Chapter 1

121K 2K 229
                                    

“Where have you been? Anong oras na, Aziel? Kanina pa kita hinihintay.” Salubong ko sa aking asawa tuluyan na itong makapasok sa aming bahay.

Ngunit imbis na sagutin ay tanging tamad na tingin lamang ang ibinigay nito sa akin bago magpatuloy sa paglalakad patungo sa aming kwarto. Mas lalong uminit ang ulo ko dahil doon at hindi makapaniwalang sinundan siya ng tingin.

“Aziel!” muling nanggagalaiting sigaw ko bago sumunod sa kaniya gamit ang mabibigat na hakbang.

Hanggang sa makarating sa aming silid ay nanatili siyang walang kibo. Pinanood ko siyang hubarin ang suot niyang puting long sleeves pati na rin ang kaniyang grey na slacks at black shoes. Basta na lamang niya iyong inihagis kung saan bago tumalon padapa sa kama.

“Aziel, ano ba? Saan ka ba galing? Hindi mo man lang ba ako kakausapin?” pangungulit ko pa.

I frustratedly ran my fingers through the black and shiny hair of mine. Gusto kong ihilamos ang sariling palad sa aking mukha dahil sa ginagawa niya’y mas lalo namang akong nagmumukhang tanga. Para akong isang anino o kaluluwa na kahit anong gawin at sabihin ay hindi niya pinapansin o pinakapakinggan.

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga, naghahanda sa muling pagtawag ng pangalan niya, ngunit bago pa iyon mangyari ay narinig ko na ang mahina niyang pag-ungol at pagbangon sa kama.

Mariin at matalim ang titig na ibinigay niya sa ’kin. “For fuck’s sake, Chantria! Can’t you please shut your mouth even just for once? Pagod ako at gusto ko nang magpahinga!”

“P-Pero–” Hindi ko pa man tuluyang natatapos ang mga salita ay mabilis na niyang pinutol iyon.

“Stop asking. Magpahinga ka na rin. . . o kung ayaw mo, hayaan mo akong magpahinga.” Umigting ang kaniyang panga, senyales na nagpipigil lamang ito ng galit.

Akmang babalik na muli siya sa pagkakahiga nang magsalita ako. “Gano’n ba talaga kahirap na sagutin ang tanong ko, Aziel? Baka nakakalimutan mo, asawa mo ako. I have the right to know your whereabouts,”

Natigil siya samantalang ako nama’y nanatili ang malamig na titig sa kaniya. Pilit na itinatago ang panginginig ng buong sistema. Umawang ang kaniyang labi, napakurap-kurap, ngunit kapagkuwan ay pagak na natawa.

“Chantria, baka nakakalimutan mo rin na sa papel lang tayo kasal at mag-asawa. . .” he trailed off and gave me a tiny yet mocking smile. “At huwag mo na akong pilitin pang sagutin ang tanong mo dahil tinitiyak kong sa huli, ikaw lang din ang masasaktan. . .”

“Let’s just say that I am just saving you from distress. So now, can you please do me the fucking favor? Shut your mouth and leave my room,” he muttered harshly before finally letting himself doze off to sleep.

Matagal akong natuod sa kinatatayuan bago tuluyang lumabas ng kaniyang silid. Oo, sa kaniya lamang iyon dahil mayroon siyang sariling kwartong inilaan sa akin. Aniya’y ni ayaw nga niya akong makita o makasama tapos tatabihan pa niya ako sa kama?

Nang makarating sa sarili kong kwarto ay nanghihina akong umupo sa sofa. Lumilipad ang aking isip habang nakatitig sa puting dingding. Parang sirang plaka na paulit-ulit sa aking isipan ang mga katagang binitawan niya.

It has been three years since we married each other, but still there’s no progress. Akala ko noong una ay magiging madali lamang paamuhin ang kagaya niya. Akala ko noong una ay magiging madali ang lahat dahil mahal ko siya.  . . pero hindi pala. Dahil habang tumatagal, mas lalo lamang niyang ipinapamukha na kahit kailan ay hindi niya ako matatanggap bilang asawa niya. Na tanging sa mata ng Diyos at sa batas lamang ang lahat may bisa.

“Kasalanan mo ’to, Daddy,” bulong ko sa sarili at mapait na natawa.

Kung hindi lang sana siya gahaman at sakim sa kapangyarihan at pera, kung hindi lamang siya maagang nawala, at kung pinag-isipan niya lang sanang mabuti ang mga desisyon niya, eh ’di sana wala rin ako sa ganitong sitwasyon.

Hindi naman lingid sa kaalaman niya na hindi pa man kami ikinakasal na dalawa ay minahal ko na talaga siya. At kahit nasasaktan na ako at kung minsan ay naiisipan ko na ring kumawala. . .  hindi na maaari dahil magmula nang makilala ko siya ay doon na rin natapos ang aking pagiging malaya.

Bakit?

Dahil bilang pambayad sa napakalaking utang ng aking ama sa kanilang pamilya, doon ay niyakap at tinanggap ko na ang katotohanang sa kaniya ako inilaan at iginapos ng tadhana.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon