Chapter 42

40K 931 292
                                    

I felt betrayed. I felt fucking betrayed for the second time around.

Maraming tanong na gumugulo sa aking isipan pero hindi ako handa sa maaaring maging paliwanag niya. Pilit kong pinipigilan ang pagpupumiglas ng mga masasakit na salita. Gustuhin ko mang lumuha, pakiramdam ko'y hindi ko na magagawa pa.

Ubos na ubos na. Sagad na sagad na. Pagod na pagod na. Gusto ko na lang maglaho na parang bula at kailanman ay hindi na magpakita.

Kahit na nanginginig ang aking sistema, pinilit ko pa ring tumayo at maglakad pabalik sa kwarto kung nasaan ang mga gamit ko.

Sa totoo lang ay blangko ang aking isip sa mga oras na ito pero isang bagay lang ang malinaw sa akin, ayaw ko nang makita pa si Aziel o manatili pa rito.

Mabilis kong dinampot ang aking maleta at sinikop lahat ng gamit sa loob niyon. Wala na akong panahon para ayusin pa dahil alam kong anumang oras ay dadating na si Aziel.

Hindi ko na nadala pa ang ilang gamit. Mabuti na lang ay may pera rin akong inipon kaya hindi ko na kailangan pang problemahin kung paano ako makakaalis sa lintik na pamamahay na ito.

Mabuti na lang ay abala si Manang Yeta sa ginagawa sa kusina at wala ring bantay sa labas ng mansion kaya hindi naging mahirap sa akin ang pag-alis.

Isang hakbang palabas ng bahay ay tumigil ako at mariing ipinikit ang mga mata. Tila mayroong pumipigil sa akin sa desisyon kong ito. Parang sirang-plaka na rumirehistro sa aking isip ang nasasaktan at nagmamakaawang mukha ni Aziel...

"Tangina naman, Chantria. Huwag kang maaawa. Huwag kang bibigay. Matuto ka na," pagkumbinsi ko sa aking sarili at sapilitang inihakbang ang aking mga paa palayo.

Ayaw kong umalis. Gusto ko ng kumpletong pamilya para sa aming dalawa pero paano naman ako?

Paano naman ako na matapos buuin ulit ang tiwala, muli na naman akong ginago?

Paano naman ako na pinaniwala na may karapatan ako sa kaniya na siyang buong buhay na pinanghahawakan ko?

Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na may naligaw na taxi sa loob ng subdivision. Pinara ko iyon at agad na pumasok sa loob.

"Saan po tayo, Ma'am?" tanong ng driver mula sa rear mirror.

Natigilan ako't napaisip sandali kung saan nga ba ako pupunta ngayon.

"Ma'am? Ano? Bumaba na lang po kayo kasi sayang ang oras–"

"Sa terminal ng bus, Kuya. Kahit saan basta terminal."

May pag-aalangan niya akong tiningnan sa salamin kaya nagtiim bagang ako.

"May pambayad ho ako. Huwag kayong mag-alala," paninigurado ko pa kaya naman napakamot na lang siya sa ulo.

Abot-langit ang tahip ng aking puso nang makasalubong pa namin ang kotse ni Aziel na papasok ng subdivision. Yumuko ako at pilit na itinago ang sarili sa lapag ng taxi dahil hindi tinted ang sasakyan.

"Okay ka lang ba, Ma'am?" Nilingon ako ng driver.

Dinig ko ang pagbusina ni Aziel pati na rin ang masayang pagbati niya sa security guard.

Shit!

Tumatagaktak ang pawis sa aking noo dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Sinenyasan ko siyang magpatuloy sa pagmamaneho.

"Bilisan mo na lang po, Kuya, please..." pakiusap ko at laking pasasalamat ko nang sundin niya iyon. Hindi na nagtanong pa.

Ilang minuto rin ang itinagal ng biyahe bago narating ang terminal. Nagmamadali akong bumaba dala-dala ang aking maleta. Kumuha ako ng tatlong libo sa wallet at inabot iyon sa driver.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon