Chapter 15

114K 2.2K 962
                                    



Chapter 15
House

"You ok? May ginawa ba si Papa sayo?" nag aalalang tanong ni Jessy kay Luke. Nakaupo sila sa sofa sa loob ng kwarto ng nanay ni Jessy.

"No, Don't worry Baby. Nanakot lang si Alfredo" tatawa tawa nitomg sabi.

Sumandal si Jessy sa upuan at si Luke ay naka akbay dito. Si Alfredo at Joshua'y nakaupo sa mag kabilang side ni Emma.

"Saan nga pala kayo tutuloy? Hindi pwe-pwedeng sa bahay, ipagawa muna natin iyon." ang nanay nila.

"Kila lola nalang ako Ma" si Joshua.

"Sa bahay ko nalang si Jessy" singit ni Luke kaya nilingon siya ng lahat.

"No way. Alam kong nasa isip ko Villega. Tangina ka." inis na sabi ni Alfredo pero tinawanan lang siya ng kaibigan. "Jessy sasama ka kay Joshua. Doon muna kayo sa lola't lolo ninyo"

"Pero Pa, Iisa lang po ang guest room sa bahay nila Lola" si Joshua

"Oh eh ano? Edi mag tabi kayo ng Ate mo"

"Ayoko. Ang likot likot matulog niyang si Ate eh" nakakunot ang mukha ni Joshua na parang naiinis pero ng hindi makatingin ang magulang nila bigla niyang kinindatan ang Ate niya. Napangiti naman si Jessy sa binabalak ng kapatid.

"Hoy anong ako? Ikaw kaya ang malikot. Pa, ayokong katabi yan noh" kunyari'y inis din siya.

"Oh siya, siya tama na ang iingay ninyo. Sumama ka na kay Luke. Baka mamaya'y maingayan lang sa inyo ang mga lola niyo. Mag aaway lang kayong mag kapatid doon" pag bibigay ng nanay nila kaya lihim na napangiti ang mag kapatid. Gumana!

"Mahal, Alam kong nasa isip niyang si Villega. Ang anak natin" reklamo ni Alfredo sa asawa at hinawakan pa ito sa kamay.

"He! Tumigil ka nga Alfredo. Dalwampu't pitong taon ng yang anak mo. Nasa tamang edad na iyan" singhal niya sa asawa

Para namang batang napagalitan si Alfredo at pumirme lang sa tabi ng asawa pero pinanglilisikan ng mata nito ang kaibigan.

"Sige na anak umuwi na kayo. Gabi na" sabi ng ina nila kay Joshua at tsaka tumingin kila Jessy. "Isabay niyo na itong kapatid mo. Luke ikaw ng bahala dyan"

"Yes, Wag kayong mag aalala ako ng bahala. Iingatan ko sila" sagot ni Luke

"Ingatan mo talaga at pag may nangyari sa mga anak ko ikaw ang mag ingat sakin" pananakot nanaman ni Alfredo pero tuld kanina tinawanan lang siya nito.

Inalalayan niyang makatayo si Jessy at tsaka sila sabay sabay na lumabas ng kwarto. Dumaretsyo sila aa parking ng nakasunod si Joshua sa kanila. Pinag buksan siya ng pinto ni Luke at ang kapatid ay sa back seat umupo.

"Josh wag kang makulit kila Lola ha. Wag maingay maaga silang matulog" paalala nito habang nasa byahe sila. Sanay kasi si Josh na umaga na natutulog dahil sa kakanood at kakalaro ng online games.

"Alam ko yon Ate"

Napabuntong hininga nalang si Jessy sa katigasan ng ulo ng kapatid. Ilang beses na itong pinag sasabihan ng magulang nila na itigil ang late na pag tulog pero wala, kahit samsamin ang cellphone nakakagawa ng paraan para makuha muli.

"Ayan yung white house" turo ni Jessy kay Luke ng matanaw na ang bahay ng lolo't lola nila. Itinigil ni Luke ang kotse sa harap non.

"Josh" tawag ni Jessy ng baba na ang kapatid.

My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon