Chapter 54

46.4K 959 578
                                    

I mean no harm with what I have said to him, but when I saw how pain crossed through his eyes, I felt a sudden guilt inside my chest. Alam kong mali ako sa parteng iyon kaya naman agad akong humingi ng tawad sa kaniya. At sa kabutihang palad ay hindi na naging Malala pa at natapos ang gabi na okay kaming dalawa.

Mayroon pa ring awkwardness dahil matagal din ang tatlong taon na hindi ko siya nakita o nakasama. Parang kahit anong pilit niyang pagpapagaan sa sitwasyon ay mayroon pa ring malaking bakod na nakatayo sa pagitan namin ni Aziel. At hindi ko naman ipipilit na bumalik kaagad iyong pagiging komportable ko sa kaniyang presensya.

Kagaya nga ng sinabi ko, everything will takes time. Hindi kailangang biglain. Hindi kailangang pilitin. We've been through a lot. The heartaches and traumas were still here and it couldn't be erase in instant.

Kung mayroon man akong natutuhan sa mga karanasan at pinagdaanan namin ni Aziel ay kapag may mga bagay na minamadali, mas lalong nagkakamali. Kapag ipinipilit, mas lalong masakit. Lahat ng desisyon at salita ay kailangang pag-isipang mabuti dahil hindi mo na ito mababawi.

Ngayon ko lang napagtanto na tama nga ang sinabi sa akin ni Ate Chantal noon na wala sa huli ang pagsisisi. Palagi itong nasa gitna dahil sa huli ay matututo ka.

"Papa, puwede magpabili si Ashy ng new shoes at toys?"

I was back from my reverie when I heard my son's voice whispering to his father. Dikit na dikit ang labi niya sa tainga ng tatay niya para lang hindi ko marinig. Nakaupo kami sa mahabang couch at napaggigitnaan namin ni Aziel si Asher kaya kung ano mang pag-usapan nila ay naririnig ko pa rin.

Day-off ko ngayon sa trabaho at kasalukuyan kaming nasa loob ng hotel room ni Aziel para manood ng movie. Wala sana akong balak na sumama kaso napilit ako ng bata.

I couldn't say no to him. He was difficult to resist.

Aziel smiled sweetly. "Let's ask your mom first."

Bumagsak ang balikat ni Asher at nagpapaawang tumitig sa ama. Saglit kaming nagkatinginan ni Aziel bago ako palihim na umirap. Ayan na naman, kapag hindi nakukuha ang gusto, dadaanin sa pagpapacute!

"Paano po kung hindi pumayag si Mimi Ganda?" nakanguso niyang tanong.

"Then, hindi kita puwedeng ibili. Susundin natin kung anong desisyon niya," Ziel answered in a low and calm voice.

My lips puckered as I turned back my attention on the movie. Nagpanggap akong nanonood kahit sa totoo lang ay hindi ko na maintindihan itong palabas dahil pasimple akong nakikinig sa usapan ng mag-ama.

Tumawa si Asher at nang-aasar na bumulong sa ama. "Takot kay Mimi..."

"Nah..." Aziel shook his head and wet his lips.

Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay. "Nah?"

Natigilan siya at kita ko ang pagdaan ng takot sa kaniyang mga mata. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng tikhim at pagbabalik ng kaniyang atensyon sa anak namin. "Well, partly yes, takot ako kay Mimi. Pero that's just a right thing to do, anak. Isa 'yan sa mga natutuhan ni Papa noong magkahiwalay kami ni Mimi mo. In every thoughts and decisions, always consult to your partner first. It's a sign that you respect them."

"Dami mong sinabi, Papa. Hindi ka naman maintindihan ni Ashy," kamot-ulo at nakangiwing tugon ng anak ko.

Nabura ang ngiti sa labi ni Aziel, hindi alam kung matatawa ba o mapapahiya sa sinabi ng anak. Kinagat ko naman ang aking labi para pigilan ang sariling bumunghalit ng tawa.

Ilang saglit pa'y nagsalita muli ang lalaki. "Basta paglaki mo maiintindihan mo rin si Papa," aniya bilang pagbawi mula sa pagkapahiya.

"Pero matagal pa po 'yon! Super matanda ka na po n'on tapos baka limot ko na!"

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon