Chapter Six

453 12 1
                                    




Chapter Six - FACE REVEAL





Nagtagal ng ilang minuto ang mapusok at marahas niyang halik. Kulang na lang ay tanggalin niya ang dila ko para masipsip ito ng husto. Nalalasahan ko na rin ang dugo ko na walang sawang umaalpas sa labi kong sugatan dahil sa pagkagat niya. Gigil na gigil siya.

"Sweet," nakangisi niyang sabi habang dinidilaan ang labi niya na nalagyan ng mantsa ng dugo. Sinamaan ko siya ng tingin subalit hindi ito natinag at mas lumawak pa ang ngisi niya sa mukha. Ramdam ko ang lamig na bumalot saaking katawan dahil wala akong suot na kahit ano sa pang-itaas dahil sinira niya ito.

Nang mas napokus ako sa kanyang mukha ay napansin ko ang kagwapuhan niya. Hindi naman talaga maipagkakaila na may alindog na dala ang lalake pero kung susumain ay aanhin mo ang kagwapuhan niya kung baliw naman.

Kulay tsokolate ang mata niya habang ang labi naman ay kulay rosas. Litaw din ang pulidong jawline. May bigote at balbas din ito pero hindi iyon naging hadlang para mabawasan ang kanyang kagwapuhan. Mas nagmukha lang siyang matikas dahil doon. Moreno ang kulay niya at halatang may halo ang lahi.

Teka lang? Bakit ko nga ba dine-describe ang lalakeng ito?

Muling bumalik ang sama ng loob ko nang maalala ang kagaguhang ginawa niya saakin. Ninakawan niya ako ng halik. Pangako ko kay Cade na siya lang ang lalake na may karapatang makatikim sa aking labi at ang katotohanan na nakipaghalikan ako sa iba ay isang kalapastanganan iyon.

"Who's your thinking, love? Is it me or..." Ang malambing niyang boses ay nagsimulang lumalim at naging nakakatakot.

Dudugtungan na sana niya ang sasabihin nang bigla akong sumagot. "W-wala! Ikaw lang ang iniisip ko!" labas sa ilong kong sabi.

Nagbago ang kanyang ekspresyon at bumalik ito sa pagiging malambing. Nakangiti siyang lumapit saakin at hinaplos-haplos ang aking buhok.

Ang maingat niyang mga kamay na humahaplos saaking buhok ay unti-unting humigpit. Sa isang iglap ay marahas na niya akong sinasabunutan. Pilit akong nagpupumiglas subalit ang mga posas sa aking kamay at paa ay naging hadlang para makalaban ako.

"Do you think I'm dumb?! Alam kong hindi ako ang iniisip mo! BULLSHIT!" galit niyang sabi. Tumayo ito at may kinuha sakanyang bulsa. Isang susi. In-unlock niya ang mga posas saaking kamay at paa. "I'm gonna mar—"

Hindi na niya natuloy ang dapat na sasabihin nang bigla ko siyang sipain nang malakas. Kinuha ko ang pagkakataong nakawala ako sa mga posas para tumakas. Ininda niya ang malakas kong pagsipa kaya nahulog ito sa kama at namaluktot.

Dagli-dagli akong tumakbo palabas ng bahay. Wala na akong pakielam kung mamatay man sa sakit ang lalake. Ang importante ay makatakas ako ngayon. Hindi ko kakayanin kung magtatagal pa ako sa isang silid kasama ang psycho na iyon.

Sa sandaling maapakan ko na ang buhanginan—labas ng bahay—ay masigla akong kumaripas ng takbo. Pakiramdam ko ay malaya na ako.

Hindi ko alam kung saan ako patungo. Basta takbo lang ako ng takbo. Hindi ko ininda ang pagod at hingal, ang nais ko lang ay makaalis dito.

Pero ang layunin kung makawala ay nabura bigla nang mapagtanto ko kung nasaan na ako. Tumigil ako sa pagtakbo at walang pag-asa na tinignan ang napuntahan ko.

Karagatan.

"YOU CAN'T RUN AWAY TO ME, LOVE!"

Naging alisto ako nang marinig ang malakas at nakakatakot na boses ng lalakeng iyon. Bumaliko ako ng takbo at naghanap ng pwedeng pagtaguan. Hindi ako tanga para hindi malamang nasa isla ako ngayon. Halos mamura ko na ang sarili dahil doon. Paano ako tatakas kung napapalibutan kami ng katubigan?

Habang tumatakbo ay luminga-linga ako. Nagbabakasali na mayroong mahanap na kahit anong pwedeng gamitin para makatawid sa karagatan.

Subalit bigo ako.

Mga matatayog na puno lang ang nakikita ko. Walang kahit anong kabahayan. O kahit anong sasakyan.

Sandali akong napaluhod nang maramdaman ko ang pagod. Alam ko sa sarili ko na kahit tumakbo ako ng tumakbo ay mahuhuli at mahuhuli niya pa rin ako. Napatakip ako sandali sa dalawang malulusog kong dibdib nang humangin nang malakas. Wala nga pala akong suot na pang-itaas dahil sinira niya ito.

Nang akmang tatakbo na ako ulit ay nagulat ako nang biglang may sumipa saaking likuran kaya bumagsak ako sa buhanginan. Kahit na hindi ko nakita ang may gawa non ay alam ko na agad kung sino. Fuck! Nahuli niya ako!

"You're a very bad girl," malamig na sabi ng lalake. Lumingon ako sakanya at nakita ko ang nagpupuyos niyang mga mata. Ang kaliwang kamay niya ay nakayukom at parang gustong manapak habang ang kanan niyang kamay ay may hawak na baril.

Napuno ng takot ang aking katawan nang makita siyang tinutok ang baril sa aking noo.

"N-no... S-spare m-my life..." iyak ko sa harapan niya. Ang tapang ko kanina ay biglang naglaho.

"Do you really think that I will kill you? Ikaw ang buhay ko kaya hindi ko magagawa iyon. Kapag namatay ka, kaylangan ko na ring mamatay." Hindi ko malaman kung totoo ba ang sinasabi niya dahil nakangisi ito habang sinasambit ang mga iyan.

Ang baril niyang nakatutok saaking noo ay unti-unting nagbago ng direksyon. Nakatutok na ito ngayon saaking binti.

"P-pakawala—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang paputukin niya bigla ang baril. Tumama ang bala sa aking binti at nakita ko ang pagragasa nang masaganang dugo roon. Umiiyak akong tinignan siya pero nginisian niya lang ako. Napakasama mong hayop ka!

Inilipat niya ang nguso ng baril sa isa ko pang binti at walang ano-anong pinaputukan din iyon.

"ARAYYYY!" sigaw ko dahil sa sakit. Walang kahit na anong konsensya ang mayroon sa kanyang mga mata. Tila masaya pa siya na nasasaktan ako.

Nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa sobrang daming dugo na nawala saakin. Kita ko ang paglapit niya at tangkang pagbuhat saakin. Lumayo ako sakanya kahit nahihirapan dahil sa nagdudugong mga binti. Ang mga ngisi niya sa labi ay nagbibigay ng ibayong sindak saakin. Wala siyang puso!

"I wouldn't hesitate to cut off your legs if it meant you couldn't get away from me. Keep this in your pretty head: no matter how far you run and hide, I can still find you," mapanganib niya sabi bago ako hilain at buhatin na parang sako.

Bago ako tuluyang sakupin ng dilim sa kanyang mga bisig. Isang dasal ang inusal ko sa aking isip. Nagbabakasali na dinggin ng LANGIT ang hiling ko na makawala dito at makabalik sa piling ni mama.

BUT FOR THE THIRD TIME, BIGO AKO.

Thunder's Woman Property Where stories live. Discover now