Chapter 24

91.6K 1.8K 312
                                    




Chapter 24
Carbonara

"Oh ano nanamang iniiyak iyak mo dyan ate? Lagi ka nalang umiiyak ayaw mo namang sabihin sakin kung bakit. Nag tataka na nga sila Papa bakit bihira ka daw lumabas" Nakasilip si Joshua sa pintuan ng kwarto ko.

"Shut up Josh! Huhuhu gusto ko ng carbonara ni Manang" kumaha pa ako ng kumuha ng tissue para punasan ang luha.

"Sakto merong carbonara sa baba ate. Luto ni Mommy, gusto mo?"

"No! Gusto ko yung kay Manang Rina." para akong batang nag tatantrums sa kama.

Hindi ko ba alam. Basta pag gising ko kanina mula sa idlip ko ay nakaramdam ako ng gustom at nag crave sa carbonara ni Manang.

"Ang weird mo. Bahala ka nga dyan"

Napairap ako sa hangin ng isarado ni Josh ang pintuan. Nakakainis! Gusto ko talaga ng carbonara ni Manang rina pero parang ayoko naman pumunta doon.

It's been almost a month simula noong malaman ko ang tungkol kay Nathalia. Sumama ako Luke noon pabalik dito pero hindi ako sa bahay niya tumuloy. I stayed in my condo for one week pag katapos ay umuwi ako dito kila Mama.

Alam kong nag tataka na din silang lahat kung bakit bibihira akong lumabas pero hindi sila nag tatanong ng kahit ano. About peachy, She's in coma. I heard na dinala siya sa ospital at napag alaman nilang may sakit ito sa puso. Dinala siya ng magulang niya sa ibang bansa upang doon ipagamot. Nalulungkot ako na hindi ko man lang siya nabisita muna pero sa kabilang banda ay maayos na din iyong maaga silang umalis para maagang maagapan si Peachy.

Luke? I don't know. Noong araw din na ihatid niya ako sa condo ko ay umalis na siya papunta switzerland land kasama si Nathalia. Ni isang text or call...wala. Kaya hindi ko alam kung anong nangyayari sakaniya.

Umupo ako sa kama ng marinig na may kumatok sa pinto.

"Pasok"

Bumukas yon at pumasok si Josh na may dala dalang tray. Carbonara, Bread and juice. Parang nag tubig ang bagang ko ng makita iyon.

"Oh akala ko ba weird ako?" pinag krus ko ang braso ko na kunyari'y sinusungitan siya.

"Alam ko namang nag iinarte ka lang ate. Tamad ka lang noh" nakabusangot ang mukha niya pero maingat na ibinaba sa kama ang tray.

Napangiti ako at hinila agad ito ng yakap.

"Sabi na mahal na mahal mo talaga ako eh" pinugpog ko ng halik sa pisnge niya. Yes lagi kaming nag aasaran pero lagi pading sweet sa isa't isa.

"Yuck! Yuck ate ano ba! Kadiri to. Kumain ka na nga lang" salubong ang kilay at pinupunasan ang pisnge.

"Arte." Tumawa ako pero napailing iling nalang siya. "Thank you Josh"

Bumuntong hininga siya at sumeryoso na din.

"I'm here ate"

Parang hinaplos ang puso ko sa boses niya. Hinila ko siya papaupo at yumakap ng pag kahigpit higpit. Agad niya iyong tinugon at hinimas ang likod ko.

"It's ok ate...We're here" bulong ng kapatid ko sabay halik sa noo ko kaya tuluyan nanaman bumagsak ang mga luha sa mata ko.

Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa ako na ang lumayo at nag punas ng luha ko.

"Hmm tama na nga. Nag da-drama pa tayo dito, hindi bagay noh" natatawa kong sabi kaya napatawa din siya.

"Amina nga titikman ko na. Mukhang masarap din ang luto" inilapit nito sa akin ang tray at naamoy ko agad ang masarap nitong amoy.

Yum!

Kinuha ko ang tinidor at kumuha ng kaonting pasta para tikman pero kakalapat lang non sa dila ko ay agad ko ding nailuwa.

"Pwe" napapunas ako sa dila ko sa sobrang sama ng lasa non. Parang bulok.

"Oh?" gulat na ani ni Joshua.

"Ano ba yan? Parang panis na"

"Huh? Eh kakakain ko lang din niyan. Baka naman bibig mo yon ate, di ka pa nag to-toothbru-"

"Gago! Hindi iba talaga"

Sinubukan ko ulit itong lasahan pero sa pag kakataong itong mas pumanget na ang lasa non. Dali dali akong tumayo ng kama at tumakbo sa banyo.

"Ano ba nangyayari sayo ate?" nag aalala na nitong tanong ng sundan ako sa baniyo. Naka hawak ako sa lababo at dumuduwal. Ang pangit talaga ng lasa!

"Ayoko talaga. Ang panget ng lasa" nag mumog ako ng bibig at nag punas sa tumawalya bago ayusin ang sarili at harapin ang kapatid ko.

Napakamot si Josh sa ulo at tsaka ako tinalikuran papalabas ng kwarto.

Hindi ko na kaya. Gustong gusto ko na talaga ng carbonara ni Manang.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas ng kwarto. Pag baba ko ay saktong kakatapos lang palang kumain nila Mama.

"Oh saan ka papunta. Ang sabi ng kapatid mo'y hindi mo daw nagustuhan ang niluto ko at isinuka mo daw" halata sa mata ni Mama ang pag aalala. Madaldal talaga tong si Josh.

"Uhmm..May pupuntahan lang po. Babalik din agad ako" hindi ko na inantay ang sagot nila at nag mamadaling lumabas.





"Maam Jessy?" gulat na tanong ni Mang Omar ng makita ang kotse ko sa tapat ng bahay ni Luke.

"Hi Manong. Nandyan po ba si Manang?" nakangiti at masigla kong tanong.

"O-Oho Maam. Pasok ho kayo" pinag buksan niya ako ng gate at pinatuloy sa bahay.

Naabutan ko si Manang Rina na nag liligpit sa kusina.

"Manang!" masaya kong tawag.

"Ay kabayo!" naibato nito ang hawak na pamunas at napahawak sa dibdib tsaka ako nilingon.

"Jessy? Ay jusko kang bata ka! Aatakihin ako sayo eh" iniwan nito ang nililigpit at nilapitan ako. Sinalubong ko din siya ng yakap.

"Nako namiss kitang bata ka. Ayos ka lang ba? Buti at pumunta ka dito. Wag kang mag aalala, Wala siya dito"

"Alam ko hong wala si Luke dito manang."

"Oh eh bakita ka naparito?"

Nag tubig nanaman ang bagang ko ng maalala ang carbonara. Lumayo ako sa yakap at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Manang..." malambing kong tawag. "Pwede po bang mag paluto ng carbonara? Gusto ko po kasi yung luto niyo" nginusuan ko pa siya.

"Carbonara?" kunot noo niyang tanong. Tinanguan ko si Manang.

"Oo naman. O hala sige na umupo ka na muna at lulutuin ko na ha"

"Yes! Thank you talaga manang, you're the best"

Napatawa si Manang at napailing iling bago ako tinalukran at pumunta sa ref para mag hanap ng mga ingredients.

Excited na ako!


FOLLOW,COMMENT&VOTE
100k reads! Thank you so much loves☺️🤍

FOLLOW,COMMENT&VOTE100k reads! Thank you so much loves☺️🤍

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon