi mo na pinatulan"

Mas lalong nainis si Layla ng pag silip niya sa kapatid, nakaharap ito sa bintana at ginagaya gaya ang galit niyang mukha.

"Aba't talaga naman-" muli niya itong binatukan dahilan para tumama ang noo sa bintana.

"ARAY! isusumbong talaga kita" hindi na malaman ni Logan kung batok ba o noo ang hahawakan dahil parehong masakit.

"Sumbungero! Tignan natin kung sinong pagalitan" balik na sa daan ang tingin ni Layla.

"Talaga? Pakita ko kaya kila Dad to" nilingon niya muli ang kapatid. Nanlaki ang mga mata sa nakita kaya napapreno siya ng malakas dahilan para mapasubsob sila ng bahagya sa dash board.

"Ate!" reklamo ni Logan dahil sa pag kakasubsob pero wala doon ang atensyon ni Layla at pinipilit na agawin ang telepono ng nakababatang kapatid.

"Amina yan! Saan galing yan ha!" hindi niya mahablot ang telepono dahil sa higpit ng hawag.

"Blehh. Yari ka. Papakita ko to. Nakikipag halikan ka pa kay Kuya Harvey ah" parang bata ito dumili at pinatay ang cellphone bago ibalik sa bulsa.

"Logan! Amina yon. Burahin mo yon!"

"Logan!"

"Isa!"

Parang binging nakatingin sa labas ng bintana si Logan at sisipol sipol habang ang kapatid ay nangagalaiti sa galit.

Bumigay narin ito at iiling iling na sinimulang paandarin muli ang kotse. Malapit nanaman sila sa bahay nila.

Wala nang muli pang nag salita sa kanila hanggang marating ang harap ng bahay. Unang bumaba si Logan at tumakbo papaloob. Binilisan din si Layla ang pag lalakad para maisumbong ang kapatid.

Pag pasok, naabutan niya ang magulang nila na magkayakap sa salas at nanonood ng tv. Si Logan ay papaakyat na ng hagdanan.

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Luka.

"Paano ba naman, Dad. Yung magaling niyong anak na guidance nanaman. Hindi lang pangatlong beses ko na yang sinundo ngayong linggo" sumbong ko sa mga ito.

Agad napahiwalay sa yakap si Jessy at sumigaw ng malakas.

"Logan! Bumalik ka dito! Ngayon na!!"

Wala pang isang minuto, nakita na niyang bumababa ng hagdan ang kapatid. Pag lapit nito sa kanilang mga magulang nakatikim agad ito ng pinong kurot sa tagiliran galing kay Jessy.

"Ah! Ah, Ma"

"Ikaw bata ka talaga! Ano nanaman yung sinusumbong ng Ate mo ha? Ilang beses ka nanaman daw na guidance ngayon linggong to. Gusto mo bang mapalipat nanaman ng eskwelahan ha?" kung masungit si Layla kanina ay mas masungit ang Nanay nila ngayon. Para gustong gusto nitong kurutin si Logan.

My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon