Special Chapter

80.5K 1.9K 559
                                    



Special Chapter
Layla

"Wag kang magulo! Baka magising ang bata" pabulong kong sigaw kay Luke.

Naka upo kami sa tabi ng kama at inaantay magising ang aming anak. Si Layla. It's her 5th birthday today kaya siguradong magiging masaya ang araw na to.

Kamukhang kamukha din ni Layla si Luke. Simula sa kulay ng buhok, mata, labi. Pero hindi ang ilong. Kuhang kuha ng tangos ng ilong niya ang tangos ng ilong ni Haze. Noong una nga'y inis na inis si Luke kay Haze pero ng makita na niya ang anak namin, napawi lahat yon dahil magka mukhang magka mukha silang dalawa.

"Luke! Isa" kiliting kiliti kasi ako sa pag halik halik niya sa leeg ko. Ipinasok pa ang kamay sa loob ng suot ko tshirt at hinihimas ang dibdib ko.

"Mama? Dada?"

Automatikong hinugot ni Luke ang kamay niya sa tshirt ko at bahagyang lumayo ng marinig ang boses ng anak namin. Naka upo na ito ay pupungas pungas na nakatingin sa amin.

"Goodmorning baby ko." mas nilapit ko siya. "Happy birthday"

Agad siyang napangiti at yumakap sa bewang ko.

"Thank you Mama ko. I love you po"

Awww ang sweet sweet talaga ng baby namin.

"I love you too anak" hinalikan ko siya sa noo at pisnge tsaka mas hinigpitan ang pag kakayakap.

Maya maya pa lumapit narin sa tabi namin si Luke.

Lumayo ako sa pag kakayakap kay Layla para malapitan siya ng ama.

"Mwuaaa" matunog na hinalikan ni Luke ang anak namin sa pisnge na ikinatawa naman nito.

"Happy birthday my princess. I love you so much" pinugpog niya ito ng halik sa buong mukha at kiniliti sa kili kili.

"Hihihi Dada! Dada!" Kiliting kiliti nitong tinutulak papalayo sa tatay niya.

Tatawa tawang tinigilan ni Luke ang pangingiliti at niyakap ang anak.

"I love you to Dada ko"

Napanginit si Luke at hinila din ako papalapit sa yakapan ng dalawa.

Ang sarap sarap gumising ng ganto tuwing umaga. May sariling kwarto naman si Layla pero mas madalas siyang matulog dito sa amin. Laging nakasiksik sa gitna kaya hindi gabi gabi nakaka score si Luke.

Pag talagang hindi mapigilan, inaantay pa naming makatulog ng mahimbing si Layla bago ilipat sa kwarto niya. Mabilis kasi itong magising kaya kailangang tulog na tulog bago buhatin. Pag gising naman sa umaga nagagalit ito sa amin dahil inililipat siya.

"Let's go. Ligo na nak. Maya maya dadating na ang mga bisita mo" inayos ko ang nag kalat nitong buhok.

Inimbita namin lahat ng kamag anak at lahat ng kaklase ni Layla. Kindergarden 2 na siya at sobrang dami na agad nitong kaibigan. Araw araw niyang kwinekwento kung anong ginagawa nila sa eskwelahan pati ang pakikipag laro.

Pero sa lahat ng kaibigan niya ang pinaka close niya ay si Harvey. Ang limang taon ding anak ni Haze.

Walang nag akalang magiging mag ka edad ang mga anak namin. Noong mga oras na pinag lilihian ko siya, he had a one night stand with his ex girlfriend. Months later tsaka niya lang nalaman na nabuntis pala niya ito. Of course pinagutan niya ang mag ina niya and now tatlong taon na silang kasal at masaya kasama ng anak nila.

My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon