Chapter Three

489 13 0
                                    





Chapter Three - PICTURE






Walang kapaguran sa pag-iyak si Alena. Araw-gabi ay tila pinupunit ang puso niya sa tuwing maaalala na ang lalakeng mahal niya ay sumakabilang buhay na.

"Ang daya mo naman, Cade! Iniwan mo agad ako!" may inis niyang wika habang hawak ang litrato nilang dalawa. Ito ay kinuhanan noong second anniversary nila. "Balik kana dito. Hindi ako magagalit, basta bumalik ka lang," sumamo niya na akala mo'y mayroong sasagot.

Sa kabilang banda naman ay halos masira na ng isang binata ang lahat ng bagay na mahawakan niya. Galit na galit siya habang pinapanood ang babaeng mahal na nagluluksa sa pumanaw niyang nobyo.

Hindi niya matanggap na kahit patay na si Cade ay siya pa rin ang nasa utak at puso ni Alena.

"Fuck you! I will kill you, Cade!" nababaliw niyang sabi bago paulit-ulit na pinagbabaril ang sahig. Gustong-gusto niyang patayin ulit si Cade kahit patay na ito. Gusto niyang wasakin ang katawan ni Cade at ipakain sa leon.

Si Thunder ang pumatay kay Cade. Binagga niya ang sinasakyan nito kaya ito nahulog sa bangin at binawian ng buhay. Pagsisisi? Wala siyang kahit anong konsensyang nararamdaman. Kung may pinagsisisihan man ito ay yung hindi niya muna pinahirapan si Cade bago pinatay.

Habang nagpupuyos sa galit si Thunder ay patuloy pa rin sa pagngawa si Alena. Magkasulangat na nararamdaman pero iisang dahilan.

Pag-ibig.

"Anak, punta ka na dito, please," pagmamakaawa ng nanay ni Alena sakanya. Bilang isang ina ay masakit para sakanya na makita ang anak na miserable. Alam niya kung gaano kamahal ng dalaga ang nobyo kaya kahit mali ay hindi mawala sa utak niya na may tiyansang magpakamatay ang dalaga.

Pero ang lahat ng nasa palaisipan ng nanay ni Alena ay nawala nang dahan-dahang tumango si Alena.

"S-sige po m-mama," wika nito sa gitna ng kanyang hagulgol. Masaya ang bumalatay sa mukha ng kanyang ina. Sa wakas ay makakasama na nila ang anak at mabuti na rin yon para madamayan nila si Alena sa pagluluksa.

"Two weeks from now, anak. Pwede ka ng makaalis sa bansa. Ako na ang bahala maglakad sa mga dokumento. Pahinga ka nalang diyan," wika ng kanyang ina bago patayin ang video call.

Tumayo na si Alena mula sa pagkakalugmok sa higaan at piniling kumain muna kahit kaunti lang. Tatlong araw na siyang walang kain dahil sa puro iyak lang siya.

Kukuha na sana siya ng pagkain sa ref nang matigil siya dahil sa kulay puting sobre na nasa lamesa. Ito ang sobre na nakita niya nung isang araw. Hindi na niya ito nagawang tignan pa dahil sa pagluluksa nito para sa kanyang nobyo.

Kinuha niya ang sobre at sinipat-sipat muna. Ngayon lang niya napansin ang nakasulat sa likuran ng sobre.

Parating na ang kulog.

Nagtataka siya nang mabasa iyon. Hindi niya maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig ng nakasulat.

Binuklat niya ang sobre at unang bumungad sakanya ang mabangong litrato. Amoy rosas ito.

Nang makita ni Alena ang laman ng litrato ay mabilis na nanlaki ang kanyang mga mata at nagsimulang mangatog ang kanyang katawan. Takot niyang tinapon ang litrato. Humawak pa si Alena sa lamesa para kumuha ng balanse dahil tila ano mang oras ay matutumba siya.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga litrato na nakakalat sa sahig at kagaya kanina ay takot pa rin ang kanyang ekspresyon. Mabilis na tumibok ang puso niya at kaunti na lang ay para bang sasabog siya.

Sino ang nagpadala niyan?!

Kumaripas siya nang takbo papunta sa kanyang kwarto at ni-lock iyon.

Umupo siya sa kanyang kama habang nanginginig pa rin ang katawan. Nanlalaki ang kanyang mata at para bang hindi siya makahinga ng maayos. Patuloy na bumabalik sa kanyang isipan ang nakita.

"Diyos ko..."

Ayan na lang ang tanging nasambit niya habang pilit na kinakalimutan ang nasaksihan kanina.

Hindi niya magawang maisip kung sino ang magpapadala nang ganong litrato.

Sino ang kumuha ng litrato ko habang naliligo?!

Sinisigurado ng dalaga na sarado ang pintuan at wala siyang natatandaan na may kung sino ang nakapasok dito sa kanyang condo habang naliligo.

Unless. . . may lihim na camera ang condo niya.

Thunder's Woman Property Where stories live. Discover now