Chapter 21

62.8K 1.5K 318
                                    

I may be a protagonist of my own story, but for some I was the villain. I was the one who inflicted them pain. I was the one who was the reason why they were suffering. I wasn't perfect. I made wrong decisions. I made mistakes. I hurt people unintentionally or even intentionally.

May mga bagay na sa kagustuhan kong agad na makuha, wala nang pakialam kung sino ang mabangga. Hindi na iniisip kung may masasaktan kaya. Kung may maaapektuhan ba. Dahil minsan, sa kagustuhan nating maging masaya, hindi na rin natin naiisip ang maaaring maramdaman ng iba.

Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo dahil sa isiniwalat ni Anne. Ilang beses kong sinubukang ibuka ang bibig ngunit kataga na mismo ang harap-harapang bumigo. Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang hiniling na sana'y nananaginip lang ako. Na sana'y hindi ito totoo. Na sana'y isang matinding kasinungalan lamang ang lahat ng ito. Sa pangalawang pagkakataon, gusto ko muling maging makasarili. Sana'y hindi na lamang niya sinabi.

"Y-You're just lying. . ." I shook my head aggressively as I gave her a glare. "Siguro'y sinasabi mo lang 'yan kasi gusto mong maging sa 'yo na nang buong-buo si Aziel! Siguro'y hanggang ngayon ay hindi mo pa rin matanggap na wala na kayong dalawa–"

Isang malutong na sampal ang siyang nakapagpatigil sa akin. Sinapo ko ang aking pisngi habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha. Nagpalitan kami ng matalim na titig, wala ni isang gustong magpatalo. Awang ang kaniyang labi nang unti-unti niyang ibaba ang kaniyang palad. Batid ko rin ang labis ng kaniyang buong katawan at anumang oras ay tuluyan na siyang bibigay.

"Sabihin mo sa akin, Anne, why would I believe in you?! You did nothing but to make me feel so insecure! You did nothing but to make me feel like trash! An unworthy wife!" Gamit ang nanginginig na tuhod ay dahan-dahan akong tumuwid ng pagkakatayo at lumapit sa kaniya. Naghahamon ang bawat tingin. "Bakit ako maniniwala sa 'yo, eh, ang sama-sama mo?"

She slapped me hard again. Her breath became difficult and heavy as she pointed her finger at me. "Hindi ibig sabihin na masama ako sa 'yo, kahit kailan ay hindi na ako naging mabuti, Chantria! Okay, I will admit. We all both share a fair square of mistakes here, but don't invalidate my feelings as a mother! Kung si Aziel lang ang nawala, matatanggap ko! Makakaya ko! Pero alam mo ba ang hirap at sakit na kahit kailan ay hindi mo man lang nagawang mahawakan o masilayan ang anak mo? Huh?" sigaw niya at mabilis ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ngunit patuloy pa ring nakakatakas ang mga hikbi. Ilang beses akong umiiling dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap. Hindi ko pa rin maproseso nang maayos. Nakakatakot. Unti-unti akong kinakain ng konsensya.

"I will give you the freedom to despise me as a woman, but don't you ever deteriorate my feelings as a mother." Marahas niyang pinunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi bago damputin ang kaniyang pouch na nasa sahig.

Dire-diretso siyang tumungo sa nakasaradong pinto pero bago tuluyang lumabas ay nilingon niya ako. "If you still aren't convinced, ask your husband. Since our twins died, he wasn't given a chance to grieve, Chantria."

Binuksan niya ang pinto. Bahagya pa siyang natigilan nang makita si Aziel na pabalik-balik ang lakad sa labas ng restroom, tila nag-aalala. Nanlaki ang mga mata niya nang magtama ang paningin nila ni Anne. Kasunod niyang ibinaling ang tingin sa akin. Nanatili akong tulala at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Para akong sinampal nang paulit-ulit sa mga narinig at nalaman.

"W-What did you do to my wife, Anne?" may bahid ng kaba at pag-aakusang tanong ni Aziel sa babae.

Imbis na sumagot ay nilampasan lamang siya nito, sinadya pang banggain ang kaniyang isang balikat. Muling nagbagsakan ang aking mga luha habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ni Anne. Nang makita iyon ni Aziel ay walang pagdadalawang-isip niyang sinarado ang distansya sa pagitan naming dalawa upang yakapin ako nang mahigpit.

Ewan ko pero bakit imbis na gumaan ang aking pakiramdam ay mas lalo iyong naging masakit. Mabigat ang kaniyang paghinga habang inaalo ako. Gusto ko siyang itulak palayo. Gusto kong kumpirmahin ang mga nalaman ko pero siguradong mas lalo lamang akong masasaktan at kakainin ng konsensya kapag sinabi niyang lahat ng sinabi ni Anne ay totoo.

Dahan-dahan akong kumalas sa kaniyang yakap. Bahagya ko siyang tiningala upang matitigan ang namumungay at pagod niyang mga mata. Gamit ang mga nangungusap na tingin ay tinanong ko siya. . .

"Was that true? Iyong mga sinabi ni Anne. . . totoo ba lahat iyon, Aziel?" namamaos kong tanong.

Nalaglag ang kaniyang panga. Hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mukha na kahit minsan ay hindi ko pa nakita. Ngayon lang. Tila ba ang simpleng tanong na iyong ay naging gatilyo upang maibalik ang bangungot na matagal na niyang ibinaon pa.

"Aziel, totoo ba?! Noong araw na pinakasalan mo ako ay araw din kung kailan nawala ang dalawang anak nyo?!" Lumapit ako sa kaniya at paulit-ulit na pinaulanan ng hampas ang dibdib niya.

Bahagya siyang napaatras pero hindi pa rin natinag sa kinatatayuan. "Y-Yes, it's true."

And with that, when all was said and done, I broke down. Dahan-dahan akong napadausdos pababa sa semento habang patuloy sa paghagulhol.

"Chantria. . ." Nabasag ang kaniyang boses. Sinubukan niyang hawakan ang dalawang braso ko ngunit agad kumawala ako.

Kaya pala. Kaya pala sa loob ng tatlong taon naming pagsasama ay ni kahit kailan ay hindi siya naging interesado sa anniversary naming dalawa. Na palagi niyang sinasabi na hindi iyon mahalaga. Na wala naman daw dapat ikasaya.

"Y-You should have told me earlier, Azi, para mas naintindihan ko. Para hindi ako nangangapang ganito." I cried. "Kung alam ko lang noon pa, sana hindi na tayo umabot ng ganito katagal. Sana hindi ka na araw-araw pang kinakain ng konsensya at hindi na rin sana tayo umabot sa puntong kailangang magkasakitan pa."

Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang humarap sa kahit sino sa kanila na hindi nahihiya. Hindi ko na rin alam kung kaya ko pa bang ngumiti at maging masaya. Na kahit gising ako, alam kong araw-araw pa rin akong babangungutin ng konsensya.

"I was mad at myself and I partly blamed you for what happened, Chantria," he muttered in a low voice. "Wala akong ibang masisi. Hindi ko alam kung sinong sisisihin ko. Gusto kong ayusin ang pagsasama natin. Gusto kong maging masaya sa 'yo pero parang may pumipigil sa akin. . . kasi naiisip ko, kapag ginawa ko iyon, paano ang mga anak ko?"

"After that incident, Anne was diagnosed with major depressive disorder. Kaya palagi akong nariyan para sa kaniya kahit na aaminin kong madalas ay nababalewala na kita. . . I don't love her anymore, Chantria, pero hindi na talaga kakayanin pa ng konsensya kung pati sa kaniya ay may mangyayaring masama. . ." he explained to me.

"I didn't have the chance to absorb everything and grieve. Kasi hanggang ngayon, natatakot pa rin akong aminin sa sarili ko ang kaduwagan at pagkukulang ko. Natatakot akong aminin na palpak ako. . . bilang Aziel, bilang anak, bilang ama, at ngayon, bilang asawa. . ." he continued speaking while looking down on the floor.

"I really really want to be the best husband for you, but I still couldn't. Ang hirap-hirap pa rin. Hindi ko alam kung paano maging mabuti lalo na't nakalimutan ko na rin kung paano maging mabuti sa sarili ko."

"K-Kaya ba mas gugustuhin mong tapusin ang pagsasama na 'to at hiwalayan na lang ako?"

He shook his head, smiling painfully at me. "It's for your own good, Chantria. I've hurt you so many times. I've done unforgivable things. . . and you don't deserve this kind of marriage."

"Tama ka. I shouldn't marry you in the first place," pagsang-ayon ko habang nakatitig sa kawalan. Nasa magkabilang pisngi pa rin ang bakas ng mga luhang unti-unti nang natutuyo.

Alam kong hindi pa rin sapat ang paliwanag niya pero ang mas mahalaga sa akin ay marinig ang kaniyang panig na siyang ipinagpapasalamat ko dahil hindi niya ipinagdadamot.

Kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi ko na sana ipinagpilitan pa ang sarili ko. Wala sanang nasasaktan. Walang nagdurusa. Walang nahihirapan at naiipit sa sitwasyong kahit sino'y walang may kagustuhan.

"Mahal kita, Chantria, at ayaw kong mawala ka, pero alam kong balang araw ay pasasalamatan mo ako na pinalaya kita."

I nodded my head weakly. "Sana nga." 

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon