Chapter 34

53.5K 1.1K 338
                                    

Nilagok ko nang nilagok ang mga alak sa lamesa habang patuloy sa pagpe-perform sa unahan sina Aziel. May ilan pa akong nakitang mga babaeng palihim silang kinukuhanan ng video at kulang na lamang ay tumulo ang laway habang pinagmamasdan ang dalawang lalaking nasa unahan.

Dahil doon ay mas lalong kumulo ang aking dugo. Padabog kong kinuha sa lamesa ang mismong bote ng alak at dire-diretsong ininom iyon. Naaligaga si Louie at mabilis na tumayo sa kinauupuan para agawin sana sa akin iyon pero bago pa man siya tuluyang makalapit sa akin ay biglang sumuka si Ate Chantal sa kaniyang damit.

"Wow, fuck it!" he frustratedly cursed under his breath. Mariin niyang ipinikit ang mga mata bago pinasadahan ng tingin ang sarili mula ulo hanggang paa. "Ano ba naman kayong magkapatid! Inom kayo nang inom pero mahihina naman pala kayo!" singhal niya sa amin.

Ate Chantal and I were both in a wasted state. Pareho na kaming lupaypay sa sofa habang si Louie ay aligaga kung sinong uunahan sa aming dalawa.

I groaned when I felt my head throb in extruding pain. Nanghihina at awang ang labi akong sumandal sa sandalan ng upuan nang maramdamang parang hinahalukay ang loob ng aking tiyan.

"Chantria, what's happening to you? Gusto mo tawagin ko na si Aziel?" Louie's concerned gaze darted at me.

I shook my hand to decline his suggestion but it was already too late. Nang ibalik ko ang tingin sa stage ay wala na r'on ang lalaki. Si Dewei na lang ang kumakanta habang ang asawa ko'y papalapit na sa akin. Nakaplaster ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

Nang muli kong maramdaman ang nagbabadyang pagsuka, buong pwersa akong tumayo kahit na umiikot ang paningin. Muntik na akong ma-out of balance ngunit may malalaking bisig ang umalalay sa akin.

"Chantria..." he growled in a low and husky voice.

Dumampi ang mainit niyang hininga sa aking tainga dahilan para manindig ang mga balahibo ko sa katawan. Ngunit dahil dala na rin ng labis na kalasingan, mabilis akong kumaripas ng takbo palabas ng bar. Sa may hindi mataong bahagi, doon ko inilabas ang kanina ko pang pinipigilan sa aking sikmura.

"You're really stubborn," he mouthed. Sinikop niya ang aking buhok para mas malaya kong mailabas lahat. Gamit din ang isang bakanteng kamay ay hinahog-hagod niya ang aking likod.

When I'm done, he helped me stand up and lent me a bottle of water. Hindi ko naman iyon tinanggihan dahil nanunuyo na rin ang aking lalamunan.

"I'll take you back in your cabin–"

I cut him off. "Kaya ko na ang sarili ko!" Agad akong kumalas sa hawak niya at pasuray-suray na naglakad.

"Chantria!" he called me using his warning tone.

Imbis na lingunin at matakot, pagak pa akong natawa. Kaya ko. Kaya ko ang sarili ko. Anong tingin mo sa akin, Aziel? Mahina? Hindi kayang tumayo sa sariling paa?

Nanlambot ang aking tuhod at bigla akong natumba sa buhanginan.

Sabi ko nga, hindi ko nga kaya.

"Ang pasaway mo talaga! Gusto mo bang itali kita sa kama, huh?" Tumakbo siya palapit sa akin at walang pagdadalawang-isip na binuhat ako na parang sako.

"Aziel, ibaba mo ako!" tili ko at pilit na kumawag-kawag para makalaya sa kapit niya.

He groaned as if he was losing his patience at me and spanked my butt harshly. "Stop wriggling, wife. Baka mahulog ka," he said irritatedly.

Marahan lamang ang lakad niya. Hindi nagmamadali at tila ba sinusulit lamang ang bawat segundo. Malakas ang pagtambol ng aking dibdib, hindi mawari kung dahil ba iyon sa kaba o mayroon pang iba.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon