Chapter Ten

356 11 12
                                    





Chapter Ten - END OF ESCAPE






Alena's POV
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong nagpabalik-balik sa bintana at sinisilip kung lumubog na ba ang araw. Namamawis ako habang hinihintay na dumilim ang kapaligaran, nang sa gayon ay magawa ko na ang plano.

Ang tanging dapat ko lang gawin ay lunukin ang capsule na parang si Darna. Tapos ay titigil sa pagtibok ang puso ko saka gagawin ni Segundo ang susunod na hakbang.

Kinakabahan ako sa planong ito. Kahit na ang tanging gagawin ko lang naman ay lunukin ang capsule. Ang hirap-hirap. Natatakot ako na pumalya ang plano. Natatakot ako na mabigo.

Alena, huwag mong sagarin ang pasensya ko, kaya mas mabuti kung magpapakabait ka rito habang wala ako. Sigurado ako na higit pa diyan ang matitikman mo kapag ginalit mo ako ulit.

Natatakot ako sa banta ni Thunder bago siya umalis. Nangangamba ako na baka sa oras na mabigo ang plano ay hindi na mag-atubili si Thunder na patayin ako.

Naiisip ko pa lang ang mga maaaring kahinatnan nito ay nanginginig na agad ako.

Sumilip ako sa bintana at nakita kong kinain na ng tuluyan ng dilim ang buong kapaligiran. Wala na ang araw at pinalitan na ito ng buwan.  

Ito na ang oras. Ito na ang hudyat na dapat ko ng simulan ang unang hakbang. Lunukin ang capsule.

Lumipas ang mga oras pero nakatitig pa rin ako sa capsule. Kating-kati na ako na lunukin yon pero may kung ano saakin ang pumipigil. Parang may masama akong pakiramdam. Parang may hindi tama.

Alena, kaya mo ito. Diba gusto mong tumakas. Ito na yon, kaya ano pang tinatanga-tanga mo diyan. Inumin mo na 'to.

Tumalon-talon ako para mawala ang kaba saaking katawan at inalis ang mga bumabagabag sa utak ko. Pinalakas ko ang aking loob.

Kaya ko 'to. Makakatakas na ako.

Ayaw kong magaya kay Segundo na nakakulong sa mahabang panahon sa mga kamay ni Thunder. No. Hindi ako papayag.

Isusubo ko pa lang sana ang capsule subalit naantala ito nang biglang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras dahil sa gulat. Bakit ba bigla-bigla siyang pumapasok dito? Hindi ba siya marunong kumatok?

"Segundo, ginulat mo ako," inis kong sabi sakanya. Lumapit siya saakin at agad na hinawakan ang pulso ko. "Ano bang nangyayari sayo, Segundo? Lulunukin ko na sana, eh, kaso umepal ka."

"Ibalik mo na sakin yang capsule. Pauwi na si boss."

"HUH?! PAUWI NA SI THUNDER?! BAKIT?!" gulat na gulat kong sabi. Ang aga naman niya ata umuwi. Ang akala ko ba ay tatlong linggo siya roon, limang araw pa lang ang nakakalipas.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Ang mas mabuting gawin natin ngayon ay ang tumakas. May nakatagong bangka sa bodega. Ayon ang gagamitin natin." Hinila niya ang kamay ko pero mabilis ko itong binawi. Hindi ko siya maintindihan.

"Anong tumakas? Nahihibang ka na ba? Mas mahihirapan tayo kapag pauwi na si, Thunder. Saka na lang natin gawin ang plano kapag umalis siya ulit," tugon ko. Umiling-iling siya saakin na para bang isang katangahan ang mga sinabi ko. Mahigpit niyang hinawakan ang mga balikat ko.

"Alena, itong kwarto mo. . . puno ng cctv," hilakbot niyang wika bago ako sinenyasan na tumingin sa kisame.

Napanganga ako habang ang mga mata ko ay nanlaki sa nakita. Iba't ibang CCTV ang natanaw ko mula rito. At ang lahat ng iyon ay nakatutok saakin.

"No way. Ibig sabihin ba nito ay bistado na tayo?" Tumango siya saakin.

"Kaya nga mas maiging umalis na tayo dahil paniguradong lagot tayo saka—"

Hindi na natuloy ni Segundo ang dapat na sasabihin nang makarinig kami ng putok ng baril. Biglang tumumba si Segundo at ininda ang kanyang braso. Mabilis ko siyang pinantayan at laking gulat ko nang makita ang tumatagas na dugo sa kanyang braso.

“ESCAPING WITH YOUR BOYFRIEND? SO SWEET.” Dumagundong ang isang nakakatakot na boses sa apat na sulok ng silid.

Nagkatinginan kami ni Segundo at kagaya ko ay litaw sa mga mata niya ang takot. Katulad ko ay nanginginig din ito.

Dahan-dahan kong inangat ang aking mukha para matanaw ang lalakeng dapat na tatakasan namin ni Segundo.

"T-thunder. . ."

Naka-suot siya ng polo na hapit sa kanyang katawan at itim na slack. Magulo ang kanyang buhok na tila dahil sa pagmamadali ay hindi na niya nagawang ayusin pa. May hawak itong baril na nakatutok ngayon saakin—saamin ni Segundo.

"B-boss. . ." Katulad ko ay may bahid din ng takot ang boses ni Segundo.

Mas lalo akong natakot ng wala akong makita na kahit anong emosyon sa mga mata ni Thunder. Blangko lang ito. Mas gugustuhin ko pa na nagpupuyos ito sa galit kesa ngayon. Hindi ko mabasa ang nasa utak niya.

Nanlaki ang pareho naming mga mata ni Segundo nang marinig ang malalim at nakakatakot na boses ni Thunder.

"Any last word?"

Thunder's Woman Property Where stories live. Discover now