Chapter Eight

401 10 0
                                    




Chapter Eight - POSSESSION






Alena's POV

Nagising ang diwa ko dahil sa marahang kamay na humahagod sa buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam at tila dinadala ako nito sa alapaap.

Hindi ko tinangka na buksan ang mga mata ko dahil ayaw kong tumigil ang tao na sumusuklay sa buhok ko gamit ang kamay niya.

Napangiti ako ng kaunti nang maalala si Cade. Ganitong-ganito siya saakin dati sa tuwing manonood kami ng movie. Idadantay ko ang aking ulo sa hita niya at saka niya dahan-dahang hahaplusin ang buhok ko. May pa-massage pa sa noo kung minsan.

"Cade..." out of nowhere na usal ko.

Naramdaman ko ang biglang pagtigil ng kamay na humahagod sa buhok ko. Kahit nakapikit ako at hindi nakikita ang nangyayari ay alam ko na may mali. Ramdam ko ang isang mabigat na presensya.

"Fuck your dream!" Nanggigigil na sabi ng kung sino.

Mabilis akong napamulat nang biglang rumahas ang kamay na humahaplos sa buhok ko. Sa isang iglap ay sumisigaw na ako at pilit na inaalis ang kamay na sumasabunot saakin.

"ARAY! LET ME GO!" mahapding ire ko dahil bumabaon na ang mga kuko niya sa anit ko.

"Even when you sleep, you're still thinking about your worthless boyfriend," galit na wika niya. Tinignan ko kung kanino galing ang boses na yon at natagpuan ko ang isang lalake na nagpupuyos sa galit habang nakatingin saakin.

Siya iyon! Siya yung bumaril sa mga binti ko. Siya yung kumidnap saakin at muntik nang gumahasa saakin.

Pinalo ko ng ilang beses ang kamay niya para makawala pero habang nagpupumiglas ako ay mas humihigpit ang hawak niya sa buhok ko. Gusto ko man siyang sipain subalit hindi ko maigalaw ang binti ko dahil sa natamo kong sugat gawa ng kanyang pagbaril. Kita kong nakabenda ang mga ito at mukhang kakagamot lang.

"All of you! Talagang sinasagad niyo ang pasensya ko ngayong araw. Una ay ang malanding doktora na pilit akong nilalandi. Second ay si Segundo na pumuslit dito para silipin tayo. Tapos ikaw naman ngayon? What a great day, huh?!" nanggigigil niyang sabi. Kulang na lang ay bumuga siya ng apoy para maipakita lang saakin na talagang nagngingitngit siya sa galit.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kulay tsokolate niyang mga mata. Parang hinihigop ako nito at sinasabing sumuko na. . . Hindi ko na kinaya ang sobrang sakit sa may anit ko kaya kinagat ko ang kamay niya.

Narinig ko ang pagdaing niya. Marahas niyang binitawan ang buhok ko. Napahawak ako sa aking ulo at ramdam ko ang likidong tumutulo roon. Dugo. Marahil sa sobrang rahas ng pagkakasabunot niya ay hindi naiwasan na magkasugat ang anit ko.

Tangina naman. Dapat ako ang magsabi sa aming dalawa ng 'What a great day'.

"Huwag kang lalapit," taranta kong sabi bago iharang ang dalawa kong braso para hindi niya ako malapitan.

"I will do whatever I want," malamig niyang sabi bago sakmalin ang panga ko at ilapit sakanya. Nanlaki ang mga mata ko ng pagdikitin niya ang mga labi namin at sipsipin iyon.

Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas para labanan. Hindi ko na siya napigilan nang ipasok niya ang dila niya sa loob ng bunganga ko at galugarin ang loob non.

Habol ang hininga ko nang tumigil siya sa pagpapak sa labi ko. Kita ko pa ang laway ko na tumutulo sa labi niya. Imbes na pandirian niya ito ay dinilaan niya lang ang kanyang labi para malasap ang laway.

"I'm mad. I'm fucking mad." Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko nang bumulong siya roon.

"L-let me g-go... please," makaawa ko pero hindi ko man lang siya nakita o naramdaman ng awa. Tila masaya pa siya na nasasaktan ako. . . gaya nung binaril niya ako. Ganito rin ang emotion niya non.

"No. You will stay here... WITH ME."

Hindi na ako nakaiwas nang muli niya akong halikan pero hindi kagaya kanina ay marahan na ngayon. Ramdam ko ang pagkalinga sa mga halik niya pero hindi iyon sapat para mawala ang takot ko.

Nang matapos siya ay kumuha siya ng kumot at tinaklob sa katawan ko.

"I don't want to leave you, but I have to go abroad to take care of my business. I might be gone for three weeks." Nakaramdam ako ng saya nang marinig iyon. Sa wakas ay hindi ko na rin siya makikita. Kahit maikling panahon lang ay ayos na yon. Paniguradong makakaisip din ako ng paraan kung paano makatakas dito bago siya bumalik.

"Huwag mo nang subukan na tumakas muli. Iiwanan ko si Segundo dito para bantayan ka. Alena, huwag mong sagarin ang pasensya ko, kaya mas mabuti kung magpapakabait ka rito habang wala ako. Sigurado ako na higit pa diyan ang matitikman mo kapag ginalit mo ako ulit. Naiintindihan mo ba?" Hindi ako agad nagakasagot dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa takot. Nakakatakot ang awra na pinapakita niya. Para bang kakainin niya ako ng buo kapag hindi ko sinunod ang mga utos niya. "DO YOU UNDERSTAND?!"

"OO. . . Sir. Susunod ako," aligaga kong sagot nang bigla siyang sumigaw.

"Don't call me sir. Call me Thunder— Your future husband." he said while smiling. Hinaplos niya muna ang pisnge ko bago halikan sa noo.

"I might be gone for three weeks, but still I want you to know that I LOVE YOU SO MUCH." huli niyang sabi bago ako iwanan na tulala at nanginginig sa takot.

Kung panaginip man ang nangyayari saakin ngayon. Please. . . gisingin niyo na ako.

Thunder's Woman Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon