Chapter 27

65.6K 1.7K 499
                                    

After watching the presscon, I immediately stormed inside my room. Bigla akong nahiya kay Manang Yeta nang makita niya ako sa gan'ong sitwasyon pero mukhang huli na para itago at itanggi ko pa kung ano ang tunay na estado ng pagsasama naming dalawa ni Aziel.

She was more like a mother-figure to me and to my husband. Sa maikling panahon na pagkakakilala ko sa kaniya, kahit kailan ay hindi ako nakarinig ng masasamang salita o panghuhusga.

Kaya naman nang sundan niya ako sa kwarto at tanungin kung anong problema, hindi na ako nagdalawang-isip pang sabihin ang lahat-lahat sa kaniya. Magmula sa pinakasanga hanggang sa kung anong naging bunga ng lahat ng ito. Sinabi ko rin ang annulment at pati na rin ang balak kong paglayo.

"Nak, huwag mo sanang masamain, ha?" Mas inilapit pa niya ang sarili sa akin at marahang inabot ang buhok ko para suklayin. "Iyong plano mong pag-alis, sang-ayon ako r'on kasi sa tingin ko iyon talaga ang kailangan nyo ni Aziel. Kailangan nyo talagang lumayo muna sa isa't isa para pansamantalang huminga. Hindi madali ang pinagdaanan ninyong dalawa, Chantria. Marami kayong nasabi at nagawa na naging dahilan para mas lalo pa kayong magkasira na hindi kayang ayusin ng matatamis at mabulaklak na salita lang. . ."

"Dapat pareho muna kayong maghilom at makapag-isip kung ano bang dapat gawin tapos kayo magdesisyon. Mahirap magpadalos-dalos. Mag-asawa kayo at hindi palaging hiwalayan ang solusyon sa tuwing may problema," mahabang litanya niya sa akin. "Hindi isang biro ang kasal, anak. Hindi iyan laro na kapag napagod na, basta na lang bibitawan. Hangga't kayang ayusin, ayusin. Pero kung hindi na talaga kayang isalba, tapusin."

"Eh, ano po bang dapat gawin namin, Manang? Because as of this moment, I don't think we could save our marriage anymore. . ." nanghihinang tugon ko.

Bumuntonghininga naman siya at mataman akong tinitigan. "Puwede kayong magpa-marriage counseling kung gusto nyo pang isalba ang pagsasama nyo. Mayroon akong kakilalang therapist na maaaring makatulong sa inyo."

Sandali akong natahimik at pinag-isipang mabuti ang kaniyang sinabi. Marami pa siyang payo na iniwan sa akin hanggang sa sumapit na ang gabi at kinailangan na niyang umuwi.

Aminado akong gumaan ang pakiramdam ko matapos makausap ang matanda pero kahit na gan'on ay wala pa rin akong planong baguhin ang naunang desisyon ko. Though, para sa akin ay okay iyong marriage counseling na sinasabi ni Manang Yeta, kailangan ko pa ring makausap nang masinsinan si Aziel tungkol dito.

Bumangon ako sa kama at nagsimula nang mag-impake ng mga damit at iba pang mahahalagang kagamitan. Nasa gan'ong sitwasyon ako nang bumukas ang pinto ng aking kwarto at agad na bumungad ay ang pagod na si Aziel.

"Chantria, I'm home and I also brought your favorite food–" he paused when his gaze landed on my suitcase bag. His mouth fell open as his body stiffened.

"What are you doing?" he asked with extreme confusion written on his face.

Dagli ko lamang siyang tiningala bago muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Hindi ko inalintana ang panginginig ng aking kamay dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman.

Malalaki ang hakbang na iginawad niya upang isarado ang espasyo sa pagitan naming dalawa. Hinawakan niya ang aking braso at sapilitan akong itinayo, naroon pa rin ang pag-iingat sa hawak niya.

Pabalik-balik ang tingin niya sa aking maletahabang palalim nang palalim ang gatla sa kaniyang noo. Muli niyang ibinalik ang kuryosong tingin sa akin. "Bakit ka nag-iimpake? Aalis ba tayo? Saan tayo pupunta?" walang preno niyang pagbabato ng tanong sa medyo aligagang boses.

Marahas akong bumuga ng hangin, hindi ko pa rin siya makayang tingnan nang diretso sa kaniyang mga mata.

"Do you want some vacation? Should I start packing my things, too?" untag pa niya.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon