Prologue

843 29 0
                                    


PROLOGUE



Nanginginig ako habang pilit na tinatanggal ang mga kadenang nakakabit sa aking mga kamay at paa. Ilang buwan na akong narito at hindi ko na kakayanin kung magtatagal pa ako.

Natigil ako sa aking ginagawa nang bumukas ang pintuan ng kwartong kinasasaglakan ko. Mula sa pinto ay bumungad ang isang lalake na nakangisi saakin habang may hawak-hawak sa kanyang kaliwang kamay.

Halos masuka ako ng makita ang hawak niya. Isa itong pugot na ulo. Ulo ni Segundo, ang lalakeng nagtangkang tumulong saakin para makalaya pero sa kasamaang palad ay nahuli kami.

Nagulat ako ng ihagis niya ang ulo ni Segundo saakin. Napasigaw ako ng sobrang lakas dahil sa takot at pandidiri. Sariwang-sariwa pa ang dugo na tumatagas sa putol na ulong ito. Wala itong mata at ang labi niya ay nakalabas na para bang pinahirapan muna siya bago pinatay.

Umatras ako nang magtangkang lumapit saakin ang lalake na siyang dahilan kung bakit ako nasa sitwasyong ito.

“Why so scared? Am I that bad?” natatawa niyang wika.

Hindi ako sumagot. Walang boses na lumalabas saaking bibig. Ang tanging nadarama ko lang ngayon ay takot.

May dinukot ang lalake sa kanyang bulsa at mula rito ay kita ko ang isang collar ng aso. Lumapit ito saakin at nilagay iyon sa aking leeg. Umiwas ako sakanya subalit malakas lang ako nitong sinabunutan kaya wala akong nagawa kundi hayaan siya sa kanyang gustong gawin.

Nang maisuot na nito ang collar sa aking leeg ay sunod niyang nilabas ang salamin. Hinarap niya ang salamin saakin kaya kitang-kita ko kung ano ang nakasulat sa collar. Nang mabasa ko sa aking utak ang nakasulat ay bigla akong napaiyak. Ang takot na nadarama ko ay mas nadagdagan habang binabasa iyon.

Thunder's Woman Property.

Thunder's Woman Property Where stories live. Discover now