EPILOGUE

103K 2.3K 1.4K
                                    



EPILOGUE
The End

Tatlong buwan na ang lumipas mula ng insidente sa mall. Ang sabi ng doctor ay isang linggon lang ako mag bed rest pero itong si Luke, Isang buwan akong pinahiga.

Isang beses sa isang linggo nalang siya pumapasok sa opisina at sa bahay nalang ginagawa ang trabaho para daw matutukan niya daw kami ni baby.

Tuwing umaga lang ako nalabas sa terrace ng kwarto namin para mag pa araw at pag tapos non ay higa nanaman sa kama. Pakiramdam ko tuloy ay mas lalo akong tumataba.

Sobrang lumakas ang pag kain ko lalo na sa mga pinag lilihian ko. Limang buwan na ang tyan ko kaya lumalaki na ito. Tumataba na din ang hita ang braso ko. Lagi ko iyong nirereklamo kay Luke pero wala daw siyang pake doon. Kahit daw tumaba pa ako ng tumaba ayos lang daw sa kaniya.

Hindi ko naman din pinipigilan ang pag kain ko dahil para sa amin din yon ng anak ko kaya ang sabi ko sa sarili ko'y tsaka nalang ako babawi pag kapanganak ko.

Si Jace at Valentina? Ayun ilang buwan na ding nakakulong. Nang makalabas ako ng ospital agad na pumunta si Luke doon at harapin ang dalawa. Ang sabi sa akin ni Joshua ay halos hindi na daw makabangon si Jace sa sahig dahil sa suntok ni Luke. Hindi na din daw nakapag pigil si Luke at pati si Valentina ay napag buhatan ng kamay.

Hindi ito tumigil hangat hindi naipapakulong ang dalawa.

"Love ano ba. Tangalin mo na nga to. Nasakit na ang mata ko" reklamo ko kay Luke habang naka hawak sa braso nito.

"Shhh, malapit na love. Dahan dahan" naramdaman ko ang pag akyat namin sa isang hagdanan. Hindi naman iyon mataas dahil tatlong step lang iyon bago kami tumigil.

Narinig ko may binuksan siyang pinto bago ulit ako alalayan mag lakad. Hindi na nag tagal at tumigil nanaman kami. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hanggin kaya sa tingin ko'y nasa labas kami.

"One, Two" sabay nang pag bilang niya ng tatlo ay tangal din ng takip sa mata ko.

Natulala ako ng makita nasa likuran kami ng isang bahay.

Kaninong bahay to?

Madaming nag kalat na mga petal ng rosas at kandila doon. Madaming mga nakasabit na ilaw at maganda iyong tignan dahil lumubog na din ang araw. May isang napaka laking projector na nasa harapan ko. Nagulat ako ng biglang mag bukas yon at mag play.



What would I do without your smart.
mouth?

Drawing me in, and you kicking me out

You got my head spinning, no kidding, I can't pin you down

What's going on in that beautiful mind?

I'm on your magical mystery ride

And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright




Parang nanlambot ang mga tuhod ko ng makitang puro picture namin iyon mula sa iba't ibang lugar na pinuntahan namin. Beach, Road trips, Dates, Shopping at noong pumunta kami sa hong kong noong birthday niya.



My head's underwater

But I'm breathing fine

You're crazy and I'm out of my mind



Nanatili akong nakatayo doon pinapanood ang pinapalabas sa projector. Hindi ko na napigilan pa at tuluyan nag bagsakan ang luha sa mata ko.


My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon