Chapter 48

37.9K 962 411
                                    

"There were so many things happened while you're gone... but hanggang dito lang ang puwede kong sabihin sa 'yo. Actually, this is not my story to tell nga, eh, pero I just couldn't help myself." She sipped on her coffee and placed it again on the table elegantly. "Kapag nakikita kitang masaya, kumukulo ang dugo ko sa 'yo kasi how the fuck can you peacefully sleep at night knowing that are so many persons longing for you?" tuloy-tuloy na litanya niya.

"Anne–" I was about to speak when her phone rang.

"I'll just take this call." She excused herself and went outside.

I heaved a heavy sigh as I followed her with my weary gaze. Hindi rin iyon nagtagal at muli kong ibinaling ang tingin sa lamesang nasa aking harapan. Napatulala na lang ako r'on habang ina-absorb ang mga nalaman ko sa kaniya.

"I have an emergency. I need to go," wika ni Anne nang makabalik at dinampot niya ang bag na nasa kaniyang upuan.

Awang ang labi ko siyang tiningala at kapagkuwan ay tumayo na rin. "O-Okay."

She gave me a tiny smile. "Thanks for your time. Let's just see each other at work."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tumango. "S-Sige, ingat ka."

Hindi na niya ako sinagot at dali-dali siyang naglakad patungo sa exit ng coffee shop, pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay tinawag ko siya ulit at mabilis naman niya akong nilingon.

"Yes?" She raised her brows at me.

I cleared my throat as I stared at her meaningfully. "Please don't tell Aziel where I am..." mababakas ang pagmamakaawa sa aking boses.

Matagal niya akong tinitigan. Kung uutusan niya akong lumuhod ngayon sa harapan niya, walang pagdadalawalang isip na gagawin ko. Kahit anong iutos niya, susundin ko.

Bahagya siyang natawa at nagkibit balikat. "Hindi ko maipapangako."

Iyon ang huling kataga niya bago tuluyang tumalikod at maglakad palayo. Bagsak ang balikat kong pinagmasdan ang papalayo niyang bulto. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, nanghihina akong bumalik sa pagkakaupo at inihilamos ang parehong palad sa aking mukha.

Hindi ko maproseso nang maayos ang lahat ng nalaman ko kay Anne. May parte sa aking gustong paniwalaan siya, ngunit mas malaking bahagi ang nagsasabi na may punto ang lahat ng sinasabi niya.

Naiwan akong tulala at lumilipad ang isip matapos ng pag-uusap naming dalawa. Hindi na malinaw sa akin kung paano ako nakalabas ng coffee shop at nakauwi sa bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa pinto ay agad na akong sinalubong ni Asher na mayroong malawak na ngiti sa labi habang nakatingala sa akin at nakalahad ang maliit niyang palad.

"Mimi! Pasayubong!" Tumalon-talon pa siya sa sobrang pagka-excited kaya bigla akong dinapuan ng pagka-guilty.

Shit! I forgot! Nangako nga pala ako sa kaniya.

I lowered myself, caressed his fluffy cheeks and forced a smile. "I'm sorry, baby. H-Hindi nakabili si Mimi."

His smile fell and his excitement vanished, but then, he still managed to nod his head slowly. "Oki lang. Ashy understands Mimi Ganda." Nagthumbs-up pa siya sa akin at muling ngumiti.

Bahagyang nabawasan ang bigat ng aking nararamdaman habang pinagmamasadan ang aking anak. Nagbago ang buhay ko nang dumating siya. Sa lahat ng mali, siya lang ang bukod tanging tama. Dahil sa kaniya, nagkaroon ako ng dahilang bumangon mula sa matinding pagkakadapa... pero tama si Anne, siguro nga napakamakasarili ng desisyon kong ito. Siguro nga sarili at kapakanan ko lang ang iniisip ko.

"Mimi Ganda?" I went back to my reverie when I heard Asher's tiny voice. Kanina pa pala ako nakatulala sa kaniya nang hindi ko namamalayan.

Tumikhim ako at tumuwid ng pagkakatayo. "Sorry, baby. Kumain ka na ba? Sabay na tayo?" Pilit akong ngumiti at inilahad ang palad sa kaniya.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon