Chapter 51

45.7K 1.1K 299
                                    

"Papasok ka na? Maaga pa, ah?" bungad sa akin ni Elias pagkalabas na paglakabas ko sa kwarto. Naabutan ko siyang umiinom ng kape sa kusina habang nagbabasa ng diyaryo.

Naniningkit ang kaniyang mga matang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot na kasi ako ng uniporme at handan nang pumasok kahit medyo basa pa ang aking buhok.

Pinigilan ko ang sariling mapatawa. "Seriously, Elias? Nagbabasa ka pa rin ng diyaryo?"

"Eh ano naman?" Simangot niya. "Mas mabuti na 'to. Masiyadong masakit sa mata ang paggamit ng cellphone."

I sheepishly laughed and shook my shoulders. May pagka-old fashioned talaga si Elias kahit kailan. Sabagay, understandable naman. Maybe because he's already thirty-two kaya mas prefer niya talaga ang nakasanayang pagbabasa ng mga ganito kaysa sa kung ano mang teknolohiyang nauuso ngayon.

"Huwag mong ibahin ang usapan, Tria. Anong nakain mo't maaga kang pumapasok ngayon? Ilang araw ko nang napapansin iyan," istriktong tanong pa niya.

Tumalikod ako at dumiretso sa sala para magsuot ng sapatos. Palihim din akong napairap dahil para na naman siyang tatay kung umasta.

"Anong maaga pa? Mag-aalas sais na kaya..."

"Iyon nga ang punto ko. Mag-aalas sais pa lang at kung hindi ako nagkakamali ay mamayang alas diyes pa ang pasok mo," may bahid ng tigas ang kaniyang boses at napakamot naman ako sa ulo.

"Parang noong nagsisimula ka pa lang ay gusto mo na agad magresign, ah. Tapos ngayon, masiyado ka nang dedicated sa trabaho..." dagdag pa niya.

Tamad akong umupo sa harapan niya at kumagat nang malaki sa pandesal. Binitawan naman niya ang diyaryo at kumuha ng tasa para ipagtimpla ako ng kape.

"Nagbago na ang isip ko," tanging sagot ko na lang. Muli niya akong binalingan ng mabigat na titig at nagpanggap na hindi iyon napapansin. "Sungit mo ngayon, ah? Brokenhearted ka ba?" pagbibiro ko pa pero mukhang hindi siya natuwa roon.

Umigting ang kaniyang panga at kunot na kunot ang noong binalingan ako ng tingin. "Paano mo naman nalaman?"

Umawang ang aking labi pero kaagad ding napalitan ng impit na tili. Tumayo ako sa kinauupuan at nilapitan siya para yugyugin ang pareho niyang balikat.

"So totoo ngang brokenhearted ka?! Inlove ka?!" I squeeled. "Oh my gosh! Congrats! Binata ka na!"

Umingos siya at pinalis ang mga kamay kong nakahawak sa kaniya. "Kumain ka na lang, Tria." Ikinumpas niya ang kaniyang kamay.

"Sasagutin mo lang, eh." Padabog akong bumalik sa aking kinauupuan, hindi pa rin inaalis ang matalim na titig sa kaniya.

Matunog siyang ngumisi pero itinago niya iyon gamit ang pagsimsim ng kape. "Bakit ko sasabihin sa 'yo, eh, ikaw nga itong may mukhang nililihim sa ating dalawa."

Sunod-sunod ang ginawa kong pagkagat sa tinapay kahit medyo nabubulunan na ako. Nagpanggap akong abala at hindi siya naririnig, dahilan para matawa siya.

Ilang araw na rin ang nakakalipas magmula nang muling magkrus ang landas namin ni Aziel at simula nga noong ipinangako kay Asher na malapit na niyang makasama ang papa niya ay walang oras na hindi ko sinubukang sabihin sa lalaki ang tungkol sa anak namin... pero ewan ko ba kung anong kamalasan ang aking dala-dala dahil sa tuwing sinusubukan ko ay palagi na lang naantala.

Nandyan iyong biglang susulpot si Kara, si Anne o biglang tutunog ang telepono niya para mahalagang tawag at iba pa. And it indeed made me frustrated. Hindi ko alam kung hindi pa ba ito ang tamang oras o sandyang pinipikon lang ako ng tadhana.

At sa bawat araw nga na lumilipas ay mas lalo ring tumitindi ang pangungulit sa akin ni Asher tungkol sa papa niya. Nariyan iyong maya't maya siyang tanong nang tanong kung ilang tulog na lang ang kailangan niyang gawin bago makita si Aziel... at hindi ko naman siya masisisi sa bagay na iyon.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon