Chapter Four

458 14 0
                                    




Chapter Four - KIDNAPPING






Alena's POV

Isang araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nasaksihan kahapon. Kita ko ang aking hubad na katawan habang naliligo. Hindi ko makuhang maisip kung sino ang nagpadala non.

Matapos ang pangyayaring iyon ay sunod-sunod na tawag ang natanggap ko. Unregister ang numero kaya hindi ko siya sinasagot. Ilang beses na rin niya akong binigyan ng mensahe na sobrang nakakakilabot. Limang beses na akong nagpalit ng numero subalit nalalaman niya pa rin ito at patuloy sa pagtawag at pag-text.

Natatakot ako dahil hindi ko siya kilala.

Dahil sa takot na nararamdaman ko ay dagli-dagli kong kinausap si mama para sabihin na pakibilisan ang pagsasa-ayos ng aking mga dokumento nang sa ganon ay makalipad na ako papunta sa Amerika. Hindi ko sinabi sakanya ang totoong rason kung bakit nagmamadali ako dahil ayaw ko siyang matakot.

Napatayo ako sa kama nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Kinakabahan kong tinignan ang caller. Unknown. Sigurado ako na ang taong nagpapagulo sa utak ko ay ang tumatawag. Kahit nanginginig ay pilit kong kinuha ang cellphone para masagot ang tawag.

"H-hello?" garalgal kong bungad. Walang sumagot. Rinig ko ang mabibigat na paghinga sa kabilang linya. "Hello..." ulit ko.

"Ahhhhh." Mabilis kong pinatay ang tawag nang marinig ang malakas na ungol ng isang lalake sa kabilang linya. Nakakadiri siya para iparinig pa saakin iyon.

Muli akong kinabahan nang tumawag ulit ang lalake.

"Hello? Sino ka ba? Ano bang kailangan mo saakin?!" galit pero bakas mo pa rin ang takot sa boses ko. Tumawa lang ng malakas ang lalake na akala mo'y nagbiro ako. "Bakit hindi ka sumagot?!"

"Trying to be brave, love. It doesn't suit you," mapaglarong sagot niya.

"Sino ka ba kase? Pwede bang lubayan mo na ako!"

"No. Wish anything except for that." Nakaramdam ako ng dobleng kaba dahil may pagbabanta na ang kanyang boses. "I can do whatever you want and whatever you wish. But leaving you? I can't."

Sasagot na sana ako pero mabilis akong napatigil nang makaramdam ako ng pagkahilo. Nabitawan ko ang aking cellphone at bumagsak. Saaking pagbagsak ay hindi ang matigas na sahig ang tumama saakin kundi isang matikas at malaking mga braso. Ramdam ko ang mahigpit nitong paghawak sa balikat ko para hindi ako tuluyang matumba. Kahit nanlalabo ang aking mga mata ay kita ko pa rin ang mga usok na pumapalibot sa buong silid. Hindi ko ito napansin kanina. Ayon siguro ang dahilan kung bakit ako nahilo. Marahil ay may nakalagay na kung anong kemikal sa usok.

"Do you think hahayaan kitang umalis ng bansa? Of course not. You should stay with me. Only me."

Nakita ko ang isang lalake na nakasuot ng mask habang buhat-buhat ako. Ramdam ko ang pagkasabik niya saakin dahil ang kamay niya ay kung saan-saan na napupunta sa katawan ko. Kahit gusto ko siyang pigilan, hindi ko kaya. Nanghihina ang aking katawan at nanlalabo na rin ang aking mga mata. Ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay.

"Always remember this, Alena. You're my property. Thunder's property."

Ayan ang huli kong narinig bago ako tuluyang balutin ng dilim.

Thunder's Woman Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon