Chapter 7

54.2K 1.1K 184
                                    

Akala ay iyon na ang magiging una’t huling pagkikita namin ni Aziel matapos nilang bumisita sa aming bahay, ngunit ang isang beses na iyon ay nasundan pa ng marami. At sa bawat pagkikitang iyon nga ay hindi maiwasang mas lalong mahulog ang aking loob sa kaniya.

“If it is okay to ask, why are they treating you like that?” tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin ng pasalubong niyang hamburger.

“Sino?” Nilingon ko muna siya bago sumimsim sa juice na bigay din niya.

His family was here again. Sa dining area ay naroon ang mga magulang namin na abala na naman sa pag-uusap tungkol sa negosyo. Hindi naman kailangan ang presensya ko roon kaya nagpasya akong dito na lang magpalipas ng oras sa garden. . .  pero ang hindi ko inaasahan ay susunod pala siya sa akin.

“Your family. Iyong Mommy at Daddy mo, isama mo na rin iyong panganay mong kapatid. Bakit gan’on sila sa ’yo? Kung i-trato ka nila ay parang hindi ka bahagi ng pamilya. . .” paliwanag niya.

Lihim akong napangiti nang mabakas ang pagkairita sa kaniyang tinig habang binibigkas niya ang mga salita. Kapagkuwan ay ngumuso ako at nagkibit balikat para itago ang bahagyang pagkirot ng aking puso.

“Hindi naman kasi talaga,” mapait kong tugon na siyang ikinakunot ng kaniyang noo.

“What do you mean by that?”

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga bago simulan ang pagpapaliwanag sa kaniya. “Anak ako sa ibang babae ni Daddy. Kagaya ng sinasabi niya ay isa lamang akong bunga ng pagkakamali. Iyong Nanay ko kasi ay nagtra-trabaho noon sa club at doon sila nagkakilala ni Daddy. Maraming beses na may nangyari sa kanila at sa kasamaang palad ay nabuo ako. . .” kwento ko kay Aziel na taimtim naman na nakikinig sa akin.

“And then?”

“And then. . .  ayon, wala sanang balak si Nanay na sabihin kay Daddy na nagbunga ang kasalanang ginawa nila dahil bukod sa mayroon na itong pamilya ay wala rin naman daw siyang balak maghabol.”

But unfortunately, namatay ang Nanay ko dahil sa isang malubhang sakit na huli na rin naming nalaman. Masiyado na iyong malala at wala rin naman kaming sapat na pera para sa gamutan. Bago siya tuluyang mawala ay ipinakilala na niya ’ko kay Daddy. Noong una ay hindi siya naniniwala at hindi niya ako nagustuhan. . .  lalong-lalo na ng asawa’t anak niya. Pero kalaunan ay tinanggap na rin naman niya ako sa tahanan nila kahit na para sa kanila ay isa lamang akong basura at responsibilidad na dapat gampanan.

“That’s bullshit. Nabuo ka dahil sa isang kasalanan pero hindi ikaw ang kasalanan na ’yon. I just really can’t digest how fucked up some older people’s mind.” Pinisil niya ang sariling ilong dahil sa inis. “Hindi ka ba nagsasawa sa gan’ong klaseng trato? Kung ako ’yon, matagal na akong lumayas sa pamamahay na ito.” 

Matamlay akong bumuntonghininga at ngumuso. “Sanay na ako.”

Gustuhin ko mang umalis sa puder ng aking ama ay hindi ko magawa. Wala akong kakayanang gawin iyon lalo na’t hindi pa sapat ang aking pera. Kaya ayon, wala akong ibang choice kundi ang magtiis at magbingi-bingihan na lamang sa mga matatalim na salitang ibinabato nila.

Umusog si Aziel at mas lalong inilapit ang sarili sa akin. Ang isang kamay ay pinatong niya sa aking ulo upang marahang guluhin ang aking buhok. Tiningala ko muna iyon bago siya balingan ng isang inosente at naguguluhang tingin.

“Huwag kang mag-alala, Chantria. Simula ngayong araw na ito, pinapangako kong hindi ka na mag-isa. . .” His lips curved into the most bright and genuine smile he could give. “Pro-protektahan kita.” 

Ginulo niya ang aking buhok at kulang na lamang ay mapigtas ang aking labi dahil sa lawak ng ngiti.

Pinanghawakan ko ang sinabi niya. Sa maikling pagkakataong nagkakilala kaming dalawa, alam kong iba siya sa mga lalaking aking nakilala. Mabait siya, maalaga at masayang kasama. Wala ring bahid ng kahit anong kayabangan ang kaniyang katauhan. Simple lang siyang makitungo sa mga taong nakapalibot sa kaniya at napakanatural kung kumilos.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon