Chapter Twelve

237 10 2
                                    




CHAPTER TWELVE - HAVE MERCY!





Mula sa apat na sulok ng isang madilim na silid, na tanging sinag lang ng buwan ang nagiging liwanag ay mayroong isang lalake na hapos, pagod, duguan, at hindi magkamayaw sa paghingi ng tulong. Nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa pader habang walang habas sa pagtagas ang dugo sa kanyang bunganga; tuluyang pinutol ang kanyang dila, kaya maging ang pagsambit ng mga salita ay hindi niya magawa.

Ganyan na ganyan ang hitsura ni Segundo ngayon, habang walang habas siyang pinapahirapan ng lalake na nanlilisik ang mga mata. Sa mahigit dalawang oras na pagpapahirap ay tanging kamatayan na lamang ang makakapagsalba sa kanya mula sa marahas na mga kamay ni, Thunder.

". . . ." Tanging ungol na lamang ang kaya niyang gawin dahil sa putol na dila. Hindi man niya masabi ang nais iparating ngunit ang kanyang mga mata ay sapat na para ang mensahe ay matanggap ni Thunder. Nais na niyang mamatay para matapos na ang pagpapahirap na ito.

Subalit hindi sang-ayon si Thunder doon. Hangga't hindi pa siya nakukuntento sa nakikita ay hindi niya ito hahayaang mamatay. Nais niyang mailabas muna ang lahat ng galit, selos, at frustration niya sa lalakeng mas pinili ni Alena kesa sa kanya. Hindi makuha ni Thunder kung papaano napikot ni Segundo ang dalaga gayong mas gwapo, mayaman, matikas, at mas mahal niya ang dalaga. Ano bang wala siya na mayroon si Segundo?

Lumapit si Thunder sa kalunos-lunos na binata habang paskil-paskil ang ngisi sa mukha, ngunit nagbabaga sa galit na mga mata. "I take care of you by providing food, clothing, and a place to live. I trusted you a lot, Segundo, and considered you like a brother. But how did you repay me? You betrayed me by stabbing me in the back and trying to steal my girlfriend!" Umalingawngaw ang galit na galit na tinig ni Thunder. Kahit sinong makakarinig dito ay paniguradong manlalambot ang mga tuhod at matututop ang mga labi. "Kung alam ko lang na magiging sagabal ka, hindi na sana kita tinulungan na makaalis sa miserable mong buhay. I fucking regret helping you," dagdag niyang wika.

Dahil sa mga iwinika ni Thunder ay muling nanumbalik ang mga alaala ni Segundo mula nang tulungan siya ni Thunder para maiahon siya sa kahirapan.

Si Segundo ay nagmula sa pamilyang abusado. Umaga man o gabi ay hindi pwedeng mawala ang eksena ng sakitan, bugbugan, at murahan sa kanilang tahanan. Musmos pa lamang ito ngunit hindi na bago sakanya ang makasalanang mundo. Ang kanyang ama ay isang drug pusher habang ang kanyang ina ay isang prostitute; mayroon itong dosenang mga anak na kanyang pinaampon sa iba't ibang pamilya para lamang sa kakapiranggot na pera.

Subalit nabago ang lahat nang magkatagpo ang mga landas nina Segundo at Thunder. Kitang-kita ni Thunder kung gaano kahirap ang buhay na mayroon si Segundo kaya in-offer-an niya ito ng isang trabaho. Sa edad na labing-anim na taong gulang ay nagma-manage na ng tatlong malalaking kompanya si Thunder; sa angking talino at husay sa negosyo ay hindi na nagdalawang isip pa ang kanyang mga magulang na ipasa ang pwesto sakanya kahit na napakabata pa nito. Nais niya na maging kanang kamay si Segundo, wala mang kasiguraduhan kung katiwa-tiwala ba ang musmos na bata ngunit alam ni Thunder na sa hirap ng buhay na mayroon ito ay wala siyang magagawa kundi ang tanggapin ang offer at maging mahusay na kanang kamay. Alam na alam ni Thunder kung paano tumakbo ang utak ng mga mahihirap na taong 'tulad ni Segundo. Sa gitna ng pagpapahirap, patalim ang tangi nilang sandalan. After all, Thunder is a wise, and manipulative man.

Everything is on plan, not until Segundo tries to leave the island with her woman. Not until Segundo chose to trait him.
 
Nabalot ng konsensya ang puso ni Segundo matapos balikan ang pagtulong na ginawa ni Thunder sakanya. Kung hindi dahil dito ay baka hanggang ngayon ay miserable ang buhay niya. Ang katangi-tanging tao na tumulong sakanya ay nagawa niyang pagtaksilan.

Ang pagsisisi ay wala ng puwang sa mga oras na ito. Nangyari na ang dapat na mangyari. At iyon ay ang ahasin ang babaeng mahal na mahal ng kanyang amo. Kinalimutan niya ang lahat ng pinagsamahan nilang dalawa dahil lang sa lintek na nararamdaman niya para sa dalaga.
 
Dahil sa labis na pagsisisi at kahihiyan para sa sarili ay muling nanubig ang mga mata ni Segundo. Akala niya ay tapos na siya sa pag-iyak subalit ibang-iba ang mga luha niya ngayon. Kung kanina ay para sa pagmamakaawa ang iyak niya, ngayon ay para na ito sa kapatawaran. Nais man niyang humingi ng tawad ngunit paano niya ito magagawa ngayong wala na ang kanyang dila.

Nakita naman ito ni Thunder at aminin man niya o hindi ay nakaramdan ito ng awa. Kahit galit ito ay hindi niya maipagsawalang bahala ang pinagsamahan nilang dalawa. Tumingin paitaas si Thunder at sa hindi malamang dahilan ay pumatak ang isang likido mula sa kanyang mga mata. Umiiyak siya.

Subalit ng muli nitong maalala ang kataksilan na ginawa nina Alena at Segundo ay namutawi ulit ang galit sa kanyang puso. Marahas niyang pinunasan ang kanyang pisnge na basa.

"If this is just a simple mistake, I can easily forgive you, but stealing my love? That's the biggest crime you can commit in your entire life. Even if you cried with blood or kneeled unstoppably, my heart would remain stone to you. I'm disappointed, Segundo. I'm fucking disappointed in what you did. DO. YOU. UNDERSTAND. ME?!" Kahit na ramdam mo ang galit sa bawat salita niya ay iba ang pinapakita ng kanyang mga mata. Malamlam ito at tila hindi gusto ang nangyayari, ibang-iba sa kung ano lumalabas sa kanyang bibig.

Tumingin si Thunder sa kanyang mga tauhan at sinenyasan ito na lumapit sakanya. "Kill him. Slice his head. And make sure to throw his eye. I don't want to see his eye again. After you kill him, bring his eye to me," malamig niyang wika bago lisanin ang silid na iyon.

Hindi ito ang orihinal na plano. Ang balak niya ay patayin at pugutan ng ulo si Segundo gamit ang sarili niyang mga kamay, subalit sa huling pagkakataon ay lumambot ang kanyang puso para sa binata. Bago pa man magbago ang isip niya na patayin ito ay pinagawa na lamang niya ito sa kanyang mga tauhan.

Bago niya linisin ang kanyang sarili dahil sa mga dugong tumalsik sa kanyang baro at mukha ay sumilip muna ito sa kwarto kung saang mahimbing na natutulog ang dalaga. Napangisi si Thunder sa kadahilanang nawala na sa landas nilang dalawa ang lalakeng muntik ng umagaw sa puso ng dalaga. Ang awa niya kanina para kay Segundo ay tila bula na biglang naglaho.

"Tomorrow you will be the next to suffer at my hands, Alena."

Thunder's Woman Property Where stories live. Discover now