Chapter Eleven

567 19 10
                                    





Chapter Eleven - Consequence







Alena's POV

Nilukuban ako ng takot nang marinig ang sinambit ni Thunder. Any last word? Kagaya ko ay alam kong ganoon din ang nararamdaman ngayon ni Segundo. Pigil ang hininga naming dalawa at parehong nagdadasal na sana ay katukin ng kabutihan ang puso ni Thunder.

"You were afraid to die, but you weren't scared when you planned to escape," mabangis niyang wika bago muling iputok ang baril. Ngunit tumama ito ngayon sa vase na nasa tabi niya. Halos lumundag ang puso ko dahil doon.

Kahit sino saaming dalawa ay walang naglakas loob na magsalita o depensahan ang sarili. Para saan pa? Alam naman namin na kahit anong sabihin namin ay wala na rin itong magagawa. Paniguradong alam na ni Thunder ang plano, mula una hanggang huli dahil sa mga CCTV na nakakalat sa silid ko.

"What I don't like is when the person I'm speaking with doesn't respond when I talk." Kagaya kanina ay nanatiling tutop ang mga bibig namin ni Segundo. Pareho kaming takot na kahit paghinga ay hindi na namin magawa. "Don't you have mouths? Why don't you answer me?!" Sa pagkakataong ito ay sumigaw na si Thunder dahil sa sobrang inis. Kulang na lang ay bumuga siya ng apoy.

 "B-bos—" Nagulat ako nang biglang ipaputok ulit ni Thunder ang baril at sa pagkakataong ito ay tumama iyon sa kaliwang braso ni Segundo. Napasigaw naman ako dahil sa hilakbot.

"SHUT UP!"

Kung nasa normal na sitwasyon lang siguro kami ay baka naasar ko na si Thunder. Sapagkat nagagalit siya nung hindi kami sumasagot ngunit nagagalit pa rin naman siya kapag sumasagot kami. Sa sitwasyon ngayon, walang puwang ang pagiging pilosopo ko.

"Thunder, please. Spare us. Huwag mong gawin 'to," makaawa ko.

"What makes you think I listen to you? When I said don't run away and stay at home, I meant it. Did you listen?" Natakot ako nang unti-unti akong makakita ng emotion sa kanyang mga mata. Galit, selos, at sakit. Pero mabilis din yong nawala at nagpirme lang sa galit. "FUCKING ANSWER ME!" Nanlaki ang mga mata ko nang sumigaw siya ng ubod ng lakas.

Maging ang mga tauhan niyang nakatayo sa kanyang likuran ay nanginginig din sa takot. Kita ko ang takot sa mga mata nila. Kung sila na walang kasalanan ay natatakot, ano na lang kaya kami ni Segundo?

"Ikaw ang kumidnap saakin kaya normal lang na tumakas ako. Bakit ko gugustuhin na sumama say—"

He cut me off. "Pero ayos lang sayo kapag si Segundo ang kasama mo, huh? Anong meron ang lalakeng yan na wala ako?!"

Naalarma ako nang makita siyang may kinuha na isang syringe sa kanyang bulsa. Napaatras ako nang unti-unti itong lumapit saakin. Nakita ko pa ang malakas niyang pagsipa kay Segundo ng madaanan ito. Umire si Segundo dahil sa sakit. Nais ko mang lapitan si Segundo pero natatakot akong malapit o kahit mahawakan man lang ni Thunder. Hindi ko man alam ang laman ng syringe pero alam kong delikado iyon kapag na-inject saakin.

"If I were you, I'd summon all the saints. Because after I inject this syringe to you, you will experience hell," makamandag niyang sabi bago hablutin ng marahas ang aking buhok at pilit na inilapit sakanya. Nagpupumiglas ako ngunit walang laban ang maliit kong katawan sa bato-batong katawan ni Thunder.

"S-spare me. . . p-please. Huwag m-mo akong p-patayin," lumuluhang makaawa ko. Umiiling-iling pa ako dahil natatakot ako na baka ikamatay ko ang kung ano man ang nasa syringe na iyon. Ayaw kong mamatay ng hindi man lang nakikita ang pamilya ko.

"Pampatulog lang ang nasa loob ng syringe, Alena. Don't worry, I can't kill you. Ikaw ang buhay ko kaya hindi kita pwedeng patayin. Ikakamatay ko yon kung sakali," malambing niyang wika bago marahas na isaksak ang syringe sa aking leeg.

Wala pang ilang segundo simula nang i-inject niya ang syringe ay nanghina agad ako. Para akong nakalutang. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Tila tinatangay ako ng hangin. Maliban diyan ay bumibigat din ang talukap ng mga mata ko at parang ano mang oras ay mahihimatay ako.

"I can't kill you, Alena, 'cause you're my life. But Segundo? Well, sakanya ko ipapatikim ang bagsik ng isang, THUNDER VARGAS." Kahit nanghihina ang aking katawan ay pinilit kong gumalaw. Natatakot ako sa maaaring mangyari kay Segundo sa oras na tangayin ako ng dilim. Alam ko na hindi magdadalawang-isip si Thunder na kitilin ang buhay ni Segundo na siyang mas kinakatakot ko.

"N-no." Kahit nanghihina ay pinilit kong magsalita. Narinig ni Thunder ang aking tinig kaya lumingon siya sakin. Subalit sa kanyang mga mata, muli kong nabasa ang isang emotion na hindi ko inaakalang makikita kong muli. Pangungulila, takot, at sakit.

"It fucking hurt me, knowing that you chose this bastard rather than me. It hurt me, Alena. It really hurt." Hindi ko alam subalit nakaramdam ako ng kirot dahil nasaktan ko siya.

Subalit kasabay ng nakakalitong damdamin ay siya ring pag-usbong ng takot ko nang marinig ang sigaw ni Segundo. Sigaw ng natatakot. At sigaw ng humihingi ng tulong. Nakakalungkot na wala akong magawa para tulungan si Segundo. Pero pinapangako ko na sa oras na bumalik ang lakas ko ay sabay kaming tatakas.

"Sleep, my love. May tatapusin lang ako." Ito ang mga huling kataga na narinig ko bago nanaig ang dilim sa buong kapaligiran. Sa isang iglap ay mahimbing na akong natutulog at walang kamalay-malay na iyon na rin pala ang huling kita ko kay Segundo.

Thunder's Woman Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon