Chapter 22

63.9K 1.1K 90
                                    

Wala na akong balak na bumalik pa sa party matapos ng nangyari. Masiyado nang pagod ang utak at katawan ko para makihalubilo pa sa ibang tao. At isa pa, sa sobrang bigat ng dinadala ko’y hindi ko alam kung kaya ko bang pekein ito.

Hindi na ako nagreklamo pa nang si Aziel na mismo ang nag-alis ng mga luhang natuyo na sa aking pisngi at pati na rin ang makeup na kumalat na sa aking mukha. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lamang ako sa baba, ni hindi ko na makaya siyang tingnan sa mata.

Nakakatawa nga dahil dati ay halos araw-araw kong ipinagdarasal na sana’y maging ganito kami kalapit dalawa. Gusto kong maranasan na maalagaan at asikasuhin niya. . . pero ngayong narito’t natutupad na, parang ang layo-layo pa rin namin sa isa’t isa.

“Stay in our room,” aniya habang inaalalayan niya akong maglakad palabas ng restroom. “I’ll prepare your bath and your clothes, too. Habang naliligo ka, bababa lang din ako saglit para kumuha ng pagkain mo. Magpapaalam na rin ako kina Mommy at Daddy–”

“You don’t have to do that, Aziel. Bumalik ka na lang sa party. I can handle myself,” pagtanggi ko kasabay ng pagkawala sa maingat niyang pagkakahawak sa aking braso.

“But–”

“Kuya! Chantria!”

Natigil kaming dalawa sa pag-uusap at sabay na lumingon sa harapan. Nakita namin si Aia na tumatakbo papunta sa direksyon namin. Bakas ang pag-aalala at pagkataranta sa kaniyang mukha. Tila anumang oras ay maiiyak na.

“Aia, what’s happening? Bakit ka tumatakbo?” Agad siyang sinalubong ni Aziel.

Kinagat ng babae ang kaniyang pang-ibabang labi habang papalit-palit ang tingin sa aming mag-asawa. Inilinga ko ang paningin sa kabuuan ng paligid. Ngayon ko lang napansin ang kakaibang katahimikan. Biglang nawala ang kaninang masigla at maingay na panauhin.

“K-Kuya, kanina ko pa kayo hinahanap!” Aia uttered and ran her fingers through her hair frustratedly. “Si Daddy isinugod ni Louie sa hospital!”

Nanlaki ang mga mata namin. “What?! Why?!” pareho naming sagot ni Aziel at bahagya pa kaming nagkatinginan.

“I-Inatake siya sa puso! Iyong Daddy ni Anne. . .  si Mr. Alberto Del Mundo, nanggulo sa party. Kung anu-ano ang sinabi niyang kasiraan tungkol sa pamilya natin at kay Chantria. . . sa harap ng maraming tao.” Aia started to cry hard while explaining.

Lumipad ang aking palad sa sariling bibig. At kahit maraming tanong at labis pa akong naguguluhan sa sinabi ni Aia, isinantabi ko muna ang lahat ng iyon. Mabilis kaming tumungo palabas ng mansion. May mangilan-ngilan pang mga bisita ang naroon sa garden. Nang makita nila kami ay para silang mga tutubing nagkaroon ng kaniya-kaniyang bulungan.

“Sinasabi ko nga ba. Masama talaga ang kutob ko sa mga Saavedra noon pa man,” dining kong bulong ng isang matandang babaeng negosyante sa kasamahan niya.

“Pati rin naman ang mga Navarro. Carl and Ambrosio were both blinded by money and power. No wonder na namana iyon ng mga anak nila,” kumento pa ng isa.

“Anak sa labas lang iyang si Chantria.”

“Si Aziel, hindi naman ’yan magaling. Kung hindi lang din sa pangalan na mayroon sila, hindi ko sila pakikisamahan.”

“Wala pang pakialam sa dalawang anak niyang namatay. Well, anyway, what will you expect for a good-for-nothing son?” Someone in the crowd muttered before roaring with laughter.

Nilingon ko si Aziel at nakita ko ang pagtitiim bagang niya. Kumikirot ang puso ko sa mga salitang naririnig pero mas pinili kong magbingi-bingihan. Hindi ang mga panghuhusga ang kailangan naming marinig sa mga panahong ito.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon