Chapter 14

119K 2K 486
                                    



Chapter 14
Sunog


"Ah!" daing ni Jessy ng maramdaman ang hapdi ng pag kababae. Pag mulat ng mata niya nakita niyang nakahiga na siya sa sofa bed ng opisina. Nilingon niya ang lalaking katabi niya na tulog na tulog padin.

Hindi ba naman ako tigilan. Pag tapos sa lamesa, dinala ako sa banyo at umisa pa sa kama.

Dahan dahan siyang naupo mula sa pag kakahiga para hindi magising ang nobyo at para na din hindi sumakit sa ibaba niya. Kinuha niya ang telepono niyang nasa side table. Shit! Mag aalas otso na pala?

Napa kunot ang noo niya ng makitang ang daming text messages at missed calls galing sa Papa niya at kay Joshua.

Maaga pa naman ah? Bakit ang daming missed calls?

i di-dial palang sana niya ang number ni Alfredo ng tumawag na iyon. Mabilis niyang inayos ang upo at tsaka sinagot.

"Jessy! Where are you? Kanina pa kami tumatawag hindi ka sumasagot" parang nag papanic na ani ng Papa niya.

Sa lumipas ng mga linggo hindi pa alam ng Papa niya na kay Luke siya nag tatrabaho. Ineexpect niya nga na pag uwi niya sa bahay nila noong first day niya bilang secretary ay malalaman na ng tatay niya pero nakalimutan din palang bangitin ng nanay niya. Mas maagang umaalis papunta trabaho si Alfredo kaya hindi niya nakikitang umalis si Jessy.

"Sorry Pa hindi ko po nasagot. Bakit po?"

"Nasunog ang bahay natin. Nasa ospital kami"

"Ho? Anong nangyari Pa? Ok lang ba kayo?" nag panic na si Jessy at tumayo sa kama. Hindi na ininda pa ang sakit ng pag kababae niya.

Si Luke naman ay naalipungatan sa pag lakas ng boses ng nobya pati nadin sa pag galaw ng kama. Pupungas pa ang mata niya pero naupo na mula sa pag kakahiga, Pinapanood si Jessy na nag bibihis habang kausap ang ama.

"Opo Pa, Papunta na po ako dyan" Ibinaba niya ang tawag at mabilis isinuot ang skirt niya.

"Hey, What happening Baby?" malambing na tanong ni Luke at tsaka tumayo na din sa kama. Pinulot ang mga nag kalat na damit at isinuot.

Hindi sumagot si Jessy dahil sa sobrang pag pa-panic. Tuloy lang ito sa pag aayos ng sarili at nag babadya na ang luha.

"Baby? What happened huh?" yumakap ito sa likod ng dalaga ng maisuot na ang damit niya.

Nang maramdaman ni Jessy ang yakap ng kasintahan tuluyan ng bumagsak ang luha niya. Humarap siya kay Luke at yumakap dito.

"Shh...Calm down Baby. Tell me what happened" bulong nito at pinatakan ng maliliit na halik ang noo ni Jessy.

"N-Nasa ospital sila Papa. Nasunog daw ang bahay hindi ko alam kung anong kalagayan nila" hagulgol nito

"Ok calm down Baby. Pupunta tayo" tinuloy niya ang pag haplos sa likod hanggang sa tumahan na ito. Pinunasan niya ang pisnge gamit ang hintuturo at tsaka inayos ang sarili para makaalis na sila.

"Let's go" Hinawakan ni Luke ang kamay ng nobya at hinila papalabas ng opisina. Inaasahan na nilang wala ng tao doon bukod sa guard dahil nga alas otso na ng gabi.

Wala sa sariling nag lalakad lang si Jessy hanggang sa makarating sa kotse ni Luke. Pinag buksan siya ng pinto nito at pumasok naman siya sa loob. Umikot ang lalaki sa driver's seat at tsaka nag drive papaalis.

Buong byaheng hindi mapakali si Jessy. Wala siyang tigil sa pag lalaro sa daliri habang nakatingin sa labas ng bintana. Mukhang napansin iyon ni Luke at hinawakan ang isang kamay nito. Inilapit sa labi at hinalikan ang likod ng palad.

"They're gonna be fine. Don't worry"

Tumango tango nalang ang babae at tsaka huminga ng malalim para mabawasan ang kabang nararamdaman. They're gonna be fine.





"Josh!" Tawag ni Jessy sa kapatid na nakaupo sa waiting area.

"Ate" tumayo siya sa pag kakaupo at madaling lumapit sa ate niya.

"What happened? Nasan sila Mama?"

"Eh kasi nasa labas kami ni Papa, Nag kayayaan kasi kaming mag linis ng kotse tapos bigla nalang namin nadinig ang sigaw ni Mama. Pag pasok namin malaki na ang apoy at nahihirapan ng huminga si Mama. Nailabas namin siya sa bahay pero nawalan na siya ng malay" kinakabahang explain ni Joshua.

"Jessy" sabay sabay sila napalingon kay Alfredo na nag lalakad papalapit sa kanila.

"Saan ka b- Luke?" kumunot ang noo ni Alfredo ng makita ang kaibigan niya na nasa likod ng babae niyang anak.

"What are you doing here?"

Nang hindi sumagot si Luke kay Jessy niya ibinaling ang tingin at tinuro si Luke na parang tinatanong kung bakit naandon ito.

"Ahh Pa, Hindi po pala nabangit ni Mama sainyo. Sa conpanya po ni Luke ako nag tatrabaho" napakagat labi siya.

"Trabaho? Luke?" mahina itong natawa na parang hindi pinaniniwalaan ang sinabi ng anak. "Bakit mag kasama pa kayo ng ganito oras? Dala mo ang kotse mo hindi ba? Bakit mag kasama kayo?" strikto nitong tanong.

"She's my girlfriend" si Luke sabay akbay kay Jessy na ikinagulat nilang lahat.

Mas lalong nag salubong ang kilay ng tatay ni Jessy.

"Ano? Tarantado ka ba?" parang susugudin ni Alfredo si Luke kaya dali dali itong nilapitan ni Jessy para pigilan.

"Pa"

"What? Totoo ba ang sina sabi nitong mokong na to? Boyfriend mo siya?"

Madiing pinag dikit ni Jessy ang labi at tsaka tumango tango. Ang tatay naman niya ay napa buntong hininga at napahilot sa sintido.

"Go. Pumasok na kayo nasa loob ang Mama niyo. Kakausapin ko lang tong mokong na to" tinuro ng tatay ni Jessy ang kwarto sa likod nila.

"Pa, Wag niyong sasaktan si Luke" bulong ni Jessy na sila lang mag ama ang nakakarinig.

"He! Pasok doon. Ikaw bata ka" Kahit papaano'y nabawasan ang kaba ni Jessy at napangiti. Alam niyang nakikipag lokohan nalang ang papa niya.

Sinulyapan niya si Luke bago sila pumasok ng kwarto. Nginitian niya ito at sinagot naman siya nito ng tango.

"Let's go" inakbayan niya si Joshua at ngingiti ngiting pumasok.


FOLLOW,COMMENT&VOTE

ADVANCE HAPPY NEW YEAR!!!!

ADVANCE HAPPY NEW YEAR!!!!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon