Chapter Fifteen

215 11 4
                                    




Chapter Fifteen — THUNDER'S SISTER





"Before I killed that useless chef, I killed your boyfriend and Segundo first."

Mas mabilis pa kaysa sa humaharurot na sasakyan ang pagkagunaw ng mundo ko sa sandaling marinig ko ang mga salitang binitawan ni Thunder. Tila tinusok ng hindi mabilang na mga karayom ang aking puso dahil sa nararamdamang kirot.

"Huh.. a-anong sabi m-mo?" Bagaman malinaw ko man na narinig, ayaw tanggapin ng aking sistema ang kahindik-hindik na balita. Umaasa ako na baka bangungot lang ang lahat.

But deep down in my mind, I knew it wasn't a nightmare. I was in reality, and everything happening was true.

Thunder turned his back on me. "I'm just kidding. I didn't kill them," he responded. Nakaramdam ako ng pag-asa. Namutawi ang galak sa aking puso, ngunit mabilis din itong pinutol ni Thunder. "Hindi ko sila pinatay dahil ang mga tauhan ko ang gumawa," he added, saka tumawa ng pagkalakas-lakas.

My eyes widened, and anger flared up within me. "Hayop ka! Nagawa mo pang tumawa. Mamamatay tao ka! Kailan man ay hindi mababago ang katotohanang mamamatay tao ka!" sigaw ko habang patuloy na lumuluha.

Tumigil siya sa pagtawa. Mula sa masaya, bumalik sa pagiging seryoso ang kanyang mukha. "I'm not changing anything, Alena. From the day I laid eyes on you, I already knew that I needed to kill just to get you. Ikaw naman kase, ang ganda-ganda mo, ayan tuloy ang dami kong kakumpetensya." he seriously said.

Kung ibang tao, marahil ay kikiligin sila ngunit iba ang dating nito saakin. Kilabot at pandidiri. Hindi na pagmamahal ang nararamdaman niya saakin, obsession na ito. Kung ituring niya ako ay parang bagay na dapat niyang makuha by hook or crook. Ang pagmamahal ay mapagparaya, pero sa histura ni Thunder, mukhang handa niyang banggain ang lahat ng tao na pipigil sakanyang maangkin ako. He's crazy.

"You're insane, Thunder. You're crazy bastard sick that needs to be admit in mental hospital!" I exclaimed. Tumalsik pa ang laway ko dahil sa galit.

Sumeryoso ang mukha ni Thunder. "Then cure me, Alena. Be my doctor. I'm willing to be your patient forever," he said firmly. Nakita ko ang intensity nang kanyang pagtitig. Kahit ang bulkan ay mahihiya sa init na dala ng kanyang mga mata.

He's not good with words, but there's something in his eyes that is very persuasive.

Umiling ako. "Hindi doctor ang kailangan mo kundi pari. Hindi gawang tao ang ginawa mo kina Cade, Segundo, at sa chef, gawang demonyo 'yan," responde ko. "Saka handa kang maging pasyente ko forever? Bakit, tinanong mo ba ako kung gusto kitang makasama panghabang-buhay? Kase ako, never kong pinangarap na makasama ang isang baliw na 'tulad mo! Mas pipiliin ko pang mamatay kesa makasama ka!" dagdag ko na nagpa-pait sa mukha ni Thunder.

Mas naging matalim ang mga titig niya. Umukit ang mga ugat sakanyang noo, habang ang kanyang bagang ay umiigting na. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang pagyukom ng kanyang kamao at ang mabilis niyang paghinga.

He looks more terrifying now than before.

Kahit na galit ako at nag-aastang matapang, deep inside ay may takot pa rin sa puso ko. Hindi ko lang maipakita ang emosyong iyon dahil natatambunan ito ng galit, ngunit ngayon? Mukhang nanaig na rin sa wakas ang takot; umatras ang galit dito sa puso ko.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jul 16, 2023 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Thunder's Woman Property Onde as histórias ganham vida. Descobre agora